Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: darjen on June 10, 2011, 10:55:13 PM



Title: 1st time na magbabakuna
Post by: darjen on June 10, 2011, 10:55:13 PM
meron ako 16 na biik 63 days old na. Nakasced ng bakunahan bukas ng anti-pneumonia at anti-cholera. Ang prob meron ilang malambot ang dumi pero masisigla naman at malalakas kumain. Ok lang po ba na bakunahan sila o wag na lang? Piliin ko na lang ang may magagandang dumi. Salamat po sana matulungan nyo ako.


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: laguna_piglets on June 10, 2011, 11:31:44 PM
Much better palipasin muna pagvaccine.. Hintayin muna sila gumaling gamit ang antiscouring meds... Makakasama lalo sa piglets ang pag vaccine na sila ay mahihina at nagtatae.. Yun po dapat iwasan bago tayo mag bakuna


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: darjen on June 11, 2011, 05:40:38 AM
    A ganon po ba ayun? Pero di naman sila matamlay, masisigla at malalakas sila kumain. Yun kase ang problema ng alaga kong yun nakailan ng beses ginamot kontra pagtatae pero palaging may naiiwang ilang may malambot  na dumi. Kung baga di ko magawang 100% na magaling lahat sila. Palaging may nakikita akong pailan-ilang malambot ang dumi. Pero lumalaki naman sila at malusog. Nakatakda na kase silang ibenta kaya kailangan ng mabakunahan asap.


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: darjen on June 11, 2011, 10:50:53 AM
    Mga kamember binakunahan ko na kanina ang 16 piglets ko kahit na malambot ang dumi ng ilan. Masisigla naman eh. Ayun.Sanay walang maging problema. Masisigla pa ngayon parang walang nangyari. Update ko uli kayo about sa newly vaccinated.


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: babuylaber on June 11, 2011, 10:27:50 PM
check po nila yung environment pwede rin pong ito ang isang dahilan kung bakit pabalikbalik ang pagtatae ng mga baboy nila.


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: darjen on June 13, 2011, 05:34:16 AM
   Ok na ang mga binakunahan walang naging problema magagana paring kumain. Pwede na silang ibenta. Ang problema mura pa ata ang biik ngayon. Magkano kaya ang lakaran ngayon ng presyo? Batangas area. Baka po may idea kayo yung pinakalatest para may basihan ako salamat....


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: nemo on June 13, 2011, 09:03:34 PM
ang problem kasi sa pagbabakuna sa medyo mahina na baboy is baka magkasakit yun baboy dahil sa stress and bakuna, kung sakali naman hindi siya magkasakit mataas naman ang chance na hindi maging effective ang bakuna...


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: darjen on June 14, 2011, 06:16:57 AM
   Goodmorning! Ok po doc di naman po matamlay ang mga biik ko nung time na bago sila bakunahan. Meron nga lang ilang medyo malambot ang dumi(i think 2 lang ata yun).Masigla naman sila at base sa obserbasyon ko . Wala namang nagbago sa kanila after. Sa palagay nyo po doc mali po ba ang ginawa ko? Salamat po doc sa advice.


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: nemo on June 15, 2011, 08:13:50 PM
as much as possible next time iusog na lang po nila yun vaccination para at least mas sigurado.

Kung sakali po kasi mabili sa kanila yun biik at hindi pala tumalab ang bakuna ang bad impact nyan ay sa inyo especially kung maging sakitin ang biik. Mapag hihinalaan pa kayo na hindi nagbabakuna...


Title: Re: 1st time na magbabakuna
Post by: Richelle on August 06, 2011, 06:02:11 PM
   Ok na ang mga binakunahan walang naging problema magagana paring kumain. Pwede na silang ibenta. Ang problema mura pa ata ang biik ngayon. Magkano kaya ang lakaran ngayon ng presyo? Batangas area. Baka po may idea kayo yung pinakalatest para may basihan ako salamat....

sir san kayo sa batangas? ang alam ko depende pa rin sa area ng batangas. like sa calatagan, pumapatak na 1,500-1,700 lang ang baboy pero sa bandang lipa mas mataas po