Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: nemo on November 05, 2007, 02:37:12 PM



Title: Proper Feeding
Post by: nemo on November 05, 2007, 02:37:12 PM
Dalawang paraan ng Pagpapakain:
1. Restricted= may oras at dami ang ibinibigay kada pakain.
2. Ad libitum: ang baboy ay nakakain ng kahit anong oras at kahit gaano karami ang gusto nito.

Karaniwang gawain sa backyard:

Ang biik na dumedede pa sa inahin ay tinuturuan kumain sa edad na 3 araw.
Kumuha ng feeds na pangkulig at ito ay basain at durugin. Itong nadurog na feeds ay siya naman ipapahid sa dede ng inahin. Ito ay ginagawa upang masanay sa lasa ng feeds ang mga kulig. Gawin ito mga 3 araw.

Maglagay din ng kaunting pagkain sa kanilang pakainan (mga kalahating dakot ng feeds) at kada araw ito ay damihan hanggat kayang ubusin ng kulig. Palagian ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito.

Pag ang mga kulig ay bagong walay ang pagpapakain ay ginagawa 3 beses isang araw. Sa bagong walay mga 0.5-1 kilo kada baboy sa isang araw ang kaya nilang ubusin o kada kainan kailangan ng 333grams na pakain bawat isa. Pero sa umpisa ay maaari hindi nila ito agad maubos kaya mas magandang untian muna ito.

sa starter stage ang kaya nilang ubusin ay 1-1.5 kg per day, grower 1.5-2.5 kg at finisher 2.5 - 3 kgs.

Halimbawa:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter               1- 1.5                          3                          333- 500  grams
grower               1.5- 2.5                       3                            500-833 grams
finisher               2.5-3                          3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.

Ang nabanggit ay halimbawa lang at ang dami ng pakain ay ibatay sa rekomendasyon ng feed company  na inyong ipinapakain. Tandaan na sa baboy hindi na baleng sobra sa pakain wag lang kulang.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

uri ng pagkain           edad           dami ng pakain           kabuuang dami ng pakain
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         
----------------------------------

english version


Two ways of feeding:
1.   Restricted: the amount and time of feeding is controlled/defined.
2.    Ad libitum: animal have unlimited access to feed.

Usual Backyard Practice:

Sucling piglets are trained to eat feeds at the age of 3. Feeds is poured with liquid and mashed and applied to the mammary of the sows. This is done to accustomed the piglet to the taste of the feeds.

You need to put small amount of feeds in the feeding trough (Half-fist full). And every day gradually increase it up to the point that they can eat it all. You have to put feeds often.

When the piglet is weaned feeding is done 3 times a day . Weaned pig can eat 0.5- 1kg s of feed everyday or every feeding they need around 333 grams each.  But at first usually they cannot eat it all so you need to lessen it at first.

At starter stage a pig can consume 1-1.5 kgs of feeds per day, grower 1.5-2.5 kgs and at finisher 2.5-3 kgs.

Example:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter                1-1.5                          3                           333-500  grams
grower                1.5-2.5                       3                            500-833 grams
finisher                2.5-3                         3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.


The above mentioned are examples and the amount of feeds to be given should always be based on the feed manufacturers suggestion.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

Type of feeds           age               feed consumption/day          total feed consumption
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Kita laki on November 05, 2007, 06:14:19 PM
Hi Doc,

Thanks for the info. For better guidance, kindly indicate at what month/stage is the pre-starter, starter, grower & finisher.

thanks a lot!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 05, 2007, 08:38:39 PM
I have updated the post to include the months/days to give.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mikey on November 06, 2007, 03:11:55 AM
Doc, good information,would you say more farmer(s) pratice backyard feedings,3 times per day.If you fed your stock more times,lets say 5 times per day,would they grow faster?Wondering,if one feeds more and more often,should grow faster.             Thanks    mikey


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 06, 2007, 12:25:57 PM
Yup more farmer practice 3 times a day.
It is not the frequency of feeding that will make them grow faster but the proper amount they get. Included also is the right nutrition. They will only eat what they need and what their stomach can accomodate.

The advantage of feeding them frequently  is that they grow more uniform and less problem with injuries.
Sometimes injuries happen during feeding time because they are fighting for food.They are rushing to the food.

If you give frequently and with the right amount they will be accustomed that there will be a next batch of food and they don't need to rush to get their share. So they will just slowly go to their food and eat.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mikey on November 06, 2007, 01:27:24 PM
Thanks Doc,speaking for myself,5 times a day sounds good,think we will try and accomadate this in the near furure.
Good Day                           mikey


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Kita laki on November 09, 2007, 08:48:01 AM
Hi Doc,

Assuming we have properly implemented the prescirbed feeding program from booster to finisher, what would be the ideal weight at every end of the ff period:

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old
 

I would like also to know (in case you have stat/info) what are the current prices for the ff feeds:
Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old

Further, do you have a list of piggery in the area of Rizal & Laguna.

Thanks a lot.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 09, 2007, 10:25:49 AM
As per my opinion don't bother to check the weight of your animal per stage. In the end of the day it is the final weight which is important. The animal should weight at least around 85 kgs above or at least you have an 10% or more  profit.

It does not usually follows that if you have a big animal you will earn big also.

Although for scientific purposes i would just post later on the ideal weight per stage of animal. This is according to the feed manufacturer. I do not have the copy of it with me right now, so post it later.

average price (premium feeds):
booster 100-200 pesos per kilo
prestarter 1000-1200 per 25 kgs
starter 950-1100 per 50 kgs
grower 850-1000 per 50 kgs
finisher 800-950 per 50 kgs

Some product maybe much cheaper or expensive. This is just a rough estimate of the leading brands. There are more than 500 feedmillers in the philippines and they have different prices and it is very difficult to give an accurate average.

It would help if everybody could post their current feed price, brand and area.

Do visit this link about the farms in laguna and rizal Swine Farms in the Philippines (http://pinoyagribusiness.com/forum/advertise/swine_breeding_farmcommercial_farm-t89.0.html)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Kita laki on November 09, 2007, 02:55:40 PM
Thanks Doc!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 09, 2007, 03:52:36 PM
Your welcome


Title: Re: Proper Feeding
Post by: optimusbear on November 30, 2007, 11:05:54 AM
just wanna ask, how much is the total cost spent for feeds from the day piglets eat up to fattening?!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 30, 2007, 11:42:38 AM
It would range from 3,600-4,200


Title: Re: Proper Feeding
Post by: genie_ps on November 30, 2007, 01:19:44 PM
Ang total direct cost ko Doc naman to be honest, abot ng P5170 per head.  That includes feeds from booster to finisher, medi vacs and vits, amortization of sow purchase cost, a.i. cost, feeds eaten by gestating sow from day 1 till lactating, amortization of purchase cost of bulugan.   Of course excluding indirect costs. So, we really have to make sure our harvest  weights an average of 85 and farm gate price should not be lower than P80/kg.   

Comparing it with your estimated 3,600 hindi tayo nagkakalayo.  If piglet production costs 1,500 then 5100 ang total. 



Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 30, 2007, 02:53:12 PM
Yup at 3,600 the average should be 85 kgs. Currently piglets cost around 1,800 now.
So, in backyard cost would be around 5,400++ (excluding labor and meds)

5,400/85 kgs= 63.52 per kilo break even.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: doncorleone on March 07, 2008, 02:01:47 PM
Yup at 3,600 the average should be 85 kgs. Currently piglets cost around 1,800 now.
So, in backyard cost would be around 5,400++ (excluding labor and meds)

5,400/85 kgs= 63.52 per kilo break even.



Doc ano po ba ang maganda gawin, ibenta po ba ang biik o mag fattening? Kung sa biik po ay magkano po ba dapat ibenta ang isang biik? Kung sa fattening magkano po ba dapat ibenta sa kada kilo ang buhay na baboy?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on March 07, 2008, 02:11:33 PM

Options:

If you have limited budget. Go to selling piglets Every area have different price range but now at the current situation of the swine industry you can sell your piglets at 1,800 at 30-day old. If you're around region three that's the price.

IF you have many piglets you could sell half and maintain the other half as fattener.

Fattener price depending on the region. You could look at the post of Sir Slyfox. So, roughly it would range on that area.

In swine business the core  of the operation is the sow production.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doncorleone on March 07, 2008, 02:22:33 PM
Okey lang po ba makipagdeal sa middleman? nag try po kasi ako sa kanila pero ang kuha daw nila ng kada kilo ay 66 pesos.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on March 07, 2008, 02:35:52 PM
San po area nila?

This the farm gate price post by Sir Slyfox

Bulacan - 98 to 110, Oversize - 102, Tarlac - 105 , Rizal - 101 to 102 , culd sow - 77,

Laguna - 105 ,Cavite - 105  culd sow - 83 , Batangas -  100 to 102 , Quezon - 100,

Pangasinan- 96 to 102  culd sow - 85 ,Pampanga - 103 to 108  Culd sow - 85 ,

Nueva Ecija - 102 Culd Sow 75  ,Or  Mindoro - 95 , La Union - 95 to 100

Naga - 90 to 95  culd sow - 75 ,Ilocos - 95 to 100



Bacolod- 80 to 83, Cebu- 88 to 92   Culd sow - 70  ,Leyte - 88 , Ilo

ilo - 85 , Dumagete - 80  ,Dipolog - 82  Culd sow - 65  ,Aklan - 82 Culd

sow - 60 , Ozamis- 80



Cagayan de oro @ 84  , Davao - 80 to 84 ,Davao Del Sur - 79 , Gensan - 84

to 88  Culd sow - 67 ,  Zamboanga - 80,  Zamboanga Sibugay - 77,

Pagadian - 78, Surigao - 80  Koronadal City - 85 to 86


Usually middleman is the only way unless we known someone from the wet market that we can go directly.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mr hog on March 07, 2008, 02:42:08 PM
I just wish I could understand you doncorleone.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doncorleone on March 07, 2008, 02:45:40 PM
I just wish I could understand you doncorleone.

I'm newbie here in gensan. My problem is I don't know where to sell my my pigs. I've talked to the middle man but his asking price is only 66/kilo.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on March 07, 2008, 02:47:28 PM
Doncorleone is saying that he is new in this business and he still don't know where to sell his produce. He is from gensan.

--------------

Try to ask near by raisers if they could give you contacts.

