Pinoyagribusiness

OTHERS => BUSINESS CONCEPTS => Topic started by: nemo on May 31, 2007, 03:30:32 PM



Title: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on May 31, 2007, 03:30:32 PM
Bawat kumpanya ay may iba't ibang paraan kung paano nila pinapatakbo ang pagbebenta ng kanliang feeds. May mga kumpanya na ang kanilang dealer ay diretsong nakakabili sa kumpanya at meron naman dumadaan sa distributor.

Ang distirbutor ang ang siyang namumuno ng pagbenta ng feeds sa isang lalawigan o bayan. Walang sino mang tindahan ang pwedeng magbenta nito na hindi dadaan sa kanya.

Mula sa kumpanya ay bibili ang distributor at ang maliliit naman na tindahan ay sa distributor bibili at siya naman ibebenta sa mga backyard piggery or poultry.


Paano maging distributor ng feeds?


Dapat ay meron kang fixed na volume na icocommit sa mga feed company. Kalimitan ang dami nito ay mula 500 bags haggang libong bags kada buwan.

Sa hindi kalakihan mga feed company mas mababa naman ang hinihinging volume nito.

Paano kumikita ang Distributor?

1. Una ang distributor ay binibigyan ng discount ng company. Halimbawa sa 800 pesos na prestarter may discount ang distributor na 60 pesos. Bale ito ang magiging kita niya kapag naibenta niya ng
800 ang prestarter.

2. Rebate- kapag ang distributor naman ay nakameet ng target sila din ang binibigyan addition discount per bag.

Dealer= ang dealer naman ay kumukuha ng paninda mula sa distributor. Hindi siya maaaring magdirect sa company dahil hindi niya kayang magcommit ng volume.

Ang nagbibigay naman ng discount sa dealer ay ang distributor. Kalimitan ang distributor din ang nagbibigay ng terms kung ilan araw bago nila ito bayaran.




Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: JETTRO on May 22, 2008, 04:14:04 PM
SIR ASK KO LANG PO, ANO PO B ANG MGA PROSESO PARA MAGING DISTRIBUTOR AND DEALERSHIP? KAILANGAN PO BANG MAGDEPOSIT NG CAST S KOMPANYA?
PARA MAKAKUHA NG PRODUCT PARA MAIDELIVER?

ANO PO BANG MGA KOMPANYA ANG GAUMAGAWA NG MGA GANITO YUN BANG TINATAWAG NA MAGBA BAN NG PERA. THEN TUTUBO PO YUNG PERA MO SA KANILA.
HINDI KO ALAM KUNG ANONG TAWAG NITO. SYENSYA NA PO! :D :D

PANO PO BA ANG PROSESO NG GANYAN! SALAMAT PO ADMIN


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on May 23, 2008, 12:39:19 AM
Para maging distributor ng isang feeds kailangan mag inquire kayo sa mismong kumpanya. Pero para maging distributor kailangan ng malaking halaga, mahigit pa sa  isang milyon lalo pa at mga kilalang kumpanya ang inyong kakausapin. Sa paumpisa kalimitan cash basis ang bili ng feeds sa kumpanya habang tumatagal na kayo saka sila nagpapautang ng feeds.

Ang bond or collateral ay anumang bagay na may halaga tulad ng lupa/ cash na pwedeng ibigay sa kumpanya upang maging pangbayad utang sa hinaharap kung sakaling hindi ka na makabayad sa kanila. Ito po ay hindi tumutubo.  Ang b-meg lang ang alam kung may bond na nererequire sa kanilang mga distributor. At ayon sa mga kilala ko sa Pampanga meron isang distributor ng b-meg na hindi nakabayad at ang collateral na nakuha sa kanya ay bahay at lupa. Hindi siya nakabayad sa b-meg dahil yun mga umutang sa kanya ay hindi din nakabayad.

Kung gusto mo naman maging dealer ay hanapin mo sa  inyong lugar ang distributor upang dito ka kumuha ng feeds.

