|
Title: Infection sa leeg ng biik..(may nana) Post by: Kurt on February 15, 2010, 11:10:49 AM Doc,
Inquire lng po ako kung ano ang dapat gawin nitong biik ko. Sayang kasi kung mamatay ito... Nung una sa sobrang awayan ng mga biik may isang na-injured at parang malalim iyong sugat niya.(sa may tainga) Pinunas ko ang dugo at linagyan ng Betadine yong sugat...akala wala lng..malakas din namang kumain. Nung nakaraang dalawang araw vinaccine ko nang Hog cholera at pinurga ko after 2 days... Ang nagyari ngayon parang bumaligtad na cya at hindi na makakain nang husto...at parang nilagnat at lumabas iyong maraming nana sa sugat niya. Ano ba ang dapat na i-inject ko sa kanya...kasi parang duda akong maginject ng antibiotic sa mga biik. thanks, Title: Re: Infection sa leeg ng biik..(may nana) Post by: rye0528 on February 15, 2010, 01:50:00 PM Bigyan nyo po ng Long acting na antibiotics (e.g. OTC) after nyo idrain ang nana. Comment lang din po. Matagal na practice nyo na po ba ang pagbibigay ng vaccine then purga? kasi mas maganda po ata na magrest ng 1 or 2 weeks before between pagbibigay ng purga at bakuna. Comment lang po. ;D
Title: Re: Infection sa leeg ng biik..(may nana) Post by: Kurt on February 15, 2010, 02:42:51 PM Hindi naman po...excited lng kasi ako sa aking mga biik..kaya binakuna ko kaagad....ang laki na at malakas na nga e..
Sa susunod try kong magpass muna nang isang linggo...Thanks.. Ano po itong "OTC"- oxytetracycline ba ito? Meron akong Steclin LA..pued na ba to? Thanks, carlo Title: Re: Infection sa leeg ng biik..(may nana) Post by: Kurt on February 16, 2010, 12:55:31 PM Doc,
FYI...ang aking biik na rati kulang-kulang na lng mamatay..ngayon lumalakas na at kumakain na w/o help. Ang ginawa ko tinurokan ko ng .5ml na Steclin LA (once), nilinis ko iyong sugat at linagyan ng kaunting powder from cefalexine capsule(twice daily).Susuboan ko para makakain at pinoforced ko ipasok sa bunganga ang Vitafac powder (twice daily) I did it for straight 3 days na yata... Tama kaya ito?...pero sa tingin ko parang may improvment na cya..lumakas na cya at unti-unting nawala iyong nana sa sugat... Masaya si misis, ng makita niya itong lumakad at kumain.. Please comment.. Thanks, carlo Title: Re: Infection sa leeg ng biik..(may nana) Post by: nemo on February 16, 2010, 10:16:06 PM follow up nyo na lang yung steclin usually kasi mga 2 days lang ang effect nya. So far ala naman akong napapansin masama dun sa ginawa nilang procedure.
Title: Re: Infection sa leeg ng biik..(may nana) Post by: Kurt on February 17, 2010, 10:33:36 AM 0.5 ml din ba ang follow-up injection Doc?
Thanks, carlo |