Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: Kurt on April 13, 2011, 01:41:33 PM



Title: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: Kurt on April 13, 2011, 01:41:33 PM
Doc,

Inquire na namn po..

Ano po ba ang dapat nating igamot sa mga biik na hindi makatayo at parang laging nanginginig..
Malakas namn po dumide kaso lng hindi makatayo at kung nasa kabila yong inahin wala silang kain.

Noong lumabas sila pareho naman masigla...noong tinurukan ko nng iron ayan nagkaganyan na...try ko OTC.

Athritis kaya ito?

Thanks..


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: laguna_piglets on April 13, 2011, 05:23:14 PM
di kaya tinamaan nyo ang ugat or buto ng biik after injecting ng iron.


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nemo on April 13, 2011, 07:44:41 PM
possible o na may tinamaan sila na ugat baka po mahaba masyado ang needle na ginamit nila.


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: babuylaber on April 14, 2011, 08:57:56 AM
click mo yung link kuyang, baka pareho tayo ng naging case>>> http://pinoyagribusiness.com/forum/swine/nanginginig_na_biik-t2004.0.html (http://pinoyagribusiness.com/forum/swine/nanginginig_na_biik-t2004.0.html)


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: laguna_piglets on April 15, 2011, 05:20:43 AM
tingnan nyo po site ng pinag inject ninyo kung nag kulay talong,, at kung namamaga.


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: Kurt on April 15, 2011, 05:44:15 PM
Wala naman pong pamamaga sa may pige kung saan ako tumurok nang iron....

Napansin ko iyong mga joints ang namamaga, at tuwing buhatin ko sila iyak masyado...namatay na iyong isa..hindi nakayanan.


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nemo on April 25, 2011, 07:53:01 PM
Any update po. hindi ko napansin yun last na reply about sa namamagang  joints


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: Kurt on May 02, 2011, 05:22:45 PM
Ubos na lahat Doc...sayang naman..cguro Doc makitanong na lng kung paano iiwas sa ganitong probs...

Thanks ulit..


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: babuylaber on May 02, 2011, 10:06:53 PM
anung size po ng needle ginagamit nila?


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: Kurt on May 03, 2011, 05:41:24 PM
Yong sa 1 ml lng po..


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nemo on May 03, 2011, 07:48:40 PM
Sorry to hear na namatay po pala mga alaga nila.

Proper disinfection po ng mga kulungan at kung gumagamit kayo ng fiberglass and needle then properly po dapat ang pagsterilize dito.

Ang sakit po ng baboy nila could be strep, parasuis, prv , tetanus etc...

Although di ko po mapipinpoint kung alin pero suspetsa ko kung less than 10 day old ito, baka strep po siya.

Meron naman pong mga bakuna para sa nabanggit ko na sakit.


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: babuylaber on May 03, 2011, 09:47:40 PM
idagdag po nila sa proper disinfection at mabakante yung kulunga the longer the better


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: Kurt on May 06, 2011, 04:46:06 PM
Ano Po ba iyong strep?

Sorry for my ignorance...


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nerifloriza on May 10, 2011, 04:35:46 PM
gudpm doc nemo. ask ko lang po  iniwalay ko na ang  alaga kong biik after  35days sa inahin with complete vits. and vaccine ngayon po  48days  na po cla ngayon po pag umiihi cla may kasamang puti na parang sinulid ano po ito?  salamat po !


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nemo on May 10, 2011, 08:52:14 PM
Malakas po ba animal nila at magana kumain

2 things ang iniisip ko mild infection or worm problem pero ang usual na  lumalabas sa urine is egg and not worm.

nag deworm po sila ?

Kung malakas naman and no other symptoms maliban dito observe lang po nila. Give vitamins nalang for supportive treatment.

Kung may maidadagdag pa silang data much better.


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nerifloriza on May 14, 2011, 10:57:16 AM
hi gud am doc nemo salamat po my tanung pa po ako doc bkit po ung inahin ko naglalagas po ung balahibo at pagkumakain eh nagbubula ung bibig..ano po un?


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: babuylaber on May 14, 2011, 10:19:06 PM
http://pinoyagribusiness.com/forum/breeding/panlulugon_ng_inahing_baboy-t2178.0.html


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nemo on May 14, 2011, 10:56:13 PM
yun pag lalaway meron talagang baboy na medyo malaway kumain.

kung ito ho ay hindi naman niya ginagawa /nangyayari dati then it would be a concern. pero kung eversince ganito siya malamang TL (tulo-laway) lang talaga siya.

check na lang yun link above about pag lulugon


Title: Re: Anong klaseng sakit na ito? ( 4 days old biik hindi makatayo)
Post by: nerifloriza on May 16, 2011, 02:59:45 PM
salamat po sa reply malaking tulong po itong site nyo sa amin.
GodBless!