To be a distributor of a Smaller feed company or not well known feed company would be easier and does not require much money as compared to the big companies.
-------------------------------------
translation

If you want to be a distributor of feeds you need to inquire directly to the company. But to be a distributor you need a huge amount of money, minimum of 1 milyon especially if the company is a well known brand. At start the company will require you to pay on a cash basis and as time goes by they will give you terms or credit limits.

the bond or collateral is anything which have value like land or cash which to be given to the company which will served as payment in the near future if you cannot pay them anymore. To my knowledge B-meg is the only company that requires this to their distributor.  I have heard that a distributor of b-meg in Pampanga loss his house and lot because he cannot pay b-meg anymore and this is the collateral that he give to the company before. The reason why he cannot pay to b-meg is because some of his customer did not also pay him, so it is a chain reaction.

If you want to be a dealer just look for the distributor in your area and you can ask them for dealership.

To be a distributor of a Smaller feed company or not well known feed company would be easier and does not require much money as compared to the big companies.


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: JETTRO on May 23, 2008, 03:28:11 PM
OK THANKS PO SA INFO ADMIN.. GOD BLESS YOU !


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: mr hog on May 24, 2008, 11:00:08 AM
Hi Doc what would the profit margin be in that bizniz?any info would be great thankx


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on May 24, 2008, 03:48:29 PM
6-10% per bag. It is a numbers game. The more you sell the more cash incentive you could get from the company.


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: jamesdeal on January 21, 2009, 04:32:51 PM
Doc Nemo,

Ako po ay isang OFW at nagpa-plano pong mag negosyo.
Bukod po sa pag-aalaga ng tilapia at baboy, ang pagiging Distributor/Dealer/Retailer po ng Feeds  ang isa sa aking mga naiisip na negosyo.
Tanong ko lang po kung mayroon kayong mga listahan ng mga FEEDS Company (for tilapia & swine) at contact details ng mga ito para makapag-inquire sana?
Ang location ko po ay nasa main road (San Luis, Pampanga) at sa tingin ko ay papatok sa ganitong negosyo.
Kasalukuyan po ay mayroon na po akong fishfond, balak ko hong mag-alaga din ng baboy at ilalagay ko sa bawat division nito at the same time sana ang pagdi-distributor/dealer/retailer din po ng FEEDS
Sa tingin ko, mas-magiging masigla ang negosyo, kung ikaw mismo ay kumokunsumo rin neto....

Any suggestion will be appreciated.
Salamat po




 


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on January 21, 2009, 08:07:00 PM
Try this:
B-meg
Pulilan, Bulacan
Bo. Dampol, 1st Pulilan, Bulacan
Telephone : (044) 676 2425
Telefax : (044) 676 3434

Robina Uno feeds- 09228866111 or digitel line 1-800-3-8-866-111

CJ Philippines Inc.
Bgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan
Trunkline: (044)- 766-6201 or 20
Customer Service: (044)-673-3544
Sales: (044)  673 -3540

SANTEH FEEDS / TATEH FEEDS
Silangan Highway, Bo. Sto. Nino Calumpit Bulacan
(63) (44) 913 1015

VITARICH FEEDS CORPORATION
Abangan sur, Marilao, 3019 Bulacan
(63)(2)8433033




Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: jamesdeal on January 22, 2009, 07:02:30 PM
Sir Nemo,

Maraming-maraming salamat po :)


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: mmk on January 24, 2009, 09:07:13 PM
additional info po:

for b-meg aquatic feeds (last time na nag-inquire kami):

15,000 sacks a month for feeds distributor

minimum 200 sacks a month for feeds dealer


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: jamesdeal on January 24, 2009, 09:44:42 PM
Para maiwasan po muna yang sobrang pressure sa volume na ni-re-required nila, ang magandang gawin siguro po ay select from the best feeds company na ala pang accredited na retailer store/dealer/distributor sa lugar kung saan tayo mag e-establish, then start on the level na kaya muna natin. Proper marketing strategy para maparami yung mga costumer ng feeds na ating e di-distribute, then, pag-kaya na, proceed to the next level na…hehehehe. Parang ang dali-dali lang noh Sir Nemo?

