Title: in-breeding Post by: atomia on May 02, 2011, 09:21:04 AM totoo po ba ang in-breeding? sabi nila pag ang tatay na raw ang magbababa sa anak, di na raw maganda ang results? ano po maaaring mangyari sa magiging biik kung ganun nga ang gagawin? thanks po..
Title: Re: in-breeding Post by: laguna_piglets on May 02, 2011, 11:45:18 AM May abnormalities ang mga biik.
Title: Re: in-breeding Post by: babuylaber on May 02, 2011, 10:18:47 PM parang sa tao lang din yan kuyang, bawal sampahan ang kahit sinong kamag-anak :D
Title: Re: in-breeding Post by: nemo on May 03, 2011, 07:37:42 PM pag inbreeding kasi may chance na magkadefect at problem ang mga baboy. pero hindi po ito automatic na kapag nag breed ka ng magkamag anak sample tatay at anak automatic meron lalabas na may defect etc.... Ang sinasabi lang is in theory mataas ang probability. So as much as possible iniiwasan na lang.
Title: Re: in-breeding Post by: atomia on May 06, 2011, 07:48:59 PM :D :D :D galing mo po talaga mag-explain..tnx po.
Title: Re: in-breeding Post by: lito3115 on May 28, 2011, 02:54:21 PM parang sa tao lang din yan kuyang, bawal sampahan ang kahit sinong kamag-anak :D dito sa Saudi custom nila ang in-breeding kaya marami invalido.... ;D ;D ;D Title: Re: in-breeding Post by: Wrangler on June 22, 2011, 12:37:30 PM Eto ang mga possible effects of inbreeding:
1. Reduction in the strength and vigor of piglets 2. Decrease in the number of pigs born and weaned 3. Decrease in the weight of piglets at birth and weaning 4. Sterility and abortions 5. Retardation of physiologc maturity 6. Occurence of abnormalities (hernia, cryptorchidism) Title: Re: in-breeding Post by: Kurt on June 23, 2011, 02:57:29 PM Mga Kuyang,
Pede po ba sa ganitong procedure makakuha tayo ng isang pure na lahi nila? Ibig sabihin gusto kon i-retain yong bloodline ng animal ko dahil magandang yong resulta sa mga anak. Salamat po, Title: Re: in-breeding Post by: babuylaber on June 23, 2011, 10:22:42 PM pwede po pero panget.
pwede po nilang i-retain yung bloodline pero gamitan ng hindi kamag-anak na boar. Title: Re: in-breeding Post by: evjenov on June 23, 2011, 11:58:36 PM pwede po pero panget. mareretain kaya kung gagamit ka ng hindi kamag anak na boar sir? palagay ko hindi na kasi iba na ang blood line ng ginamit na boar. idea ko lang ito sir hehehepwede po nilang i-retain yung bloodline pero gamitan ng hindi kamag-anak na boar. Title: Re: in-breeding Post by: babuylaber on June 24, 2011, 11:37:42 AM mareretain pa rin as long as sa isang bloodline lang, but not as pure as gp or ggp.
Title: Re: in-breeding Post by: Kurt on June 24, 2011, 02:33:46 PM Gusto ko sana kumuha ng replacement Boar at mga ilang inahin after in-breeding kasi tumatanda na iyong boar at inahin.
Kasi, matagal-tagal din akong naghanap na boar/sow matching na ganito....medyo maganda nga naman yong performance nila kaya gusto kong maretain... Kung bibili uli galing sa original parent nila wala na ...kina-cull na din. Please advise... Title: Re: in-breeding Post by: babuylaber on June 24, 2011, 08:51:03 PM ang ibig mo bang sabihin kuyang ay litters from inbreeding yung kukuhanan mo ng prospect boar at gilt?
Title: Re: in-breeding Post by: Wrangler on June 25, 2011, 01:18:29 PM Inbreeding is not always disadvantageous if strick selection is practiced.
Title: Re: in-breeding Post by: nemo on June 25, 2011, 09:52:11 PM Kurt, first inbreed ba ito?
check mo yun record nila kung hindi naman pababa ang performance at ala kang nakikitang mga defects sa mga ipinapanganak then mag retain ka. tama din kasi si wrangler na hindi always disadvantage ang inbreeding.... ang mga GP ang GGP mas malamang na inbreeds para maretain ang quality... sa data nalang nagrerelay ang mga ngbrebred Title: Re: in-breeding Post by: Kurt on June 28, 2011, 11:35:13 AM Kuyang Babuylaber.
..Largewhite yong inhin ...Duroc/peitrain yong boar Yup, iyon sana ang gusto kong gawin.. Doc Nemo, 2nd round na ito...bali ito na yong naging apo niya..at balak kung kukuha dito ng boar...at yong sa kabilang in-breeding naman ay para inahin.. Tama kaya ito? Wala namn akong nakitang may kapinsanan o deperensiya....average din naman iyong # of litters. Pero parang gumagaan yata nang kaunti yong timbang nila at umiiksi yong katawan....cguro hanggang dito na lng ako. Please advise.. At i-cross ko ulit sa mag Title: Re: in-breeding Post by: babuylaber on June 28, 2011, 07:10:39 PM kung ako po tatanungin ayoko po. naririnig ko pa lang yung inbreeding atras na kagad ako. as listed by kuyang wrangler above possible na makakuha niya kahit alin dun at "possible" ding mapapansin lang ilan dito at the time na pakikinabangan na yung baboy.
Title: Re: in-breeding Post by: nemo on June 28, 2011, 09:43:28 PM ang reason kasi ng inbreeding is to retain the quality na gusto mo, kung meron pababa na part then wag ka na sumugal. baka kasi ang maging anak nyan puro bansutin na.
Kung pataas yun timbang nyan at paganda ang katawan , ieencourage kita. pero sabi mo nga parang gumaan at umiksi sila.. this is not a good sign. Title: Re: in-breeding Post by: Kurt on June 29, 2011, 11:49:46 AM Thanks Doc...
Observe muna ako paglabas nito by next month...pagpangit...gawing litson na lng...he..he.. Salamat na marami mga kuyang.. Title: Re: in-breeding Post by: Kurt on August 02, 2011, 04:45:54 PM Doc nanganganak na iyong inahin ko...7 malusog na biik...medyo umikli nga ang katawan pero talagang may porma pa rin.
Mukhang hindi 'to malilitson, kuha akong ng isang pangboar at isang panginahin. Title: Re: in-breeding Post by: nemo on August 04, 2011, 06:57:02 PM congratulation.
|