For starters this really the first challenge.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mr hog on March 07, 2008, 02:56:10 PM
Doncorleone thats way to low davao is like 84.Never sell your hogs to those people they are making alot of easy money of you!We live in the cheapest place and its like 75


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doncorleone on March 07, 2008, 03:19:52 PM
Doncorleone thats way to low davao is like 84.Never sell your hogs to those people they are making alot of easy money of you!We live in the cheapest place and its like 75

I also talked to the wet market but their asking price is 2 pesos high P68.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mr hog on March 07, 2008, 03:21:43 PM
Maybe sell to davao?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doncorleone on March 07, 2008, 04:34:47 PM
Davao is to 3 hrs from gensan.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doods on December 20, 2008, 04:30:39 PM
doc,
   good day po sa kanila...tanung ko lang po doc masama po ba na nakababad ang feeds sa tubig,anu po ang advantages at disadvantages nito sa growth rate ng hayop?or mawawala po ba ang mga important nutrients dito na kailangan ng baboy pag nakababad po ito sa tubig?ang balak ko po kasi doc gagawa na lang ako ng concrete tank with faucet and ilalagay ko po dun yung feeds mix with water and every feeding time pipihitin ko lang po yung faucet at lalabas yung feeds diretso sa feeder nila..naisip ko po ito kasi hindi masyado kailangan ng manpower at hindi sya time cunsuming compare po sa scoop per feeding....anu po ang opinyon nyo dito doc?thank you and more power


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 20, 2008, 04:56:25 PM
Mapapanis ang pagkain
Kung gravity lang ang magtutulak sa pagkain mo kakailanganin mo ng maraming tubig.

Sa ibang bansa ginagawa yun fermented feeds. Nilalagay ang pagkain sa isang lalagyan na medyo airtight then magkakaroon ng bacterial production para maferment ang pagkain at ito ang ibibgay sa baboy. Specialized piping system ang kanilang ginagamit para ito ideliver




-----------------------------
Feeds will be spoiled if you do this.

And if you will only use the force of gravity to flush the feeds to your pens then you will need a lot of water to do this.

iN other country they use  fermented feeds and it is being delivered through a specialized piping system.

Feeds is stored in a tank with minimal air then anaerobic bacteria like lactobacilli will ferment the feeds . they sometimes call it gruel, this gruel what the animal then eats


Title: Re: Proper Feeding
Post by: sanico on February 20, 2009, 09:34:05 PM
Hi Doc,

Please explain to us mathematically or in simple english about :

1. Average Daily Gain ( ADG )
2. Feed Conversion Ratio ( FCR )

Thanks.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 20, 2009, 09:45:03 PM
ADG= [Final weight - initial weight] divided by number of days it was fattened
     = 85 kgs - 1.5 kgs (weight at birth) / 150 days
=0.556 grams /day

some compute ADG at weaning weight na
 =85 kg - 8.5 kg (weaning weight) / 120 days
=0.638 grams / per day
the higher the number the better
------------------

FCR = the amount of feed given to the animal to gain 1 kilo of meat

FCR= total amount of feed consumed(booster, prestarter, starter, grower, finisher) / final weight
     = 200kgs of feeds / 85 kgs
    = 2.35
the lower the lumber the better.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: sanico on February 20, 2009, 09:58:51 PM
Doc, ang ibig sabihin ng FCR, ay weight o timbang na na-e-convert ng baboy sa pagkain niya araw-araw ?
At ang ADG naman ay ang average na timbang nakuha from birth to selling ? OR Vice Versa ?
Nalilito lang ako....


ADG= [Final weight - initial weight] divided by number of days it was fattened
     = 85 kgs - 1.5 kgs (weight at birth) / 150 days
=0.556 grams /day

some compute ADG at weaning weight na
 =85 kg - 8.5 kg (weaning weight) / 120 days
=0.638 grams / per day
the higher the number the better
------------------

FCR = the amount of feed given to the animal to gain 1 kilo of meat

FCR= total amount of feed consumed(booster, prestarter, starter, grower, finisher) / final weight
     = 200kgs of feeds / 85 kgs
    = 2.35
the lower the lumber the better.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 20, 2009, 10:30:31 PM
FCR, yes. ito yun gaano karaming pagkain ang need niya para bumigat ng isang kilo. If he eat 2.35 kg of feed he will gain 1 kilo meat.

ADG= ito yun ibinibigat ng baboy kada araw. So, in essence on average he will gain 0.638 kgs per day


Title: Re: Proper Feeding
Post by: sanico on February 21, 2009, 04:48:16 PM
Thanks Doc, Now it is clear to me. Maraming salamat po.

FCR, yes. ito yun gaano karaming pagkain ang need niya para bumigat ng isang kilo. If he eat 2.35 kg of feed he will gain 1 kilo meat.

ADG= ito yun ibinibigat ng baboy kada araw. So, in essence on average he will gain 0.638 kgs per day


Title: Re: Proper Feeding
Post by: er09 on June 28, 2009, 12:28:33 PM
Doc after ng 150days if gagawing inahin, pano ang tamang pagpapakain 'gang manganak?
Ad lib o limited?
Grower p rin b?kelan mgppalit ng feeds?ano ippalit s grower?
Pls help thanks


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on June 29, 2009, 08:23:30 PM
after 150 days  at gagawin inahin restricted feeding na.
 Some would give finisher upto 6 months of age then broodsow feeds na


Title: Re: Proper Feeding
Post by: er09 on June 29, 2009, 09:35:27 PM
Doc kelangan na bang ikulong ng solo kapag ire-restricted feeding ang ggwing inahin o ok lang kahit may kasama na kaagaw s pakain?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on June 30, 2009, 09:27:34 PM
Ok lang munang may ksama.

You could put it on a gestating pen when it is around 7 months.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: er09 on July 01, 2009, 03:06:30 AM
Ok doc. Salamat


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doods on August 08, 2009, 09:26:10 AM
doc,
   good day po sa kanila..tanung ko lang po doc..kung may 10 fattening pen po at araw-araw ako nagpapakain pano po ba yung procedure ang dapat ko i-apply kung sabay-sabay ko sila papakainin and at the same time sa magkakaibang stage pa,kasi parang time cunsuming naman po kung magtitimbang pa ako ng feeds kada pen at ang gusto ko sana yung pagpapakain eh ad libitum yung hanggat gusto po nila...at pano ko rin po ba malalaman kung nakakain na nila ng sapat dun sa feeds na na-order ko kahit pa adlibitum ang pagpapakain ko,ganun din po sa shifting kung kelan po ako magshift ng feeds......kasi po doc sa stockroom ng feeds ko i have limited space lang po so hindi ko po madesignate yung para sa pen 1,2 or 3 kasi nasa isang bracket lang po yung prestarter,starter,grower at finisher...pls. help po baka mag-over po ako sa feeding..
   Thank you po and mabuhay po kayo...


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on August 09, 2009, 01:20:54 PM
If you want ad libitum feeding you need to have an automatic feeder.

You don't need to weigh the feeds every feeding, pwede nilang tantyahin na lang. or sometimes some farm use a scoop that is one kilo in capacity.  so, every feeding binibilang lang nila yun scoop na nilalagay nila sa feeding trough.

Shifting of feeds needs proper monitoring kung ilan na kinakain ng baboy. In automatic feeder na bibilang nila yun dami ng feeds na nilalagay nila kasi 1 sack ng 1 sack ang capacity ng feeder.

IF they don't have automatic feeder it is either chat down yung every consumption ng kanilang animal per day or they can allocate per sack per pen system.

If meron naman magkakaedad sa mga pen pwede nila pagisahin na lang ang bilang ng kinakain nito. SO, if you have example 2 pens with 10 pigs, it will eat around 1 sack of starter per pig, all in all you need 20 sacks. Kapag naubos mo na yun 20 sack sa 2 pen shift ka na sa grower.


So, if mag aalocate sila per sack per pen you will need to open 10 sacks of feeds and designated siya na ipapakain sa isang pen lang.

I hope you get the idea.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doods on August 10, 2009, 05:29:41 PM
thank you po doc....


Title: Re: Proper Feeding
Post by: olyn on August 14, 2009, 05:36:07 PM
hello! im here from laguna ask ko lang po san po kaya maka2bili ng hog feeder or automatic feeder? thanks


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on August 14, 2009, 08:39:15 PM
usually po sa malalaking feed supplier meron nito.

Dito sa Quezon city ang possible na meron is progressive poultry supply.
 Jeida,  sa San jose del monte ata yun.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: angel0001 on August 22, 2009, 10:21:24 AM
Good Mornig Doc,

Mi tanong po ako, pagkatapos manganak ang inahin
ilang oras po dapat pakainin?

Pagkatapos manganak pwede ba painomin
ang inahin nang maligamgam na tubig na may asukal?

salamat


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on August 23, 2009, 11:53:26 AM
Usually binibigyan ng tubig at konting pagkain an hour or two pagkatapos manganak

Yun iba electrolytes.

Same lang din ng pagbibigay ng tubig with sugar. No need na gawin pang maligamgam. Tap water will do.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: angel0001 on August 24, 2009, 09:33:33 AM
maraming salamat doc


Title: Re: Proper Feeding
Post by: coachmaclain on September 03, 2009, 12:13:42 PM
Hi doc,hingi lang ako ng advise mo..ano ba ang best na pagpakain sa baboy,wet feeding or dry feeding ba.
Thanx doc.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on September 03, 2009, 05:32:37 PM
Personally, mas preferred ko is dry feeding. In wet feeding kasi yun mga tirang feeds na hindi nalilinis ay pwedeng maging source ng sakit.

I just recommend wet feeding if ayaw kumain nung animal. There are times kasi na gusto ng animal na may tubig ang kanyang pagkain.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: coachmaclain on September 04, 2009, 09:24:06 PM
thank you doc..


Title: Re: Proper Feeding
Post by: japs on September 14, 2009, 04:02:39 PM
hi doc...pwede bang paghaluin ang rice bran at commercial feeds 50-50. ano po ang epekto nito nito sa animal nsa grower stage pa sila...


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on September 14, 2009, 08:57:14 PM
The nutritional value will diminished and the balance ration of the feeds will be wasted.

it might go both ways.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on September 15, 2009, 10:41:36 AM
mahirap mag experiment baka d lumaki ang alaga. ;)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: angel0001 on October 05, 2009, 08:26:55 AM

Hello Doc Nemo,
Good morning, yong mga biik ko 4 days pagkatapos mahiwalay at nag injection kami ng vitamins,
nag tatae na, ano kaya ang problema sa pagkain ba?
meron ba ito first aid para sa pagtatae nang biik

Salamat
angel0001



Title: Re: Proper Feeding
Post by: thorn_edz on October 05, 2009, 09:23:53 AM
gud am doc. ask lng po ako kng ano epekto s maling pag pkain.. i have 8 piglets 25 days old insted n pre starter ang pagkain nya STARTER po ang nbigay. may msama bng idudulot ang ganun n case s knyang growth stage? ano po b ggwin ko? tnx doc


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 05, 2009, 09:36:35 PM
THe best pa rin tlaga na nasusunod yun feeding program ng manufacturer. If matagal na nilang napapakain ng starter continue nalang po nila until magshift sila sa grower na.

