Title: Effect of Gonadin Post by: Wrangler on November 11, 2010, 09:58:04 AM Doc may chance ba talaga na naapektohan ang litter size ng sow pag nagamitan ng gonadin?
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: nemo on November 20, 2010, 08:06:54 PM may chance na maapektuhan kasi pilit po yun heat nila...
Pero hindi madaling massess. Kasi kung minsan nag inject ka ng gonadin nung nabreed at nanganak 12 ang piglets. Kung tutuusin marami na ito pero possible kasi na ibes na 15 naging 12 lang anak. Usually more than 20 eggs kasi ang inilalabas ng inahin kada heat niya at ilan lang dun ang natitira at nagtutuloy para maging piglet. Title: Re: Effect of Gonadin Post by: ALEXGARCI on February 25, 2011, 02:15:05 PM tinurukan ko na po ng gonadin ang 8mos na gilt ko
monday - injected gonadin tuesday - lumalabas na yung sign d masyadong kumakain wednesday - lumalandi na, nag-iingay, swolen at mapula na yung vulva at d mapakali at nauubos na yung pagkain nya thursday am - ganon parin (sigaw ng sigaw at d mapakali) thursday pm - at 1pm may mucous na lumalabas, 3pm pina AI kona friday - ganon parin, mucous discharge, maingay at d mapakali doc, ilang days po ba tumatagal yung landi ng gonadin? landing-landi parin the following day kahit pina AI kona possible po na ma conceive yung gilt? observe ko po ulit bukas kung lumalandi parin may epekto po ba kc yung semilya sa loob kc ikot ng ikot, sigaw ng sigaw energy exerted too much.. salamat po.. Title: Re: Effect of Gonadin Post by: nemo on February 27, 2011, 06:07:23 PM SAme lang din yan ng normal heat.
Yung first few days kasi hindi pa siya standing heat. yun standing heat is yun nsa 3rd and 4th day umaabot din siya ng 5th day. Kung baga yun first two days mamumula yun ari then magsubside sa pamumula then mag standing heat na na halos 2-3 days... Kaya yun mga matatanda maririnig nyo magsasabi mas gusto nila magpabreed sa ikaapat na day ng heat. pero mostly ito ay yun patapos na talaga yun heat ng animal. Title: Re: Effect of Gonadin Post by: babuylaber on March 19, 2011, 12:08:24 AM kumusta na yung sow mo kuyang alex? itatanong ko lang, bakit ginamitan mo ng gonadin at 8mos old?
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: ALEXGARCI on March 22, 2011, 08:48:52 AM ayaw lumandi after all boar teasing method na ginawa ko, sabi naman ng farm na pinagkunan ko ng gilt e turukan na ng gonadin..kaya ayun tinurukan ko pina AI ko den 28days na ngayon d na lumandi, sana buntis na sya..
naaalala ko ang sabi ni "doc onat" ng ace feeds e mahirap dw po yung breeding kapag yung ari ng gilt ay nakaharap pataas yung dulo.. ganun po yung gilt ko, kaya pala mahirap lumandi... Title: Re: Effect of Gonadin Post by: babuylaber on March 22, 2011, 08:51:54 PM kuyang wala po ba kayong kasunduan ng farm na kinuhanan niyo na if ever hindi maglandi naturaly eh ibabalik sa kanila? waranty ba. siguradong may problema po kasi ang isang baboy pag hindi siya lumandi sa tamang panahon sa tamang kondisyon.
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: nemo on March 22, 2011, 09:00:10 PM Doc Onat (i assume we are talking of the same person)was my boss sa ACE FEEDS dati During that time siya ang marketing manager.
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: erik_0930 on March 22, 2011, 10:26:36 PM Jonathan Supnet ba?.....mabait yun
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: nemo on March 22, 2011, 10:29:45 PM yup...
