Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => BREEDING => Topic started by: tamerlanebelen on March 18, 2012, 05:19:02 PM



Title: Gilt Re-heat
Post by: tamerlanebelen on March 18, 2012, 05:19:02 PM

Greetings!

Ask ko lang po un gilt ko na pinakastahan ko last February 16 ay Nag re-heat ulit nitong March 12.
Ika-21 days po nya nitong March 7 pero nagre-heat po sya.Natural mating po yong ginawa at 1 beses
lang syang nakastahan ng barako.Kaya ang ginawa ko po ay pinakastahan ko ulit sya nitong March 16,
Ika 4 days nya un ng paglalandi(nung March 12 sya nagsimula maglandi at March 15 sya nagstanding heat.
Posible po kaya na magbuntis na ang inahin ko saka po ituloy ko na din lang po ba yong pagpapakain sa kanya
ng 2kg./day.

Isa pa pong tanong even buntis na po ba yong sow/gilt,e is there a chance na bumalik sya sa heat nya(ie. namamaga un ari,
at nagsstanding heat pa ulit)or talaga po na if buntis sya hindi na mamamaga un ari nya at hindi na sya magpapakita ng standing heat?
Sana po matulungan nyo ako for my enlightenment saka im just hoping na this time mabuntis na un gilt ko.
Another thing nun kinastahan un gilt ko ng barako e buo-buo po yong semilyA nya,normal lang po ba yon sa barako?Thanks!!!

Tam


Title: Re: Gilt Re-heat
Post by: baboypig on March 18, 2012, 10:00:28 PM
twice po ninyo ibreed ang inyong sow isa sa  umaga at isa sa hapon.
once na buntis na ang sow hindi na mamamaga ang ari
yun naman pong buobuo na semilya normal lang yun na lumalabas sa ari ng sow after mabreed ng barako excess semen naman yun.


Title: Re: Gilt Re-heat
Post by: tamerlanebelen on March 18, 2012, 11:25:53 PM

greetings!

Salamat po ulit sa sagot nyo.Sana mabuntis na sya ngayon
kasi 1 beses lang sya ulit nakastahan,nung una beses kasi nakastahan un inahin ko wala ako sa bahay,
tapos hindi pa yata tlaga sya standing heat kasi mukha napilitan un inahin ko.I think maybe its also
about proper timing ng pagpapakasta para masure  mabuntisa na inahin ko.
Thank you po again and more power!!

Tam


Title: Re: Gilt Re-heat
Post by: ALEXGARCI on March 19, 2012, 11:23:00 AM
doc nemo,

  60days po sana buntis ang gilt ko ngayon, may lining napo makikita sa tyan at utong nya, medyo humiwalay ang dede nya sa tyan,
kahapon ko lang nakita na namamaga yung ari nya at mapula, pina chek ko kaninang umaga ganun parin namamaga na mapula, pero wala pang mucous discharge, check ko ulit mamayang hapon, pag may mocous ng lumalabas ai kona po sya.

tama po ba ang gagawin ko doc or baka kc false heat ito at buntis parin yung gilt ko....


Title: Re: Gilt Re-heat
Post by: nemo on March 19, 2012, 09:30:41 PM
KUng namumula yan , after 1-2 days dapat magsubside then magpapasampa siya kung hindi talaga buntis. Tr y ponila iback pressure kung nagsubside na ang pamumula..

 sa description nyo kasi buntis ang animal nila kasi lumalaki ang tiyan at bagsak na dede, mas naglelean kasi ako na buntis na ito talaga.