Mas mababa po ang Crude protein ng starter compared to prestarter so usually if napakain ng starter ang animal sila na mismo ang nag aadjust to eat more to compensate sa kulang.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: thorn_edz on October 06, 2009, 09:14:11 AM
di po ba cla mbansot? worid lng po kasi ako. tnx doc


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 06, 2009, 08:03:31 PM
Meron possibility pero hindi ganun kataas ang chance.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: thorn_edz on October 07, 2009, 07:58:37 AM
sana di nho... update n lng kta DOC..... thnx a lot god bless


Title: Re: Proper Feeding
Post by: pig_noypi on October 07, 2009, 02:17:48 PM
doc,

alam kong kilalang kilala mo yung feeds na ACE, Anu po masasabi nyo tungkol dito?
meron po kasing nag-aalok sa akin nito ngayon

how true po na ang ACE "daw" ang may pinakamadami or matapang na halo ng mga antibiotics sa feeds?

kong ang mga feeds na walang mga antibiotics ay pwedeng basain or ibabad sa tubig ng matagal, gaanu naman po katagal pwedeng basain or ibabad sa tubig ang feeds na may halong antibiotics bago ito mapanis or masira?

thanks po


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 07, 2009, 07:23:00 PM
Actually ang feeds kasi pwede mo ding iclassify into "medicated feeds" and "non-medicated feeds" yun word na medicated here means meron preventive dose ng antibiotic or sometimes medicated means meron muscle builder na additives.

Preventive dose means = the smallest amount or volume of antibiotic/drug to be given to an animal to prevent disease...

So, sa question mo na ang  "ACE feeds" daw ang may pinaka marami or matapang na halo ng mga antibiotics...

I don't think na sila ang may pinaka marami, as to the explanation above kung medicated feeds ang inilalabas ng ACE nasa preventive dose lang ito or smallest amount na possible. Meron po kasing standard na sinusunod yan na dami and every Nutritionist alam yan. Just imagine na every antibiotic na ilagay dyan tataas ang presyo ng feeds so in the end ang company din ang mahihirapan bumawi. Ang ACE feeds ay isang company owned by a Chinese just imagine kung gano sila katipid pag dating sa mga bagay na hindi naman necessary.

Sila ang may pinaka matapang na antibiotics... this one hindi ko masasagot... kasi hindi ko alam kung anong gamot ba talaga ang nilalagay nila.

What i love sa company na ito is honest to goodness sila. I asked isang ahente just today and he said medicated yun kanila... meaning sa Bulacan area, i cannot say sa other area kung medicated din ba.
 Nalimutan ko lang tanungin kung hanggang saang stage ng feeds sila medicated, minsan kasi medicated lang sa prestarter then sa grower finisher hindi na.

At the same time just think din ilan kayang feed company ang nagsasabing hindi sila medicated pero in reality meron din sila.... They would say to you na organic sila, to think na ala naman tlagang ganung karaming available na organic corn sa market, organic soya, organic etc.. etc... so panu kaya sila nakaka cope sa volume ng feed production nila?

Sa tanong na gaano katagal bago mapanis yun feeds na may antibiotic compared sa wala ay hindi ko masasabi.
Pero kung iisipin di ba dapat mas matagal mapanis yun may antibiotic... Dahil may antibiotic na siya kapag binasa mo hindi
din basta basta mabubuhay ang bacteria and ang primary cause ng pagkapanis is bacterial growth.


Pero bakit sinasabi ng ibang company or ahente na mas matagal mapanis ang feeds kung walang antibiotic?

Kung sasabihin naman nila na fermentation ang nangyayari sa nonmedicated feeds panu nila nasure na beneficial fungal and bacteria lang ang natira dun sa feeds na binabad? Dahil anerobic yun lactobacili at ito lang ang bacteria na mabubuhay? Pero meron pang ibang harmful bacteria na anerobic din...so possible na ito yun laman ng feeds na binabad nyo...


I am not writing this dahil bias ako sa ACE feeds... Again from the beginning sinabi ko na na bias ako sa ACE....
I write the details above sa dahilan kalimitan yun nakakausap nyo na ahente ang ibinibigay lang na info ay yun benefecial sa kanilang product...To level the playing field isinulat ko dyan mga additional info and it is up to you to decide kung anong product ang pipiliin mo...







Title: Re: Proper Feeding
Post by: pig_noypi on October 13, 2009, 02:50:51 PM
well said doc salamat po....balitaan kita pagnatuloy paggamit ko ng ACE at yung result

again salamat po uli


Title: Re: Proper Feeding
Post by: eddionisio on October 14, 2009, 05:49:02 PM
mga sir,

ang gamit ko pong feeds is ACE feeds, taga jaen nueva ecija po ako.

maganda naman po ang effect sa alaga kong baboy...tingin ko po wala rin po sa feeds ang reason sa pagpapataba ng isang baboy, nasa proper management po at depende na rin po sa breed.....saka alaga po ako ng dealer dito sa amin sa jaen....

ung iba po kasi eh nagdepend sa brand, eh pag di maganda management kahit A1 na feeds po kain eh balewala po.


thanks po.

ed dionisio
jaen, nueva ecija



Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 14, 2009, 08:04:17 PM
I think ho sa Neuva Ecija ang pinaka malaking volume ng ACE feeds baka second ang Bulacan especially Angat area.

Yup correct po sila , para maging maganda ang kita, dpat maganda ang breed, management and feeds. Nasisisi lang madalas ang feeds kasi sa feeds napupunta bulk ng gastos.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: thorn_edz on October 17, 2009, 07:57:22 AM
meron bang ace dito sa davao try ko yan ...... especially sa davao del sur?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 17, 2009, 08:18:12 PM
I think so, try to ask your local agrivet na lang.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ian jeff on October 28, 2009, 12:47:23 AM
i was just planning to venture into hog raising. i learned a lot just by reading this thread. thanks doc nemo.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 28, 2009, 07:29:43 PM
your welcome .

If you have any question just post it...


Title: Re: Proper Feeding
Post by: cousindear on November 04, 2009, 03:21:55 PM
Gud day po doc, ok lang po ba na mag shift sa another stage ng pagkain ng baboy kahit hindi pa nya natapos ang una nyang stage na pagkain?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 04, 2009, 07:58:52 PM
You could shift if naattain na nung animal ang desired weight niya for that stage of feeding.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: anne on November 04, 2009, 08:05:43 PM
ask ko lang po, how much po b ang ACE feeds? ;D ???


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 04, 2009, 08:36:21 PM
Pasensiya na madam di ko kayang masagot yan . Every area kasi iba iba ang price dahil sa iba't ibang factors....


Title: Re: Proper Feeding
Post by: sanico on November 29, 2009, 04:27:01 PM
Hi Doc Nemo,
Everytime we shifted feeds from pre-starter to starter ay nagtatae ng mga biik.We follow
naman ang procedure of how to shift from one feeds to next feeds. 1st day 75% pre-starter and 25% starter.
2nd day 50% pre-starter and 50% starter. 3rd day 25% pre-starter and 75% starter. 4th day full starter.It is on the 3rd day
and 4th day where the biik ay nagtatae at basa at kulay brown o white-brown. Their drinking water ay may electrolytes naman.
Kaya gamot kami ng gamot like and mostly  we injected  Alamycin La and give  Amoxicillin WSP .Ito talaga ang problema namin sa mga stages.
Please help naman kong ano ang magandang gagawin. Thanks.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 30, 2009, 09:46:24 AM
Sir kung malakas kumain ang animal at hindi nman namamayat don't give antibiotic kahit na wet and droopings nito, there are some feeds kasi na during this stage meron tlaga wet feces pero it does not necessary mean na diarrhea siya.

Ano ba sir feed brand nila ngayon?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: sanico on November 30, 2009, 06:31:43 PM
Hi Doc,
Ang mga biik ay malaks kumain sa binigay namin na required kilos of feeds as per feed company requirements.
Minsan nga ipanabawasan ko ang ration nila  coz I'm thinking nga baka na overfeed lang at nagtatae. Masigla ang mga biik at
wala naman signs na may karamdaman ang mga ito. Worried lang talaga kami pag may nakita kami na nagtatae.

For the pre-starter feeds we give pigrolac.
For the starter feeds,grower and finisher feeds, we give the cooperative feeds
of which Im a member.

So kong ganun, dapat pala kong may nagtatae na biik, ay mag observe muna kami ng ilang days ba
bago kami magbigay ng medication ?

Thanks.
Sir kung malakas kumain ang animal at hindi nman namamayat don't give antibiotic kahit na wet and droopings nito, there are some feeds kasi na during this stage meron tlaga wet feces pero it does not necessary mean na diarrhea siya.

Ano ba sir feed brand nila ngayon?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: angel0001 on December 02, 2009, 07:57:15 AM

Hello Doc Nemo,
Good Morning.


Yong inahin ko kapanganak lang nang Dec1 at Dec2 (Kahapon) injectionan
ko siaya ng OXytetracycline L.A. ang inahin (10mL) bago ngayon ayaw na kumain.

Ano kaya ang magandang gawin DOc? Sana mabigyan mo ako nang magandang suggestion

Salamat

Angel0001


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 02, 2009, 10:54:26 AM
Hi Doc,
Ang mga biik ay malaks kumain sa binigay namin na required kilos of feeds as per feed company requirements.
Minsan nga ipanabawasan ko ang ration nila  coz I'm thinking nga baka na overfeed lang at nagtatae. Masigla ang mga biik at
wala naman signs na may karamdaman ang mga ito. Worried lang talaga kami pag may nakita kami na nagtatae.

For the pre-starter feeds we give pigrolac.
For the starter feeds,grower and finisher feeds, we give the cooperative feeds
of which Im a member.

So kong ganun, dapat pala kong may nagtatae na biik, ay mag observe muna kami ng ilang days ba
bago kami magbigay ng medication ?

Thanks.
Sir kung malakas kumain ang animal at hindi nman namamayat don't give antibiotic kahit na wet and droopings nito, there are some feeds kasi na during this stage meron tlaga wet feces pero it does not necessary mean na diarrhea siya.

Ano ba sir feed brand nila ngayon?


When shifting at nagkaroon ng slight diarrhea then observed muna sila for about 2-3 days if the diarrhea is becaueof the feed or bacterial/viral. If bacterial or viral kasi sya mamamayat ang animal. Kapag feed naman most of the time ala naman bad sequela ito.

Usually kasi during shifting nagkakaroon ng diarrhea pero the animal naman is eating well.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: sanico on December 02, 2009, 08:23:26 PM
Hi Doc,
Salamat sa payo mo. Ganun nga talaga ang condition ng mga biik namin everytime we shifted from
pre-starter to starter we cannot avoid sa pagtatae. Sometimes after 2 to 3 days ay nawawala ang pagtatate,
pero minsan ay bumabalik din. Siguro di pa kaya ng bituka nila ang starter.
But as long as the biik ay malakas kumain at masigla , we have nothing to worry and observe muna namin before we
we give medication. Thank you again.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 04, 2009, 10:22:25 PM
YUp, bast lumalaki at mlakas kumain ok lang kahit medyo wet and kaninag dumi


Title: Proper Feeding
Post by: mahal on December 07, 2009, 10:35:31 PM
doc
      pwd hingi ng manual ng tamang pagpurga ng baboy


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 08, 2009, 08:49:36 PM
Kapag inahin po usually 14 days before ipabulog ito ay dinedeworm. Then repeat deworming kapag 10-14 days before manganak.