Mas-maraming Feeds Company na pag-pipilian mas maigi…
Salamat po..


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on January 25, 2009, 06:17:41 PM
There are many feed companies but the problem is the acceptance of the market.
Usually backyard raiser will choose the leading brand or the brand which is the cheapest.

It is a good idea to have your own animal so if you cannot sell the feeds your animal will eat it na lang.

Other feed company you could choose from :

selecta feeds
Ace feeds- Pulong cacutod angeles, pampanga
B-max-
Nutrimix feeds- I think the plant is in sta. maria bulacan
Hoover feeds- Plant is in San rafael, bulacan
Global feeds- pampanga-045-322-2094
Viking feeds
Feedmix - pulilan bulacan, 044-676-0000
Grains handlers-022-6329679
Farmers edge -tarlac
Pigrolac




Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: EdjGsince1990 on December 14, 2009, 08:12:34 AM
Mga Sir

Hingi lang po sana ako ng help at tip.. dito po ako sa bataan gusto ko po kasi mag start ng maliit na bussiness na feeds kaya lang po wala po ako idea qng pano mag start..

magkano po ba ung capital dito? (maliit lang po kasi saving ko)
diba po iba iba ung feeds na binebenta? anu po ung mga pipiliin ko at ilagay sa store ko?
San po ako pupunta para makabili ng mga feeds??
thanks in advance sana po matulungan nyo ako...



Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on December 15, 2009, 09:02:43 PM
Capital wise if dealership ang gusto nila atleast 100t ang start nila. 
In terms of stock piliin nila yun mas maraming gumagamit sa area nila. SO you need to survey first.

You need to go to those bigger poultry supply. Usually sila ang distributor ng mga feeds. Or if you hve a particular feed in mind, call the company and asked them kung sino ang distributor or area manager ng inyong area para maassist ka nila.


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: ruiji on May 13, 2010, 04:09:49 PM
malaki po ba ang tubo pag nagbizniz ka nito.gusto ko kc magnegosyo kaso maliit lang budget ko kaya pinili ko maging retailer nito.thnx!


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on May 13, 2010, 06:32:57 PM
Volume base po kasi ang business na ganito. Almost 5-10% ang kita mo per sako, so kung mabilis mo maibenta ang isang sako then mabilis ang kita mo dito. Assuming na hindi uutangin sa iyo ang feeds.

Okay ang business na ito kung sarili mo ang lugar. kung hindi, medyo mahirap kumita.


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: ongito on May 15, 2010, 01:08:38 AM
mahirap po bang pumasok sa ganitong business? ung feed distribution? dba each area may isang specific distributor lang?


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on May 15, 2010, 06:50:01 PM
IT is not that hard.

 Yes every area meron tlagang distributor. TO  be able to sell a certain product you will go through the distributor. And once na nagkasundo kayo bibigyan/pagbibilhan ka na niya ng product which is discounted na. This you can sell naman sa end user.


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: howardmendoza on December 29, 2010, 04:49:52 PM
doc nemo,

tanong ko lang po kung pano naman po mag tayo ng poultry supply? san po ako makakakuha ng supplier ng feeds ng iba't ibang company? pati na rin po mga accessories, gamot, at iba pang karaniwang laman ng isang poultry supply. dito ko po sana itatayo ang negosyo sa sta. elena camarines norte. sana po matulungan nyo ako


Title: Re: FEED Distributor and Dealership
Post by: nemo on December 29, 2010, 06:57:51 PM
network po kasi ang mga gamot and feeds.

Ang usual system yun malalaking store sa mga bayan ang siyang distributor and yun mga maliliit na poultry supply ay dun sa malalaki kukuha ng supply nila...

So, try to look sa bayan nila kung sino sino ang malalaking store ng feeds, mas malamang kasi sila yun distributor sa area nila. And usually naman kasi kapag meron nang physical store na nakatayo meron nalang  mga ahente na lalapit sa inyo para aluking magbenta ng kanilang produkto.