Doc Nemo,
May tanong lang rin po ako related dyan sa feeding management at sa pag shift between stages kasi diskarte kailangan dito talaga. Mas mainam po ba Doc na basis yung date of birth sa pag shift ng feeds OR sa timbang OR sa number ng sako na nakain nya na??
Example, pag sinabi sa Feeding Guide na yung Starter feeds ibibigay daw from 51st day to 85th day from birth, and at least 1kg yung suggested feeding ratio per day, tapos expected Body Weight pa na 15-35KGs by that time matapos yung Starter phase.
Scenario 1: Ibig po ba sabihin nun pwede ka lumagpas sa 85th day ng Starter feeding kung di pa nauubos yung 1 sack kasi 1 sack e 50kg? Kasi kung 35 days lang yung 51st-to 85th day e mga 35kg-40kg lng yun expected. Possible kasi din di agad makaconsume ng 1Kg per day sa umpisa so baka lumagpas 85th day
Scenario 2: O kaya vice versa naman naubos agad yung 1 sack 50kg ng per pig pero before the 85th day, so ibig sabihin ba nun pwede na namin start yung Grower before the 85th day as long as naubos na isa sack?
Scenario 3: Di pa rin na-achieve yung target weight at the end of the Stage stage based sa expected body weight na nasa Feeding Guide so dapat habulin mo sa ibang stages (though risky na to)
Yung iba kasi sinasabi po per sako bilangin na mauubos per pig at wag mag-base lang sa age at suggested ratio nung baboy nandun sa guide. So dapat daw maka 4-5 sacks per pig from pre-starter to market harvest. Kaso lang may possibility na either mauna or mahuli ka sa target days na expected naka-shift ka na sa next feeding stage.