Sa kulig, usually 7 days after walay then pwede mo ulitin kapag nasa 60 day old na siya. pero personally 7 days lang after walay ang ipinapaemploy ko especially kung dewormed naman ang nanay and lagi naman nalilinis ang paligid


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Jasper on December 14, 2009, 04:52:01 PM
Doc Nemo,

included ba ang information na to sa manual?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 15, 2009, 09:18:20 PM
There are  topics about deworming, housing, management breeding etc.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mang kulas on December 18, 2009, 01:25:11 AM
hi Doc,

Any suggestions po regarading sa magandang klaseng feeds na papakain sa mga baboy? currently i have 15 piglets on hand po....

mang kulas


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 19, 2009, 10:57:51 AM
Just buy  the brand na mas sikat sa area nila, usually kasi ito na yun may proven track record sa inyo and maganda ang after service sales.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: yex888 on December 28, 2009, 10:42:22 AM
Doc Nemo,

Recently nagbenta ako ng 11 heads and almost 5 mos na inabot ng pagaalaga baboy ko bago mabenta kase ang liliit pa rin. Nagaverage lang sa 75 ang timbang. Ano kaya ang mga posibleng dahilan?

Salamat


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 29, 2009, 12:01:56 PM
It would range from breed , feeds and management.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on December 31, 2009, 06:02:35 PM
magandang araw po doc,ask ko lng po anu po bang mainam ibgay sa isang sow para makarecover kgad  sobrang payat po kc eh? nung dec.29 pa dapat weaning date kaso extend daw po sa Jan.5 sbi ng vet sa nag aalaga ng mga baboy ko dhil iffattening po kc nmin ung 12 piglets.

Hope to hear from u soon!Thanks a lot!Have a Prosperous New Year!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 02, 2010, 01:04:32 PM
Kung masyadong payat ang inahin nila pwede po nilang bigyan ng vitamins ang animal and then from breeder feeds gawin nilang grower feeds muna ang pakain para makabalik ito sa dati niyang pangangatawan.

Make sure din po  na sa susunod po na manganak ito ang feed requirement (lactating feeds) niya dapat ay around 4-5 kgs per day assuming na around 10 ang maging anak nito.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on January 02, 2010, 10:28:28 PM
maraming salamat  doc.cge po I will tell my caretaker.




Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on January 08, 2010, 05:25:25 PM
doc,pwede po bang haluan ng grower ung late-lactation para sa inahin para hindi masyadong bumigay katawan?hindi po kc nacoconsumed ng sow ung 4-5kg/day.so I was planning to apply to the next sow will farrow on Jan.17 to mix grower for the late-lactation,what will be the effect on the piglets?

Thanks doc!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 08, 2010, 09:20:20 PM
Try to give multivitamins sa inahin, if after giving multivitamins at halos ganun pa rin ang kanyang feed intake then ska nalang sila maghalo ng grower sa late lactation ng animal.

Late lactation means before mag walay , i assume....

YUn 4-5 kilos na feed intake is during nagpapadede na po siya nito.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on January 08, 2010, 10:16:32 PM
opo doc gnun nga po ibig ko sbihin after 3weeks na kmakain lactation or b4 nawalay.

anung klaseng multivitamins halo sa feed or injectable?alin po ang mabisa?

salamat po ng marami!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 10, 2010, 05:22:16 PM
Masmabilis kasi ang effect pag injectable ang oral naman medyo mas matagal lang ng konti. Pero over all parehas lang naman ang effect nyan.

Go with oral lang nalang then give injectable vitamins especially ADE kapag mag wawalay na.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: eddionisio on January 10, 2010, 09:10:57 PM
gud pm po...yung buntis po ba inahin eh puede bigyan ng vitamins po?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 12, 2010, 07:57:26 PM
yes pwede po


Title: Re: Proper Feeding
Post by: keith on February 11, 2010, 11:37:10 AM
good day DOC,

just like to ask regarding ad libitum feeding of swine. I have a friend who feeds ad libitum. Is this advisable? Will the pigs not have a problem with diarrhea?

Thanks


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 13, 2010, 07:01:38 PM
It is okay na adlibitum ang feeding nila especially kung malakas lumaki
ang baboy.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on February 20, 2010, 12:22:25 AM
hi doc,
       magtatanung ulit ako.i have 12 fatteners sabi ng caretaker ang tatakaw daw kumain...nkompleto naman po feeds from prestarter to starter and now at the age of 49 days(Feb.20,2010) nasa grower n po cla?hindi kya kami malulugi sa gnun?masyadong mdaming knakain na feeds...base sa nababasa ko d2 ang macoconsumed ng pigs till bentahan.di kaya overfeeding na un doc?

Thanks Doc!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 20, 2010, 11:57:18 AM
As long as mabilis din lumaki ang baboy nila okay lang na malakas ito kumain.

Once na natipid kasi sila may chance na bumagal ang paglaki nito.

Nasa grower stage na po sila, which means naka around 12 sacks of feeds na rin sila ng starter?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on February 20, 2010, 03:04:07 PM
opo doc,naubos na 12 sacks of starter,i think 5 days npo kumakain ng grower,kc doc nagtataka lang ako kc po kung ba2sihan per sacks ang pagpapakain dapat 2 sacks grower lang per pig dba. sabi kc ng caretaker 4 sacks daw mauubos na grower bago ibenta...ang lalaki nga daw po kc mayat maya binibigyan ng feeds...no limit kc feeds supply ng pigrolac which is pagnabenta na ang bayad.okay doc maraming salamat po!hanggat sa uulitin!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on February 20, 2010, 03:14:21 PM
nag alala lng kc ako doc iniisip ko bka maya pagnabenta halos dun nlng npunta sa knain na feeds.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 22, 2010, 06:23:20 PM
ayun po tlaga ang risk sa livestock. na baka mas malaki pa ang ginastos mo kesa sa pinagbentahan mo.

Pero ala naman pong business na lang risk.

Let us just hope na maganda ang kanilang kikitain. Inform us na lang kung kumita ka para atleast maging batayan ng bumabasa dito na ok lang na kumain ng kumain ang baboy as long as lumalaki siya.

Another factor na lang kasi is presyo ng liveweight. Minsan maganda nga laki ng baboy pangit naman ang liveweight price


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on February 22, 2010, 06:53:06 PM
okay doc I will inform here.First week of May ang harvest.

I hope mataas ung liveweight on that time.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 22, 2010, 08:20:21 PM
clarification lang 49 days mula binili nyo or 49 day old na ito mula pagkapanganak


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on February 22, 2010, 11:30:16 PM
hindi po nmin binili doc anak ng inahin din nmin...i mean 49 days from weaning date po.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: doods on March 07, 2010, 05:09:36 PM
doc,
   yung bagong walay na kulig pwede na po ba sila sa auto feeder o open feeder?kasi adlibitum po ang system ko now lang po ako susubok sa auto feeder,ok po ba yung ganitong set up?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on March 09, 2010, 09:04:09 PM
ok lang siya . mash po ba or pellet ang kanilang pakain? Minsan po kasi pagmash medyo nag babara siya kaya from time to time check nyo yun feeder kung bumabara yung feeds.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ngob on April 15, 2010, 07:17:46 AM
gud day doc, may 5 new piglets uli ako 43 days old na sila since birth nabigyan ko na sila ng vit last day but still di nila makuha ang average na dapat nilang kainin, what should i do? balak ko sila purgahin pag 50day old na sila is it ok doc?thank you and God bless!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on April 15, 2010, 08:08:56 PM
Try to give vitamins na rin.

Try to observed also if they have increasing feed intake and weight gain...

Yun average feed intake kasi per stage is usually sa umpisa, few days hindi tlaga nila agad maaattain. but gradually mamemeet nila ito and lalagpasan pa.

Ang general rule is give na lang sila ng give ng feed as long as maubos nila ito at napapansin nila na lumalaki ang baboy.

Additional info lang din,,, usually kapag mainit ang panahon hindi makakain ng maayos ang baboy.  In fact, during this hot season mabagal lumaki ang baboy. Nagiging maganda lang ang kita ng hograiser kasi during this months maraming fiesta and at the same time election pa. Kaya indemand ang mga baboy....


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ngob on April 17, 2010, 05:39:48 AM
Thank you very much doc for your comprehensive input, doc ask lng po ako is there any thing na solution or formula to estimate the weight of the pig while nasa pen sila na growing.thank you doc and God Bless!
 


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on April 18, 2010, 06:18:57 PM
meron kaso  you need to restrain the animal then get the girth weight then kung gaano siya  kahaba etc.. in the end it  is better na maghanap na lang ng timbangan. at the same time kasi yun formula is developed years ago pa and the possibility na medyo off na siya in terms of weight kasi nagevolved na rin ang mga animal


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ngob on April 19, 2010, 12:53:39 PM
thanks dok and god bless!till next post :)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: tomato_sus on April 21, 2010, 07:02:47 PM
tanong lang po, ano po ang tamang dami ng creep/booster feeds sa biik.
may table po kasi ako na ginagawa para pagbasehan ko..pakikumpleto naman po.. or baka may idea kayong iba.. pakishare naman po.. thanks po.

3 to 7        .05 kg/piglet
8 to 13      .10 kg/piglet
14-19          ? / piglet
20-25          ? / piglet
26-29          ? / piglet

balak ko po 30 days old ako magsisimula ng prestarter


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on April 27, 2010, 08:23:50 PM
hi doc ibe2nta napo ung 12 fatteners ko bukas ...kinakabahan nga ako dhil po total investments umabot po ng P91,830 tpos P112/kilo liveweight lng daw po sa neuva ecija...i post again tomorow.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on April 27, 2010, 09:40:42 PM
i do believe na kikita ka around 12t to 24t,,, .If within or above sa naforecast ko na kita ang iyong earnings post uli sila. kahit hindi po exact figure...  thanks....


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on April 29, 2010, 12:52:42 PM
hi doc,today(april,29,2010) lng po kinuha 12 pigs at kumita lng ng P10,855.ayaw kc ku2nin per kilo bultuhan laban dun kc akyat baba daw liveweight.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on April 29, 2010, 07:57:01 PM
kung kukunin ang percentage around 11 percent kinita nila in 4-5 months investment. Not bad... pero kung nakuha yan ng per kilo for sure aabot yan ng 20 percent. Try to look for other biyahero pa para magkaroon sila ng choice pa next time kung kanino nila pwede ibenta ang baboy.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: aprilrose73 on April 29, 2010, 09:20:25 PM
maraming biyahero nga po dok pumunta dun lahat bultuhan ayaw ng per kilo.binabarat kaya kanina lang binigay kc malaki kunti...mhirap kc iasa lng sa hipag ko...di bale 5 months from now ako na mismo magmamanage...thanks doc I learned a lot from u...ung mga sows ko dati inaabot ng 4months bgo lumandi ng 2nd parity at ung isa 1month mahigit.Now they are in 3rd parity, less than a week nlng they returned to heat again..may isang sow 5 days returned to heat na.

More Power Doc!thanks


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ngob on April 30, 2010, 10:35:20 PM
gud day doc. ang mga baboy ko po ay ok na ang pagkain, nasa starter na po ako, ok lang po bang sumobra sa desired and suggested feeding per day nila? Di po kaya ako lugi? ang lakas nilang tumae after kumain, meron po bang pwedeng gawin na pwedeng konti lng ang magiging tae na hindi naisasacrifice and kanilang paglaki?thank po and god bless.............