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: ALEXGARCI on March 23, 2011, 08:44:19 AM sir babuylaber ang kasunduan po namin ay kung hindi lang mabuntis ay papalitan nila..inoobserbahan ko pa ngayon bk nga hindi mabuntis, naku! hwag naman sana, sayang yung time, money & efforts.. :) :) :)
Opo! doc nemo at sir erick si doc onat nga, d2 sya sa zamboanga nong march 19, 2011 may product launching po ang ACE FEEDS, kakaiba yung lecture nya, talagang bilib kaming lahat sa kanya...magaling na mabait pa... :D :D :D Title: Re: Effect of Gonadin Post by: babuylaber on March 23, 2011, 04:26:38 PM next time kuyang ipasama niyo na sa kasunduan yung hindi normal maglandi. pwede po kasing silent heater yung sow nila. pray na lang uli na sana nanormalize na
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: atomia on May 02, 2011, 11:16:02 AM I just want to share our experience with the use of gonadin..gumamit kami nun kasi hindi na nangangandi sa loob na ng 2 weeks. sa takot naming maglagas ang buhok..nag-try kami ng gonadin but unfortunately 5 lang piglets na inananak. After manganak galing sa gonadin, naglagas ulit, kaya lang pinabayaan na namin at pinakain ng husto (sabi ni doc nemo, dahil daw un sa unhealthy ang sow kaya naglalagas) at apat na buwan bago ulit nangandi, nanganak ng 11 piglets.
The lesson that we have learned, kailangan pag nagpapadede ang inahin, alagaan ng pakain upang wag mapabayaan ang katawan..i think tama si doc nemo..naglalagas ang baboy pag kulang sa nutrients ang katawan. I hope this can help... ;) Title: Re: Effect of Gonadin Post by: ALEXGARCI on May 02, 2011, 03:11:26 PM yung gilt ko na tinurukan nag gonadin pina AI ko tas naglandi ulit after 45days, pina AI kona naman pro normal heat na sya
ngayon 18days since AI may white sticky liquid discharge parang chalk ano gagawin ko dito doc nemo cull na ba? salamat... Title: Re: Effect of Gonadin Post by: babuylaber on May 02, 2011, 10:12:21 PM pwedeng sign po na malapit na uling maglandi sow nila, kung baga sa tao white mens. kung wala pong amoy yung discharge its normal. monitor po nila hangang 21days pag naglandi pasampahan mo, try mo naman ang natural kuyang -suggestion lang.
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: nemo on May 03, 2011, 07:34:55 PM Usually, one more chance pa sa akin yan ang kaso lang sa sobrang init ng panahon ang kinakatakot ko pagnagheat at ipinabreed mo baka hindi din mabuo dahil sa heat stress. So suggestion, benta mo hanggang mataas pa presyo ng baboy. Kung sakali naman malamig sa area nila then pabreed nila. Title: Re: Effect of Gonadin Post by: babuylaber on May 03, 2011, 09:57:38 PM kuyang alex, nabanggit mo na papalitan kapag hindi nagbuntis, better nga siguro kung ireport mo na sa kanila ng mapalitan na.
Title: Re: Effect of Gonadin Post by: ALEXGARCI on May 04, 2011, 08:29:30 AM sir babuylaber d ko pa naireport kc hindi p sya naglalandi, may lumalabas lang na maraming kulay puti na parang gatas..
kapag naglandi po sya one these days, irereport kona sa farm... dyan b sa inyo kapag 2 times nagreheat yung gilt, pinapalitan na ng farm? salamat po doc nemo at sir babuylaber.. Title: Re: Effect of Gonadin Post by: babuylaber on May 04, 2011, 08:59:09 AM depende po sa kasunduan niyo ng farm. pero karamihan sa nakausap ko kapag hindi pa nabuntis sa 3-4 beses na paglalandi papalitan na po, ibig sabihin po kasi mababa ang conceive factor ng baboy.
meron din naman pong "by age" ang warranty -kapag hindi pa nabuntis in 10mos automatic replacement na po. alamin niyo po siguro ngayon kung ilang beses maglalandi ang inahin bago papalitan ng farm na kinuhanan nila baka po 3x lang, candidate na baboy niyo for replacement. |