Title: Terminal Boar Post by: pig_noypi on September 24, 2009, 04:14:08 PM Although highly recommended naman na gawing terminal boar alin man sa Duroc at Petrian pero para sa iyo base sa inyong observation at experience anung pinaka the best gawing terminal boar sa dalawa duroc or pertain or mas prefer nyo pa din yung mix or combination ng dalawang breed ng duroc at petrian (50/50)?
Salamat po Title: Re: Terminal Boar Post by: nemo on September 25, 2009, 08:35:27 PM Mahirap din kasing sabihin the best ... it always take two to tango....
so far i am more leaning into duroc because of it is more heat resistant and disease tolerant Title: Re: Terminal Boar Post by: zambosibfattener on January 05, 2011, 10:43:28 PM Doc, good evening,
nag babalak po akong mag kuha ng biik para gawing boar, ano ano po ba ang mga katangian nito para masabing ito ay maging isang good or excellent na gawing boar ang isang biik katulad din po ba ito sa pag pili ng gawing inahin? Pag A.I. po ba na biik na gawing boar, preferable po ba ito? nag balak po kasi ako ipapalahi ko sa isang Duroc na breed yung sow ko.. Mahirap din kasing sabihin the best ... it always take two to tango.... so far i am more leaning into duroc because of it is more heat resistant and disease tolerant Title: Re: Terminal Boar Post by: nemo on January 06, 2011, 07:45:52 PM same lang almost yun pagpili ng boar at gilt, andyan dapat malakas paa nya, maganda katawan, hindi naging sakitin etc... etc...
Ang magiging problema lang kasi, ang pagpili ng boar at pag develop nito ay aabot ng isang taon. halimbawa, sa 10 biik 3 lalaki, yung tatlo na yun hindi mo pwedeng kapunin especially kung maganda pangangatawan, hindi din pwedeng sabihin yun pinakamalaki nalang pipiliin mo kasi minsan maganda siya nung biik pero nung lumaki na pumapangit. Halimbawa lumaki na siya mga 2 buwan pwede ka nang pumili ng 2 mula sa tatlo na itutuloy mo oobserbahan na gagawin barako. at yun isang hindi napili , it is either litsunin na lang siya or kakapunin para palakihin as fattener. Dun sa dalawang natira pag dating ng 5 months mamili ka ng isang pwedeng gawin barako. at hindi napili benta as fattener , pero dahil meron siyang balls medyo mababa presyo nyan. At pag dating ng 8 months nun baboy matraining mo na siya kung pwede talagang gawin barako... kung hindi maganda performance niya /ayaw sumampa etc... then benta as fattener nanaman siya...palugi presyo ka uli. kaya po kung mapapansin nila mahal din bumili ng barako... Title: Re: Terminal Boar Post by: zambosibfattener on January 10, 2011, 07:24:53 AM Good Am doc,
Ah, ganun ba doc? mahirap pala pumili nang boar ano? trial and error din. mas maganda pa mag gawa nang inahin. kaya din po pala ang mahal nang boar pag bumili ka. Kahit po ba pantay ang balls nung biik pa, walang sakit, maganda ang pangangatawan etc., eh,,. di pa po pala talaga sure kung pwedi na itong maging boar, eh, mas mahirap pa pala pumili nang boar kesa inahin ano? maraming salamat po. Title: Re: Terminal Boar Post by: nemo on January 11, 2011, 09:22:34 PM yup mas mahirap po .
|