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 03, 2010, 11:05:12 AM
as long as lumalaki sila okay lang na pakainin. there is no assurance naman kasi na kapag konti lang pinakain mo kikita ka. Minsan if restricted too much ang feeding nila nagiging bansot sila.

Okay lang po na sumobra ang feeding nila basta kita naman ang laki ng baboy


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ngob on May 03, 2010, 07:14:07 PM
ok doc thank you very much and god bless


Title: Re: Proper Feeding
Post by: gecrisostomo on May 16, 2010, 01:35:59 AM
Doc tanong ko lang po kung ano ang normal ADG and FRC sa hogs? Meron po bang ways to improve the ADG? Thank you doc.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 17, 2010, 05:58:42 PM
560 grams to 650 grams adg, 2.2 kg - 2.8 fcr.... so yan ang range....

genetics , proper housing, feeds are essential para maging maayos ang paglaki ng baboy. CUrrently sa init ng panahon ngayon mas malamang mabansot ang mga baboy


Title: Re: Proper Feeding
Post by: jenny_pretty18 on May 25, 2010, 12:43:25 AM
Doc Nemo,
Question lang po.. Nung March lang po kami nagstart magpiggerry.
Until now po d pa rin kami sure sa pinapakain namin na feeds..
Gusto ko lang pong malaman kung may difference po ba yung murang feeds sa mahal na feeds?
May kulang po bang ingredients kapag mura ang feeds at mabagal po bang lumaki ang baboy kapag mura ang feeds?
Gusto po sana naming magshift ng ibang feeds supplier..
Nung Una po ang gamit namin ay Uno Feeds (Robina), dahil po nadedelay ang deliver nila at medyo mahal din po naisip po namin magpalit sa Nutrimix.
according naman po sa mga buyer namin tumataba daw po ang baboy sa nutrimix kaya naisip po naming palitan ng Pigrolac ang mga grower namin..
Dahil po ayaw ng mga buyer sa Nutrimix, naisip po namin na magtry ng Multivite feeds. Yung plant po nila is located sa Turo Bocaue Bulacan.
May idea po ba kayo kung ano ang performance nito sa mga alagang baboy?

Thanks and God bless po..


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 25, 2010, 08:18:58 PM
Usually yun mas mahal na feeds ay mas maganda ang specs nito. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag mura is pangit or low quality.

sa pag papalaki kasi ng baboy included ang genetics and environment sa pagpapalaki... Kahit na maganda ang feeds mo kung ang lahi naman ng baboy mo is bansutin then bansot na talaga ito.

Sa san rafael ata, andyan ang hoover feeds bago dumating ng cruz na daan, tpos sa cruz na daan nandyan ang optima feeds, malapit din kayo sa CJ feeds. so marami kayong pagpipilian.

According sa google earth nasa kabilang side pala kayo ng san rafael,,, medyo konti ang tindahan dyan.. ang malapit sa inyo is central sa baliuag, pwede then si danway sa tangos, dati si Sir Luis meron sa moronquillo na store pero ala na ata ngayon. Nung nasa field pa ako dati meron akong dinideliveran dyan malapit sa st. paul ata yun na school.

Ang multivite dati same ng performance ng nutrimix... di ko lang alam kung meron na silang bagong product line.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: jenny_pretty18 on May 26, 2010, 12:20:11 AM
Thanks po for the info..  :)
Opo magkalapit lang po yung CJ and Hoover feeds.
May bago pong product line ang Multivite, Mersan po..
We wanted po sana yung may magandang quality na d po masyado expensive..
What po bang feeds yung pwede niyo iadvice samin?

Thanks and God bless po.. :D



Title: Re: Proper Feeding
Post by: kira on May 27, 2010, 06:45:13 PM
    Doc....matanong ko lang po...hanggang ilang months po tlaga ang ideal na pag-aalaga ng fattener na baboy?Halimbawa nabili ko sila ng 60 days noong March 25,2010...mga hanggang kelan ko sila aalagaan?maganda po ba na paabutin ng up to 100 kilos ang baboy bago ibenta?pacnxia na po kung matanong ako.thanks a lot in advance...:)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: rye0528 on May 28, 2010, 07:30:44 AM
Kung target nyo po eh 100kg BW eh around 4-5mos po. Mas mabigat po mas maganda. Maganda pa din po kasi ang presyo ngayon eh. 


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 28, 2010, 07:10:30 PM
ideally, 5 months for birth dapat mabenta na sila, ang weight range is 85 above...
KUng panahon na mataas ang presyo n g baboy habang tumatagal at bumibigat ang baboy mas maganda.

pero kapag mababa ang presyo ng baboy, masmabilis nyong mabenta mas maganda


Title: Re: Proper Feeding
Post by: kira on May 28, 2010, 10:48:54 PM
     Ah ganon po pla!thank u so much Doc. Nemo and Rye for the infos...:)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: teamsuzuki on May 29, 2010, 06:15:06 PM
doc nemo gud day!!!

   doc tanung ko lang kasi meron salesman ng generals  feeds nag offer sa 4 kong baboy(fattening). Ang feeding guide niya ay puro general feeds starter crumble hanggang 3 months then after 3 months magfinishers hanggang pede na ipakilo sa liveweight. Doc ok lang ba ito feeding guide na ito? sa nakita ko sa baboy ko malusog sila at malakas kumain nasa 2months na sila.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 29, 2010, 07:35:58 PM
Kung mga sales agent yan ng general feeds then yan ang sundin nila. Kahit papaano kasi base sa observation nila yun ganyang system is maganda ang result using syempre general feeds.

Ang problem  dyan is costing. mas mahal kasi ang starter feeds. So, kung mababa ang liveweight ng animal medyo liliit din ang kita nila.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ongito on May 30, 2010, 12:21:46 AM
doc, tanong ko lng po. for example, im using b-meg feeds, do i need to mix it with lets say, corn and feed it to the hog? or do i directly feed them with the feeds, no more mixing?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: teamsuzuki on May 30, 2010, 01:37:06 AM
salamat doc

napansin ko doc yung biik ko parang malusog at parang busog ang katawan... natural lang ba ito? at maganda ang kain. nasa P1,010 lang po ang 50 kilos nito sa amin.(iloilo)

Doc ilang sakong(50kilos) feeds ang pakain sa babay(fattening) until pede napakilo sa liveweight? 3 sakong ba sa bawat baboy? iot ang sabi ng friend ko tama ba ito?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 30, 2010, 06:54:19 PM
NOrmal sa baboy na medyo bilugan ang tiyan area at medyo bulky.

Usually kasi around 200++  kgs ang nakakain nila. Pero mula maliit ito hanggang mabenta. Kung medyo malaki na nang napunta sa inyo ang baboy then 3 bag will do. Basta umaabot siya sa timbang na 85 kgs or kung hindi man , umabot siya sa timbang na kung saan hindi kayo malulugi at kikita pa.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: teamsuzuki on May 31, 2010, 10:09:38 AM
salamat po doc. galing nang furom mo.

more power to you!!! ;D


Title: Re: Proper Feeding
Post by: TEAM LATINO on June 10, 2010, 10:30:22 AM
doc magandang araw po tanong lang po ako kung ok po itong feed mixing na binigay sa akin ng kakilala ko po, dito po ako ngayon South Cotabato po na area,

starter

10 corn hammered
8 tiki tiki palay
7 kilos PPC(pig protien concentrate)


grower

6 kls corn hammered
6 kls tiki tiki palay
3 kls PPC (pig protien concentrate)



kung pwede na rin maka hingi ng inyong mixing ingriedients sa STARTER AT GROWER na maka mura at maka tipid lang po,maraming salamat po.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on June 11, 2010, 07:44:59 PM
try to use search nalang kasi meron dito formula about grower and starter ata yun.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: luding on August 17, 2010, 11:51:47 PM
A quick question lang  :) I plan to use automatic hog feeder on my pen. Do I have to put light bulb near the feeder during the night?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on August 18, 2010, 08:36:23 PM
not necessary na po, kung sanay sila ala light sa gabi, lagi lang yun matutulog at sa umaga, tanghali sila kakain


Title: Re: Proper Feeding
Post by: luding on August 18, 2010, 10:09:05 PM
Thank you po sa reply! :D


Title: Proper Feeding done thru ad libitum
Post by: ricbits on September 19, 2010, 04:32:12 AM
Good day Doc,  I came across this topic.  I am considering ad libitum feeding, but dont know how much to feed my pigs on their lifetime before i sell them.

For a herd of 6 pigs for example, ilang sacks of prestarter ang e allocate ko, the same with starter, grower and finisher.  Can you help.  thanks



If you want ad libitum feeding you need to have an automatic feeder.

You don't need to weigh the feeds every feeding, pwede nilang tantyahin na lang. or sometimes some farm use a scoop that is one kilo in capacity.  so, every feeding binibilang lang nila yun scoop na nilalagay nila sa feeding trough.

Shifting of feeds needs proper monitoring kung ilan na kinakain ng baboy. In automatic feeder na bibilang nila yun dami ng feeds na nilalagay nila kasi 1 sack ng 1 sack ang capacity ng feeder.

IF they don't have automatic feeder it is either chat down yung every consumption ng kanilang animal per day or they can allocate per sack per pen system.

If meron naman magkakaedad sa mga pen pwede nila pagisahin na lang ang bilang ng kinakain nito. SO, if you have example 2 pens with 10 pigs, it will eat around 1 sack of starter per pig, all in all you need 20 sacks. Kapag naubos mo na yun 20 sack sa 2 pen shift ka na sa grower.


So, if mag aalocate sila per sack per pen you will need to open 10 sacks of feeds and designated siya na ipapakain sa isang pen lang.

I hope you get the idea.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: mr.pietrain on October 04, 2010, 07:35:52 AM
hello doc, first time ko lang po dito sa forum, pasensya na po kung mali ang post ko...doc, nag tayo po ako ng small scale piggery sa laguna, mag one year na po yung farm pero sa tinggin ko po di pa po sya profitable...doc, bigayn nyo naman po ako ng advice sa pakain, kung paano po ako makakamura na hindi maaapektuhan ang kalidad ng karne ng baboy. at kung mag hahalo po ako ng sariling feeds ano po ba ang mga pedeng ingridients na available po satin...maraming salamat po doc and more power po...GOD bless


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 04, 2010, 06:47:50 PM
mr. pietrain, if possible email me nalang kung ano feeds mo, management type, source of piglets etc... para mabigyan kita ng tip.

piggery@ gmail.com


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ricbits on October 05, 2010, 12:50:21 PM
Doc Nemo, I read somewhere sa post mo didto that you prefer basing your feeding by sacks bases,  patanong lang po,  sa experience nyo po,  feeding the pigs with the following :

1/2 sck  Prestarter
1 sck Starter
2 scks Grower
1/2 sck Finisher (or more)

Up to how many months sila mabenta, and kilos wise, how heavy do they turn out?   Iam about to start my piggery and just wanted to know.  Thanks po!



Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 05, 2010, 08:06:17 PM
around 4 months mula makuha nyo siya and around 85 kgs above sila bibigat


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ricbits on October 06, 2010, 12:26:46 AM
Thanks doc, hope i get the same results!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: elbimbo29 on October 25, 2010, 07:08:51 AM
Sir Nemo,

Tanong ko lang po kung gaano kadami pinapakain sa isang baboy sa loob ng isang araw. problema ko kse eto hindi ko alam kung tama ung pagpapakain ng mga alaga ko sa probinsya. sa ngayon kse PURINA ung gamit namin nasa 14-20 kilos na ung mga alaga ko na baboy. starter feeds ung pinapakain nila. 3 kg ung pinapakain sa umaga at hapon. bale 6kg per day po sa 10 na baboy. hindi ko alam kung tama eto or mali.

ganito po sir ang gusto ko malaman simple lang po.

gusto ko pong malaman ung tamang pakain gamit ang PuRINA sa ISANG BABOY sa isang araw (kg/pig/day)

Salamat po doc.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: evjenov on October 25, 2010, 08:14:41 PM
Sir Nemo,

Tanong ko lang po kung gaano kadami pinapakain sa isang baboy sa loob ng isang araw. problema ko kse eto hindi ko alam kung tama ung pagpapakain ng mga alaga ko sa probinsya. sa ngayon kse PURINA ung gamit namin nasa 14-20 kilos na ung mga alaga ko na baboy. starter feeds ung pinapakain nila. 3 kg ung pinapakain sa umaga at hapon. bale 6kg per day po sa 10 na baboy. hindi ko alam kung tama eto or mali.

ganito po sir ang gusto ko malaman simple lang po.

gusto ko pong malaman ung tamang pakain gamit ang PuRINA sa ISANG BABOY sa isang araw (kg/pig/day)

Salamat po doc.
dre baka makatulong,
46 to 80 days old, 35 days period, 1kg starter per day  ng purina starter, so kung 10 ang piglets mo 10 kg per day ng starter. Hope it will help


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Ace on October 25, 2010, 09:53:58 PM
Mga dre cno ba dito sa luzon major supplier ng mga hogs and poultry medicines? Thanks


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 26, 2010, 05:54:42 PM
Sir Nemo,

Tanong ko lang po kung gaano kadami pinapakain sa isang baboy sa loob ng isang araw. problema ko kse eto hindi ko alam kung tama ung pagpapakain ng mga alaga ko sa probinsya. sa ngayon kse PURINA ung gamit namin nasa 14-20 kilos na ung mga alaga ko na baboy. starter feeds ung pinapakain nila. 3 kg ung pinapakain sa umaga at hapon. bale 6kg per day po sa 10 na baboy. hindi ko alam kung tama eto or mali.

ganito po sir ang gusto ko malaman simple lang po.

gusto ko pong malaman ung tamang pakain gamit ang PuRINA sa ISANG BABOY sa isang araw (kg/pig/day)

Salamat po doc.

ang trial and error po nyan is bigyan ng feeds ang animal lets say 3 kilos muna kapag naubos agad then dagdagan nila. Let them eat as long as gusto nila. Then matatantiya na nila kung ano yun recommended ng kanilang animal sa maghapom

Kung ang pag babasihan is common na recommendation ng mga feed company papatak yan ng 1-1.5 kgs per animal per day.

----------------

@ ACE

marami yang mga supplier na yan. kung  Company ang pag uusapan andiyan ang pfizer, metrovet, elanco,  univet, robina, novartis,  merial, GJP, delta drugs, chemvet, etc.... in no particular order yan ala akong kinakampihang company.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: elbimbo29 on October 27, 2010, 09:30:27 AM
Sir Nemo + evjenov,

THANK YOU.

So, it is 1kg/day/pig (Starter feeding at 48-8 days) = Using PURINA FEEDS

Salamat po sa reply. eto po ba ay 2x a day feeding lang po? morning and evening at 5kgs each in the morning and evening? after po ng STARTER feeding(48-80 days), ano po ung next stage days nila and ung consumption for 1 pig.

I need your complete advice po sir. I already got the starter advice and thanks a lot for that.

Regards,
elbimbo



Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 27, 2010, 07:02:13 PM
ganun po yun usually, pero kung sakali nagbigay sila ng 5 kilos sa AM at naubos agad then magdagdag pa sila


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Daxjeremy on December 15, 2010, 01:34:39 PM
@ doc

Pwede rin ba na ilagay ko na sa feeder ang pwede ma consume ng fattener for 1 day, lets say 10 kgs of pre starter for 10 piglets, advisable po ba ang ganitong procedure gayung pwede sya mabasa ng tubig or ihi ng nila, ganito na mismo ang Ad libitum way of feeding? 

Or pwede rin ba na mag improvise ako ng feeder na pwede itaas at ibaba lamang sa oras ng pagkain, at dun ko ilalagay ang consumption nila for the day.

Which is better kaya?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on December 15, 2010, 09:34:53 PM
hindi po siya dapat nababasa or naiihian ng baboy.

Meron pong automatic na feeder na pwedeng maglagay ng feeds kahit pang 3 araw. yun po ginagamit talaga kung ad libitum ang gusto nyong gawin


Title: Re: Proper Feeding
Post by: jose genoa on January 16, 2011, 01:36:01 AM
560 grams to 650 grams adg, 2.2 kg - 2.8 fcr.... so yan ang range....

genetics , proper housing, feeds are essential para maging maayos ang paglaki ng baboy. CUrrently sa init ng panahon ngayon mas malamang mabansot ang mga baboy

Good Day Doc..

sa gabi mababa  naman siguro ng ilan degree celsius ang temperature kung summer or tag init.. does it help kung mag papakain pa tayo sa gabi para hindi mabansot yun baboy?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ricbits on January 24, 2011, 06:53:01 PM
Good Day Doc Nemo!

Do you happen to know how old (in days) ang baboy will reach its potential wt of 85 kilos, given I am using ad libitum feeding?   I tried your procedure (for 10 pigs)  5 sacks pre starter, 10 starter, 20 grower, and right now, they're on the 6th sack of finsher, pero the last we weighted the hogs, they fall between 62 - 65 kilos lang.   

Thou maraming gray areas sa 1st cycle namin, kasi hindi namin alam ang exact age of the piglets when we bought them, (multiple sources kasi) and hindi din namin na weight.  But just the same, you happen to know any factor why the result?  I was thinking baka medyo short sa age ang pigs by this time, but they have consumed the allocated feeds nila.

By the way,  FCR nila on the average is 1.85 (if I computed it right), and Im using Vitarich Feeds. 


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 24, 2011, 07:23:03 PM
prestarter = 125 kgs
starter =      500 kgs
grower=      1000 kgs
finisher=        300 kgs

total =     [1925 kgs / 65 kgs ]/10 animals 

fcr = 2.96

shortcut ito kasi hindi nakaindicate kung ano ang initial weight....

dapat around 4 months from nakuha nyo ang animal nasa 85 na siya...

ano na po ba edad ng baboy nila..



Title: Re: Proper Feeding
Post by: ricbits on January 24, 2011, 07:44:09 PM
Oh I see!  So four months by the time I took in the piglets?  So it does not mean, from birth?  And if the allocated Feeds ubos na, extend ko lang ang finisher?  Am I right on this?

We went to ask our source before, by that time (late October)  around 60 days na daw.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 24, 2011, 11:06:02 PM
from birth kasi around 5 months to 5 1/2 months.

hindi kaya bansutin ang baboy nila?

kung ganyan kasi kaliit ang baboy nila kahit gustuhin man nilang ibenta baka baratin kayo. SO you need na palakihin pa ng konti...

Try to compute po,,, kung sakali ngayon nyo ibebenta tutubo po ba kayo or break even lang?


mga around 4-5 sacks pa before ninyo mameet yun 200 - 215kilos of feeds per animal....

yun iba kasi kapag mabilis lumaki umaabot pa ng 250... sa case nyo kung ayan talaga ang weight (62-65) hopefully sumipa pa yun pag laki nila.. tentatively kasi dapat at that age bibigat pa sila ng 0.900-1 kilos
per day.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: ricbits on January 25, 2011, 03:57:10 PM
Thanks for the info doc!  I sent you an email!  thanks again!  and more power!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: darjen on January 25, 2011, 08:51:13 PM
gudeve sa author at kay doc. Makikisali po sa topic nyo. Gusto ko rin malaman ang tamang pagpapakain sa mga patabaing baboy para di lugi sa pakain at sulit ang tubo. Doc nemo 1st timer po ko sa pagbababoy. Mero po ako 4 na biik 68 days old na at starter napo ang pakain. Ginagawa ko pong 1kg/pig/day hanggang sa 80 days old. Tpos plano kong gawing 2kg/pig/day grower feeds hanggang 120 days. 2.2kg/pig/day finisher til 145 days old bago ibenta. Ok po ba yun? Di kaya po mabansot ang mga baboy ko? Thanks po sa maipapayo nyo napakalaking tulong po sakin.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 26, 2011, 06:25:19 PM
Mas maganda po kasi na ang pagpapakain ay base sa gana ng baboy... Kung gusto po nila kumain pa kahit sobra na dun sa ration ng baboy dapat bigyan pa rin ng pagkain... Everyday kasi lumalaki sila kaya everyday din nadadagdagan or naadjust ang kanilang pagkain.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: darjen on February 02, 2011, 02:57:32 PM
    A ganon po ba. Sya sige po doc marami pong salamat sa reply.Bigyan ko na lang ng tamang dami ng pakain na makakabusog para sa kanila...


Title: Re: Proper Feeding
Post by: up_n_und3r on August 05, 2011, 10:25:27 PM
May nagtitinda po dito ng corn grits/feeds? Need ko po kc. txt na lng po kyo: 09392758626


Title: Re: Proper Feeding
Post by: up_n_und3r on August 10, 2011, 01:37:52 AM
Hi po, tanong ko lng sa mga hog raisers/vets kung may katotohanan na nagpapabigat ang mais/corn grits kapag hinahalo sa feeds?
Gaano katagal ito pinapakain sa mga fatteners, 1 week before market  po b? Anong ratio ito sa finisher, 1:2 po b, meaning 1kg of corn grit to 2kg of finisher?

Thanks po.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: abej on September 24, 2011, 12:26:48 AM
doc nemo, tanong ko lang po kung pano pala ang proper feeding stages ng gagawin kong gilts. Kapag 4 months po ba ay dpat nakapili na ako, and dpat po ba ihihiwalay ko na sila? Ano na po ang ipapakain ko after finisher? Thanks a lot po sa mga inputs doc, plano ko na po ksi mag inahin sa mga fatteners ko ngayon.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: laguna_piglets on September 24, 2011, 04:51:00 AM
Anong gamit mong feeds??

