Newbie po sa pag-aalaga ng Inahing baboy.
Kasi ung alaga naming inahing baboy unang naglandi nung 8 months tapos pinalagpas namin. After 18-20 days naglandi po ulit, AI po ang ginamit namin sa halip sa Boar. Sabi kasi nung vetirenaryo namin mas ok daw po un para hindi maistress ung inahin. After mga 20+ days (hindi ko maalala exactly) biglang may discharged na parang malapot na puti sa pwerta ng inahin. Ang sabi po ng vetirenaryo baka nagbabawas lang. Hinayaan namin. Ang alam namin buntis po ung inahing baboy hanggang malapit na sana due date nya ng panganganak. Nagulat nalang kami biglang naglandi. Ang ginawa namin pinabulugan na po namin sa Boar nung November 25, 2015. After 18 days ulit naglandi nanaman, so nung December 18, 2015 pinabulugan ulit namin sa Boar, tapos kahapon po napansin namin na may discharged nanaman sa ari ng inahing babor tapos biglang lumaki ung ari nya na namula.
Anu po kaya problema ng inahing baboy namin.
Darak po na may halong Gestating Feeds ang pinapakain namin sa inahing baboy. 1 year and 2 months mahigit na po edad ng inahing baboy mula nung pinanganak. Tyson po breed ng inahing baboy.
Maraming salamat po. God Bless.