Title: inahin na hindi makatayo Post by: Erwin on August 13, 2011, 03:28:11 PM Good day po, Doc Nemo, tanong ko lang kung ano ang magandang igamot sa inahin ko, 5 days na siya nanganak, 13 yung anak nya, dinukot po yung 12, kaso nangamatay din po yung iba, sa ngayon 3 nalang yung buhay, napansin ko po nung naglabor sya nanginginig yung katawan niya at nahihirapan na siya tumayo hanggang sa siya ay manganak, sa ngayon po nakahiga pa rin po, sinubukan ko sya patayuin kahapon, hirap pa rin sya ang nanginginig yung buong katawan nya, ano po kaya ang pwede ko igamot sa kanya, para makatayo na sya at makakain ng maayos sinusubuan ko nalang po kasi at pati yung biik pinapadede ko nalang sa bote, mahina po kasi yung gatas (nag inject na nga po pala ako ng mamavet at sulpyrine 3 days na sunod sunod), sana matulungan nyo ako, tnx Title: Re: inahin na hindi makatayo Post by: nemo on August 13, 2011, 09:25:03 PM ilang days na po ba itong ganito at same po ba ito nung dati nyon nasabi? Mga vitamins po ba ala pa silang nainject?
Title: Re: inahin na hindi makatayo Post by: Erwin on August 14, 2011, 04:41:33 PM 5 days na po sya nakahiga, mula nung nanganak sya, bale unang panganganak palang po nya, vitamin b12 pa lang po yung naibigay ko kahapon, thanks
Title: Re: inahin na hindi makatayo Post by: nemo on August 15, 2011, 06:38:43 PM mag continue po sila sa vitamins and antibiotic.
yun sulpyrine kahit tigil muna. yun water lagyan nyo yelo para lagi siya umiinom. |