Kung ang alaga natin ay gagawin nating gilt/sow hindi na advisable mag finisher feeds.
Merong ibang feeds company after gumamit ng starter deretso na sila mag gilt developer feeds hindi na rin nila pinapakain ng grower-finisher.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: abej on September 24, 2011, 09:57:25 PM
thanks sa reply bro. purina feeds ang gamit ko ngaun e. nsa starter stage pa lang ung mga gagawin kong gilt. how bout sa paghihiwalay bro, dpat ba one is to one na agad ang pen ng bawat isang ggawin kong gilt or pwede ko muna sila pagsamasamahin? target ko kasi bro, 5 gilts na start ko. Lesser ba bro ang cost ng pag maintain ng sows unlike fatteners?  Maraming slamat sa inputs bro.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: laguna_piglets on September 25, 2011, 12:08:53 PM
Pwde mo naman sila ipag sama sama until 6-8months until 3rd heat. after mabulog pwde na itransfer sa gestating pen.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: streak417 on October 19, 2011, 03:02:37 PM
Dalawang paraan ng Pagpapakain:
1. Restricted= may oras at dami ang ibinibigay kada pakain.
2. Ad libitum: ang baboy ay nakakain ng kahit anong oras at kahit gaano karami ang gusto nito.

Karaniwang gawain sa backyard:

Ang biik na dumedede pa sa inahin ay tinuturuan kumain sa edad na 3 araw.
Kumuha ng feeds na pangkulig at ito ay basain at durugin. Itong nadurog na feeds ay siya naman ipapahid sa dede ng inahin. Ito ay ginagawa upang masanay sa lasa ng feeds ang mga kulig. Gawin ito mga 3 araw.

Maglagay din ng kaunting pagkain sa kanilang pakainan (mga kalahating dakot ng feeds) at kada araw ito ay damihan hanggat kayang ubusin ng kulig. Palagian ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito.

Pag ang mga kulig ay bagong walay ang pagpapakain ay ginagawa 3 beses isang araw. Sa bagong walay mga 0.5-1 kilo kada baboy sa isang araw ang kaya nilang ubusin o kada kainan kailangan ng 333grams na pakain bawat isa. Pero sa umpisa ay maaari hindi nila ito agad maubos kaya mas magandang untian muna ito.

sa starter stage ang kaya nilang ubusin ay 1-1.5 kg per day, grower 1.5-2.5 kg at finisher 2.5 - 3 kgs.

Halimbawa:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter               1- 1.5                          3                          333- 500  grams
grower               1.5- 2.5                       3                            500-833 grams
finisher               2.5-3                          3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.

Ang nabanggit ay halimbawa lang at ang dami ng pakain ay ibatay sa rekomendasyon ng feed company  na inyong ipinapakain. Tandaan na sa baboy hindi na baleng sobra sa pakain wag lang kulang.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

uri ng pagkain           edad           dami ng pakain           kabuuang dami ng pakain
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         
----------------------------------

english version


Two ways of feeding:
1.   Restricted: the amount and time of feeding is controlled/defined.
2.    Ad libitum: animal have unlimited access to feed.

Usual Backyard Practice:

Sucling piglets are trained to eat feeds at the age of 3. Feeds is poured with liquid and mashed and applied to the mammary of the sows. This is done to accustomed the piglet to the taste of the feeds.

You need to put small amount of feeds in the feeding trough (Half-fist full). And every day gradually increase it up to the point that they can eat it all. You have to put feeds often.

When the piglet is weaned feeding is done 3 times a day . Weaned pig can eat 0.5- 1kg s of feed everyday or every feeding they need around 333 grams each.  But at first usually they cannot eat it all so you need to lessen it at first.

At starter stage a pig can consume 1-1.5 kgs of feeds per day, grower 1.5-2.5 kgs and at finisher 2.5-3 kgs.

Example:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter                1-1.5                          3                           333-500  grams
grower                1.5-2.5                       3                            500-833 grams
finisher                2.5-3                         3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.


The above mentioned are examples and the amount of feeds to be given should always be based on the feed manufacturers suggestion.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

Type of feeds           age               feed consumption/day          total feed consumption
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         



Hello doc Nemo.. I'm just a newbie when it comes to hog raising.. Pasenxa po kng mejo basic lng questions ko..

Anyway.. Gusto ko po e clarify kng bakit until 150 days po ang feeding program? By this age, aabot ba po ba sa target weight na 80-85Kg(theoretically)?

Dun po kasi sa nabigay nyo na manual, hanggang 28 weeks ang feeding. Tapos kng 150days(so approx. 21 weeks), according sa table, 60-65Kg lng po
ang liveweight..

Pwde nyo po ba ma clarify kng ano pa yung tamang estimates ng age ng pigs/liveweight?

Thank you po in advance.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 19, 2011, 09:37:09 PM
kpag commercial feeds kasi mas mabilis yung pag laki compared sa nag hahalo o kaya puro raw mats and tira tiraang pinapakain.

so 150 days more often than not kaya yan 80 kgs above sa commercial feeding.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: streak417 on October 20, 2011, 10:07:53 AM
Thank you sir.. More Power!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: bandang_norte on October 21, 2011, 02:51:14 PM
nababasa ko sa internet ilang hog raiser ay grower na yung pinapakain hanggang ibenta... hindi na ginagamit yung finisher.


tanong ko lang po kung ano yung advantage at disadvantage ng ganitong systema na pakain??


salamat


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 21, 2011, 08:20:56 PM
advantage --- malakas lumaki baboy kung maganda genetics

disadvantage -- pag mura presyo ng baboy  malamang malulugi ka


Title: Re: Proper Feeding
Post by: bandang_norte on October 23, 2011, 03:41:50 PM
maraming salamat po sa pag reply...


pasensya at i confirm ko lang. ang advantage lang po ng finisher ay para lang makatipid?? wala na pong advantage ang pag gamit nito pag dating sa quality ng karne at sa timbang??

salamat ulit.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on October 23, 2011, 06:32:32 PM
ay finisher is para gumanda din ang karne ng animal.

katulad ng sabi ko kanina kapag maganda genetics mo kahit hindi ka magfinisher ok lang kasi lalaki pa ang animal at hindi tabain.

ang problem kasi sa mga animal na hindi kagandahan ang genetics kapag nagtuloy tuloy ka na grower ang nangyayari tumataba ang baboy.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: bandang_norte on October 25, 2011, 10:03:01 AM
maraming salamat po dr nemo.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Myato on November 18, 2011, 10:49:37 AM
hello,first time ko po mag post, meron po kami inahin na baboy bagong panganak ayaw magpasuso at nangangagat, dahil dito yung mga biik o anak na 11 ay namatay lahat, paano po ba ang dapat gawin kung maulit ang ganitong insidente? tama po ba na kung ang baboy ay may lahing pietrain ay talaga po ba'ng nangangagat sa mga unang araw ng pagpapasuso? sana po ay mabigyang kasagutan ang aking katanungan...magandang araw po at pagpalain nawa ng maykapal, salamat po.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 20, 2011, 11:18:02 AM
welcome sa forum,

meron pong mga tranquilizer na pwedeng mabili sa mga store tulad ng stresnil. Pang pakalma ito ng animal

kung wala nito yun ibang mga raiser gumagamit ng gin. pinapainom ng konti yun inahin mga less than 1/4 bottle nun maliit na bilog pra kumalma , medyo matulog at magpadede ito. then after a day usually kinabukasan nagpapadede na ang inahin.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: babuylaber on November 20, 2011, 11:51:51 PM
doc, subok ko yung matador mas gusto kesa sa gin blue.  ;D


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on November 22, 2011, 06:24:20 PM
what ever works for you, ang mahalaga maging tame/ kumalma ang inahin para makadede ang biik


Title: Re: Proper Feeding
Post by: Kurt on November 24, 2011, 12:55:52 PM
Ang sa akin na-try ko ang Vino Agila at Kulafu...medyo mura lng to...half of the bottle maconsume ng inahin at mga ilang minuto kalma na sya hanggang bukas.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: mark angelo estafia on January 02, 2012, 07:47:15 PM
doc ano po ang magandang gamitin ang restricted feeding or ad libitum. saan po tayo makakamura? tnx po


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on January 04, 2012, 06:53:49 PM
mas prefer ko adlibitum. mas uniform kasi ang laki nila.
 in terms of comsumption mas marami nakakain ng ad lib pero nababawi din kasi dahil mas malalaki at uniform sila.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: babuylaber on January 13, 2012, 06:22:07 AM
padagdag doc.

sa adlib din hindi masyadong nagkakalayo ang timbang ng mga baboy. tulad ng tao, may mga baboy din pong sadyang mabagal kumain, means
sa nakarestricted sila itong konti lang ang nakakain


Title: Re: Proper Feeding
Post by: bandang_norte on February 01, 2012, 04:09:11 PM
Dalawang paraan ng Pagpapakain:
1. Restricted= may oras at dami ang ibinibigay kada pakain.
2. Ad libitum: ang baboy ay nakakain ng kahit anong oras at kahit gaano karami ang gusto nito.

Karaniwang gawain sa backyard:

Ang biik na dumedede pa sa inahin ay tinuturuan kumain sa edad na 3 araw.
Kumuha ng feeds na pangkulig at ito ay basain at durugin. Itong nadurog na feeds ay siya naman ipapahid sa dede ng inahin. Ito ay ginagawa upang masanay sa lasa ng feeds ang mga kulig. Gawin ito mga 3 araw.

Maglagay din ng kaunting pagkain sa kanilang pakainan (mga kalahating dakot ng feeds) at kada araw ito ay damihan hanggat kayang ubusin ng kulig. Palagian ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito.

Pag ang mga kulig ay bagong walay ang pagpapakain ay ginagawa 3 beses isang araw. Sa bagong walay mga 0.5-1 kilo kada baboy sa isang araw ang kaya nilang ubusin o kada kainan kailangan ng 333grams na pakain bawat isa. Pero sa umpisa ay maaari hindi nila ito agad maubos kaya mas magandang untian muna ito.

sa starter stage ang kaya nilang ubusin ay 1-1.5 kg per day, grower 1.5-2.5 kg at finisher 2.5 - 3 kgs.

Halimbawa:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter               1- 1.5                          3                          333- 500  grams
grower               1.5- 2.5                       3                            500-833 grams
finisher               2.5-3                          3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.

Ang nabanggit ay halimbawa lang at ang dami ng pakain ay ibatay sa rekomendasyon ng feed company  na inyong ipinapakain. Tandaan na sa baboy hindi na baleng sobra sa pakain wag lang kulang.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

uri ng pagkain           edad           dami ng pakain           kabuuang dami ng pakain
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         
----------------------------------



tanong ko lang doc kung ano yung timbang ng mga baboy pagdating ng 150 days


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on February 01, 2012, 08:19:28 PM
parang 90 kg ang nakalagay sa brochure nila


Title: Re: Proper Feeding
Post by: bandang_norte on February 03, 2012, 01:03:23 PM
thanks doc


Title: Re: Proper Feeding
Post by: reyes on March 29, 2012, 06:03:33 PM
sir anu bang maganda alternative na  ipakain sa baboy para makatipid po?


