Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => BREEDING => Topic started by: erik_0930 on January 17, 2011, 10:12:09 PM



Title: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: erik_0930 on January 17, 2011, 10:12:09 PM
Doc Nemo,

Merun po akong sow na nanganak pero patay po lahat anak nya (mummyfied) last Dec 17, 2010. Almost 1 month hindi pa din naglalandi o nagpapakita ng sign na heat sya...anu po dapat naming gawin.

Thanks,

Erik


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: nemo on January 19, 2011, 06:49:07 PM
kung ala pa pong parvo vaccine then magbigay po muna sila ... Hopefully na rin dahil sa stress ng injection ay maglandi siya. Kung hindi naman meron naman option na istress ang animal, untian or hindi siya pakain.... or magbigay ng hormonal, or paligawan sa boar etc...


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: erik_0930 on January 19, 2011, 08:15:43 PM
thanks doc, nabigyan na po namin cya ng farrowsure, sa ngayon nasa fattener pen cya at katabi nya ang boar pen, hindi pa lang po namain nagagawa ung bigyan ng gonadin para mag heat.....sayang po kc kung inject namin since may sariling boar naman kami. Ok lang po ba na isama namin ung boar sa loob ng pen ng 1 day.......ipa rape ko na po hehehehe..


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: nemo on January 22, 2011, 07:11:10 PM
as much as possible hindi sana, kasi baka mapilayan ang inahin...


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: erik_0930 on January 29, 2011, 02:20:37 AM
Mag inject na po ako gonadin, thanks sa dvice doc


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: erik_0930 on January 31, 2011, 12:52:42 PM
Doc  after mag inject ng gonadin sa sow ko naglandi na din at pina Ai ko na po, thanks doc sa advice


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: Erwin on February 01, 2011, 04:14:13 PM
Good day doc, tanong ko lang yung 1 gilt ko, nag inject ako ng gonadin sa kanya naglandi na tapos, pinalipas ko muna, d ko muna pinabulog, ngayon 27 days na mula nung huli sya naglandi d pa rin umuulit ano po kaya ang naging  problema nung gilt ko? 9 1/2 months na po sya, maganda naman po ang katawan, thanks erwin


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: nemo on February 02, 2011, 07:44:22 PM
eversince po ba hind siya naglandi ng kusa?

May mga baboy po talga na makunat maglandi.. Yun iba once naging pregnant nagnonormalize ang pag lalandi pero merong iba kapag nagbuntis naman nagheheat uli.

Kung gusto nyo pa siya pagbigyan give gonadin uli din kapag nagheat breed na po agad. Kapag hindi nagbuntis it is up to you kung dispose na po nila.


Title: Re: Sow na nanganak o nakunan..ilang days bago maglandi ulit
Post by: Erwin on February 02, 2011, 07:55:20 PM
eversince po hindi pa sya naglandi ng kusa,  siguro nga po bigyan ko po uli sya ng gonadin pag nagheat sya ipa breed ko na, medyo tumaba po kasi., tnx