Title: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: royland_shun on July 21, 2011, 11:17:38 PM Anyone who can help me with my problem, yung inahin ko ayaw kumain after giving birth to 14 piglets. Tinurukan ko na nang PENSTREP, D.C.M at oxytocin, SUSTALIN LA and MAMAVET pero wla parin improvements, 3 weeks na cya ganito..sinubuan nlang namin para lang cya makakain.
Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: laguna_piglets on July 22, 2011, 12:07:22 AM Oh sari sari ng mga gamot nabigay ninyo sa kanya.. Ano ngayon status ng sow ninyo?? Ilan po ang biik ngayon?
Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: royland_shun on July 22, 2011, 12:56:06 AM 14 parin yung biik niya, kaso yung inahin ko hangang ngayon wlang ganang kumain.
Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: laguna_piglets on July 22, 2011, 05:35:19 AM Bakit po hndi nalang isang klaseng gamot ang inyong ginamit?? Kapag mahina na kumain ang inahin kumokunti nlang ang gatas nitong mapproduce, nasubukan nyo nang pakainin ng prestarter feeds? Noong pagkatapos manganak nailabas po ba nya lahat lahat ang placenta? Pang ilang anakan na ho ito?
Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: nemo on July 22, 2011, 07:14:34 PM Parang walang vitamins dun sa naibigay nyo sa animal... i am not sure kung ano yun "mamavet"
change feeds po muna sila and vitamins...then observed kung meron improvement Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: royland_shun on July 22, 2011, 08:43:49 PM Doc Nemo tinurukan ko na rin nang vitamins Bexan Sp..pero hangang ngayon hindi parin kumakain at namumutla cya, suspect ko ho timaan cya nang MMA..3 weeks na ho cyang ganito. Lahat na ata nang atibiotic ginamit ko na, enrofloxacin nalang ang hindi ko na try sa kanya. yung mamavet doc isa ring antibiotic na penicillin base mula sa univet.
Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: babuylaber on July 22, 2011, 11:48:14 PM check po nila environment, lagyan ng electric fan kung kinanailangan. malakas naman pong uminom? kumusta po mga biik?
Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: nemo on July 25, 2011, 06:47:28 PM ano po ba yun feeds na pinapakain nila, ano rin po brand?
kung umiinom siya sa tubig nalang po nila padaanin yun antibiotic everyday para hindi mabugbug yun leeg sa saksak Title: Re: Inahin ayaw kumain after giving birth Post by: royland_shun on July 25, 2011, 10:06:57 PM opo malakas cyang uminom, pigrolac po ang ginamit kong feeds.
|