Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => BREEDING => Topic started by: piggypiggy on July 23, 2011, 10:15:40 AM



Title: Placenta hinde lumalabas
Post by: piggypiggy on July 23, 2011, 10:15:40 AM
doc problem ko po hinde lumalabas ang placenta (inunan).. dinukot ko doc wala na ako madukot na biik,..2 lang buhay na biik 6 ang patay ng lumabas ano po gawin ko doc? 5am nanganak 8:30 am wala na ng lumabas kaya nag pasya ako dukutin,..wala na talaga pero 11am na wala pa rin yung placenta ano gawin ko doc,..ano po posible na gamot para hinde magka MMA


Title: Re: Placenta hinde lumalabas
Post by: nemo on July 23, 2011, 08:57:37 PM
Yung iba nagbibigay ng  oxytocin. pero di ko agad ito marerekomend sa kanila, baka kasi kaya di lumabas ang inunan ay meron pang piglet na naipit dun sa dulo kaya di na rin nila makapa. At kung nakabara ito kapag naginject ng oxytocin may possibility na pumutok matress ng inahin nila....

Usually naman within a week lalabas at lalabas yan. Kung nag inject na po sila ng antibiotic sa inahin magfollow up na lang sila ng water soluble antibiotic sa inumin ng animal


Title: Re: Placenta hinde lumalabas
Post by: babuylaber on July 23, 2011, 09:50:17 PM
simply means wag po nating problemahin ang placenta tulad nga ng sinabi ni doc lalabas at lalabas din yun. lets think positive na lang po na hindi pa lumalabas yung 2nd placenta dahil may biik pa sa tiyan :)


Title: Re: Placenta hinde lumalabas
Post by: piggypiggy on July 24, 2011, 07:58:15 AM
hinde po ba makaka apekto sa piglets yung mga antibiotic na tinuturok habang dumedede sila? tinurukan ko po kasi ng Mycipen-MD kahapon,. ilang beses po ako magturok ng Mycipen? pang 2 days na po ngayon ng inahin ko,..F1 po sya gilts unang panganganak nya pa lang ito


Title: Re: Placenta hinde lumalabas
Post by: nemo on July 24, 2011, 07:37:08 PM
3-5 days then add ka oral antibiotic after ka tumigil sa pagsaksak.

Epekto sa biik? theoritically almost wala....


Title: Re: Placenta hinde lumalabas
Post by: piggypiggy on July 24, 2011, 07:45:48 PM
ano pong oral medication ang maganda igamot