Title: pag escape ng isang bulugan Post by: zambosibfattener on January 05, 2011, 10:25:01 PM Doc, good pm
Nakaka buti po ba sa isang inahin na sow na mag escape muna ng isang bulugan? ano po ba ang mga advantages nito at ang mga dis advantages.? sana po ay mabigyan nyo po ako ng magandang advice, kasi nag babalak ako ng ganitong paraan. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: nemo on January 06, 2011, 07:06:18 PM if you mean, yun bulugan is pinapagala sa labas ng kulungan ng inahin, then it is okay lang.
Ang tawag po nila dito ay pagpapaligaw. Sa ganitong pong paraan mas napapabilis / nagheheat agad ang inahing baboy. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: zambosibfattener on January 06, 2011, 07:15:33 PM doc, I mean, yung pag escape ng isang kastahan.. nakaka ganda po ba ito?
Pag A.I po.. papano po ba makaka bilis pag heat ng sow?> if you mean, yun bulugan is pinapagala sa labas ng kulungan ng inahin, then it is okay lang. Ang tawag po nila dito ay pagpapaligaw. Sa ganitong pong paraan mas napapabilis / nagheheat agad ang inahing baboy. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: nemo on January 06, 2011, 07:53:42 PM ah, kung dumalaga kasi usually pinapalagpasan talaga ng 2-3 na heat cycle. kahit heat na ito hindi muna ipapabreed. Kasi usually mas konti ang inaanak kapag unang heat nabred at saka hindi pa totally mature yun baboy. Pero kapag halimbawa sow na siya or meaning minsan na siyang nanganak as much as possible kada heat nito papabred na ito.
Ang AI naman hindi makakapag pabilis ng heat ng sow. Kasi ang requirement ng AI is dapat in heat na yun sow talaga para magawa mo siya. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: zambosibfattener on January 09, 2011, 08:40:43 AM doc,
sa inahing baboy, pwedi po bang i escape natin ang isang heat cycle yung pag papakasta? ah, kung dumalaga kasi usually pinapalagpasan talaga ng 2-3 na heat cycle. kahit heat na ito hindi muna ipapabreed. Kasi usually mas konti ang inaanak kapag unang heat nabred at saka hindi pa totally mature yun baboy. Pero kapag halimbawa sow na siya or meaning minsan na siyang nanganak as much as possible kada heat nito papabred na ito. Ang AI naman hindi makakapag pabilis ng heat ng sow. Kasi ang requirement ng AI is dapat in heat na yun sow talaga para magawa mo siya. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: nemo on January 09, 2011, 11:29:41 AM hindi na po needed.
wala na pong benefit.... Unless sobrang payat ng hayop at kailangan muna itong patabain then pwede yun hndi magpakasta Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: zambosibfattener on January 09, 2011, 06:27:13 PM maraming salamat po doc, ganun po sana ang gagawin ko.
kaso na isip isip ko, masyado nang mahaba ang oras ang medyo ma aksaya na. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: ALEXGARCI on January 11, 2011, 10:29:54 AM doc,
1st heat ng gilt ko 3days na ngayon may mucous na lumalabas 7.5mos old na sya, at madalang ang pag-uubo nya, pero maganda ang katawan nya around 120-130 may lahi kasing landrace/largewhite/pietrain/ 3-way cross parent stock. sabi ng kasama kong hog raiser ipabulog ko na kc bk nag silent heat sya noon d ko lang namalayan. ang tanong ko po sa inyo : 1. Palipasin ko muna hanggang sa sunod na landi nya? (considering 1st heat nya ngayon, 2nd heat ipabulog ko na) 2. May flushing pa bang gagawin? 3. Ano po ba ang boar na tatapat sa lahi nya? upang gawin fattener ang mga anak nya.. salamat po.. gusto ko sanang i paste yung picture d2 d ko alam kung paano.. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: nemo on January 11, 2011, 10:03:55 PM The weight and age is ideal na so ibreed na po nila basta receptive yung animal.
flushing is not needed na kung ibreed mo na siya. Kung mag wait ka for 2nd heat then saka ka magflushing Mganda sana kung may duroc na boar. medyo mahirap magpost ng picture needed pa ng site like photobucket then dun upload ang picture then paste here the "image tag" or link na ibibigay dun. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: ALEXGARCI on January 12, 2011, 09:10:53 AM may AI center po dito available ang duroc galing hypor bukidnon, mga 2.5hours po ang byahe galing AI center to wharf(1hour) den wharf to destination(1.5hours), may extender po yung semen nila first time ko umorder ng semen na may extender..tanong lang po ulit
1. Saan po ba ilalagay yung semen with extender? (pwede po ba sa maliit na styropor/styrofoam container lagyan ng ice tas pakiramdaman nlang ang 17degrees temperature) 2. Ok lang po ba na ganon katagal ang byahe? 3. Ilang bottles ng semen po ang recommended? 2 or 3? 4. Pagdating po ng semen sa piggery AI po kaagad? or ilabas po muna sa ice chest yung semen tas maghintay pa ng 5 minutes para magising yung semilya maraming salamat po sa inyo.. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: nemo on January 15, 2011, 10:42:55 PM pakicheck nalang sa kabila mong post yun sagot,
Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: zambosibfattener on January 17, 2011, 07:16:25 PM Doc,
Natuloy po talaga yung pag escape po nang isang kastahan yong alaga ko papano kasi nag standing heat na, di pa rin na AI, hahaytz.. hintayin ko na rin yung isa pa nyang heat cycle, baka dito sisigla ang mga piglets nya doc, pag ganito ba, nakaka buti po bang mag inject tayo ng vitamins like bilamyl. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: nemo on January 17, 2011, 07:22:34 PM Kung normal naman ang kanyang heat cycle at masigla siya. No need na magbigay ng vitamins. Meron na rin kasing mga tamang vitamins ang pagkain ng baboy, usually.
For economic reason, kahit hindi na , kasi dagdag gastos lang siya. Pero hindi naman din masama magbigay kung gugustuhin nila. Kung meron kayong extra na vitamins at sa tingin nila aabutin pa ng ilang taon bago maubos, then ibigay nila sa animal. Title: Re: pag escape ng isang bulugan Post by: zambosibfattener on January 17, 2011, 08:07:37 PM Doc,
Yung last na walay ko nun is January 5 2011, tas nag stand heat na sya sa sabado, yun, hindi na AI agad at na ipa breed kaya yun ang nangyari. Hintayin ko nalang yung 21 days, after non, breed na ulit. hindi na rin ako gagamit ng gonadin, medyo mahal na rin at maiba yung heat cycle nong alaga ko. anyway, maraming salamat sa advice ninyo doc. |