Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => BREEDING => Topic started by: totz on January 05, 2010, 07:05:15 PM



Title: cull na po ba 2 doc
Post by: totz on January 05, 2010, 07:05:15 PM
hello doc,

meron po akong 8 na dumalaga magkakasama sa isang kulungan, 7 months na po sila ,gagawin kong inahin, ngayon po kahit isa sa kanila wala pang nag 1st heat, dapat ko na bang ibenta mga to, or maghintay pa ako...


salamat po doc.
 


Title: Re: cull na po ba 2 doc
Post by: nemo on January 06, 2010, 02:11:35 PM
usually binibigyan ng chance ang animal. Sa case nila kasi lahat ayaw magheat, so lumalabas yun question about management. Either management sa pakain baka kulang or sobra kaya masyadong payat or mataba ang baboy.
Ang sako po ba ng feeds nila ay nakadikit/salansan sa sahig? Kung sakaling nakasalansan better na gumawa sila ng patungan.

Ang pinakamabilis na way para magheat ang animal is through hormonal treatment like gonadin. Sasaksakan mo sila after 1-7 days magheheat ito dapat. Although gagastos ka dito.

Next naman na pwede is to stress the animal, wag silang pakainin for a day or gawing half lang ang pagkain nila for maybe about 1-3 days para mastress sila. Then pwede din nilang paligawan sa barako or kuha kayo ng laway ng barako then ipupunas nyo ito sa kulungan ng inahin. Then observed for a few days kung magheat ito.


Title: Re: cull na po ba 2 doc
Post by: totz on January 09, 2010, 07:47:01 PM
tnx po doc,

Pano ba to doc kung halimbawang turukan ko ng gonadin, A.I na kagad or palilipasin ko para sa next na paglalandi?  doc nilagyan ko na ng sahig na kahoy yong mga feeds ko.
 


Title: Re: cull na po ba 2 doc
Post by: nemo on January 10, 2010, 05:48:35 PM
A.i. na agad po