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on April 01, 2012, 01:45:28 PM
anything na cheap , readily available and always available na feed materials.

for example, kung malapit kayo sa fast food yun mga tiratira nila na foods dun pwede nila ipakain sa animal. although, ang drawback nito ay babagal ang paglaki ng kanilang animal. It will go down to economics kahit mabagal siya lumaki kung mababa naman ang cost to produce then kikita kayo maganda.

Usually nga pala around grower stage ang nagshishift sa alternative feeding.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: allen0469 on April 01, 2012, 06:35:45 PM
good pm doc,
ask lang po ano po ang mas mabisa pag dry sow ipakain ang broodsow or grower kasi po sa akin grower with darak,at pag nag bubuntis naman po ano po ang ipapakain kasi sa akin gesteting at darak pag 1 week na mag farrow pure lactating na po.
doc paki correct naman po ang feeding namin.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on April 19, 2012, 08:24:08 PM
pag dry sow kasi nagbibigay lang ng grower  kung namayat ng husto ang inahin.  usually broodsow binibigay.
pagnagbigay ka kasi ng ng grower and darak mix, para ka narin nagbigay ng broodsow nun.

ang lactation naman usually 86-87 days ng pagbubuntis nag bibigay na ng lactation.

ito ay para maging maganda development ng bone ng piglet and hndi lumabot buto ng inahin.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: karenann on April 30, 2012, 04:29:11 PM
gud pm po doc nemo baguhan po ako sa pigiry business ng despose po kami ng 30 heads dis month eh medyo lugi po pwede po ba aq humingi ng pricelist nang ace feeds kasi me nagsupply po sa aming farm kaso hindi po nila sinasabi ung SRP para po ma compute po nmim at gusto po sna naming ng inquire kung may pwedeng mag supply samin na direct para wala nang patong un feeds na kukunin nmin tnx....


Title: Re: Proper Feeding
Post by: allen0469 on April 30, 2012, 06:08:28 PM

pag dry sow kasi nagbibigay lang ng grower  kung namayat ng husto ang inahin.  usually broodsow binibigay.
pagnagbigay ka kasi ng ng grower and darak mix, para ka narin nagbigay ng broodsow nun.

ang lactation naman usually 86-87 days ng pagbubuntis nag bibigay na ng lactation.

ito ay para maging maganda development ng bone ng piglet and hndi lumabot buto ng inahin.


good day nemo,
thanks po sa info bali kasi nag adjust kami ng feeding namin kasi sa mahal na ng grower kaya gusto ko maka hanap ng ibang progran sa feeding.



Title: Re: Proper Feeding
Post by: petersotan on May 01, 2012, 08:30:04 AM
Thank you so much how about the sow after mahiwalay ko siya anu na dapat pag kain ang how many kg

Dalawang paraan ng Pagpapakain:
1. Restricted= may oras at dami ang ibinibigay kada pakain.
2. Ad libitum: ang baboy ay nakakain ng kahit anong oras at kahit gaano karami ang gusto nito.

Karaniwang gawain sa backyard:

Ang biik na dumedede pa sa inahin ay tinuturuan kumain sa edad na 3 araw.
Kumuha ng feeds na pangkulig at ito ay basain at durugin. Itong nadurog na feeds ay siya naman ipapahid sa dede ng inahin. Ito ay ginagawa upang masanay sa lasa ng feeds ang mga kulig. Gawin ito mga 3 araw.

Maglagay din ng kaunting pagkain sa kanilang pakainan (mga kalahating dakot ng feeds) at kada araw ito ay damihan hanggat kayang ubusin ng kulig. Palagian ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito.

Pag ang mga kulig ay bagong walay ang pagpapakain ay ginagawa 3 beses isang araw. Sa bagong walay mga 0.5-1 kilo kada baboy sa isang araw ang kaya nilang ubusin o kada kainan kailangan ng 333grams na pakain bawat isa. Pero sa umpisa ay maaari hindi nila ito agad maubos kaya mas magandang untian muna ito.

sa starter stage ang kaya nilang ubusin ay 1-1.5 kg per day, grower 1.5-2.5 kg at finisher 2.5 - 3 kgs.

Halimbawa:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter               1- 1.5                          3                          333- 500  grams
grower               1.5- 2.5                       3                            500-833 grams
finisher               2.5-3                          3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.

Ang nabanggit ay halimbawa lang at ang dami ng pakain ay ibatay sa rekomendasyon ng feed company  na inyong ipinapakain. Tandaan na sa baboy hindi na baleng sobra sa pakain wag lang kulang.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

uri ng pagkain           edad           dami ng pakain           kabuuang dami ng pakain
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         
----------------------------------

english version


Two ways of feeding:
1.   Restricted: the amount and time of feeding is controlled/defined.
2.    Ad libitum: animal have unlimited access to feed.

Usual Backyard Practice:

Sucling piglets are trained to eat feeds at the age of 3. Feeds is poured with liquid and mashed and applied to the mammary of the sows. This is done to accustomed the piglet to the taste of the feeds.

You need to put small amount of feeds in the feeding trough (Half-fist full). And every day gradually increase it up to the point that they can eat it all. You have to put feeds often.

When the piglet is weaned feeding is done 3 times a day . Weaned pig can eat 0.5- 1kg s of feed everyday or every feeding they need around 333 grams each.  But at first usually they cannot eat it all so you need to lessen it at first.

At starter stage a pig can consume 1-1.5 kgs of feeds per day, grower 1.5-2.5 kgs and at finisher 2.5-3 kgs.

Example:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter                1-1.5                          3                           333-500  grams
grower                1.5-2.5                       3                            500-833 grams
finisher                2.5-3                         3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.


The above mentioned are examples and the amount of feeds to be given should always be based on the feed manufacturers suggestion.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

Type of feeds           age               feed consumption/day          total feed consumption
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         



Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 01, 2012, 01:46:17 PM


Stage                            Feeds                Feeding period                               Feed  Intake
Gilts        flushing            broodsow           10-14 days before breeding            2.4 -2.8 kgs

pregnant early gestation  broodsow             1-21 days preg                            1.8-2.0 kgs

             mid gestation   broodsow             22-86 days preg                           2.0-2.2 kgs
           
             late gestation   lactation             87-112 days                                2.4 -2.6 kgs
                                                           
                                   lactation              2 days before farrowing               2.0 kgs

lactating                      lactation              1-7  days                                   1-4 kgs
sow

                                  lactation             8-25 days                                   4-5 kgs

                                 lactation              26-27 days                                 2-2.2 kgs

weaning period               lactation           weaning day                                  0.5 1 kgs

dry sow                      broodsow           5-7 days before breeding                  2.5-3 kgs


Title: Re: Proper Feeding
Post by: deanellen on May 26, 2012, 09:56:47 PM
doc,
gud evening! yung  1 fattener namin around 135 days na since birth but mahinang kumain. less than 2 kgs ang kain nya per day. mahilig matulog at mataba. wala naman kaming nakikitang sakit niya. okay lang ba siya? wala ba siyang hidden na sakit? okay lang ba gawin siyang inahin?
eto po picture niya...(http://i1256.photobucket.com/albums/ii486/deanellen/127days3rdbatchb-1.jpg)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on May 30, 2012, 09:17:03 PM
kung eversince ay mahina siya kumain at maganda naman lumaki , magandang baboy yan.

kasi ibig sabihin efficient siya in terms of feed conversion.

pero kung lately lang siya humina medyo alanganin yan.
try mo give vitamins kung gagana uli kumain


Title: Re: Proper Feeding
Post by: allen0469 on May 31, 2012, 08:01:18 PM
good pm doc nemo,

doc paki email po ulit ng vaccination guide at feeding program.

email add at oicresquites3@yahoo.com

thanks doc.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: deanellen on June 04, 2012, 11:30:56 AM
Thanks po Doc!  :D


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on June 04, 2012, 06:43:04 PM
allen 0469

nasa taas po yun feeding guide


Title: Re: Proper Feeding
Post by: allen0469 on June 04, 2012, 07:19:05 PM
good pm doc nemo,

thanks po,ask alng po ako ano po ang maipapayo nyo kasi po try ko ang 1 sow ko manganad na no feeds po par sa mga piglets kong baga doc sa milk lang ng sow sila magaasa pag dating lang siguro ng 5 days berore weaning saka ako mag bigay,is there any bad results po ba sa iyong experience.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: deanellen on June 04, 2012, 07:43:42 PM
@allen,
dapat 5 days from birth turuan mo na yang mga biik mo kumain kahit konting konti lng. kasi dapat nasanay na sila bago sila i-walay kasi pagna-iwalay na sila at wla ng gatas ng inahin baka manibago at magkadiarrhea. it takes time para sila masanay kasi hindi sila agad kumakain.  :)


Title: Re: Proper Feeding
Post by: wilmerjacob on June 05, 2012, 12:07:06 AM
Doc Nemo,

Good morning!

Tanong lang po sana namin kung ano ang Ideal Weight Gain ng mga Fattener every Growth Stages nila;

Birth                   1 to 5 days
Booster           6 to 35 days
Pre-Starter   36 to 56 days
Starter           57 to 85 days Old
Grower           86 to 120 days
Finisher           121 to 149 days -market

Before we are using Bmeg Feeds, and now we are using Pigrolac Premium Feeds now for almost 4 months, gusto po sana namin i-monitor ang Weight gain per Growth Stage ng mga fatteners namin to check if maganda ang performance ng mga feeds, malaking tulong din po ito sa mga readers natin na nagsisimula sa small piggery business. Thanks a lot po sa matiyaga ninyong pagsagot ng mga questions namin. Thank you po and God bless you more!


Title: Re: Proper Feeding
Post by: allen0469 on June 05, 2012, 07:15:01 PM
@dean,

thanks sa info yon mga gawin ko 5 days before ay mag bigay na ako ng booster until 10 days pag weaning midyo bagohin ko lang kaonti ang feeding days ng pig,at takenote ko nalang if ever ok naman di mas ok kasi mahal na masyado ang feeds kaya hanap tayo ng maka tipid but syimpre takenote diin natin ang growth ng pig natin.


Title: Re: Proper Feeding
Post by: nemo on June 05, 2012, 08:45:20 PM
@wilmerjacob

merong sinasabi ang bawat feed company kung ano average daily gain  nila per stage.

in the end lang po dapat above 85 kg ang animal at matipid siya kumain. it will go down kasi sa economic aspect  ng business hindi baleng 85 kgs ang alaga nila as long as maganda kita nila kapag tinanggal na nila lahat ng gastos.

meron kasi nangyayari na ang final weight ng animal is 90-100 pero kapag nagcompute ka mas maliit minsan kita nila dahil mahal ang feeds etc...



Title: Re: Proper Feeding
Post by: wilmerjacob on June 06, 2012, 04:02:54 AM
@Doc Nemo,

Maraming Salamat po Doc. Nemo, God bless you more po!

Regards,
Wilmer Jacob


Title: Re: Proper Feeding
Post by: allen0469 on June 06, 2012, 08:22:30 PM
doc nemo,

thanks po doc sa email ng vaccination guide ang feeding guide po copy ko nalang sa notebook.