Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: bkjotjot0 on October 19, 2011, 10:59:44 PM



Title: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: bkjotjot0 on October 19, 2011, 10:59:44 PM
doc, pa 2long nmn po, magaalaga po kc kmi ng baboy sa pagrai, antipolo city,, pa2ro nmn po ng basic thing to do..

 sir pwede ba humingi ng FS/ROI copy,


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: bkjotjot0 on October 19, 2011, 11:03:09 PM
gusto ko po kc malaman,,, pede po ba na pinturado ang kulungan ng baboy? papano po ang pagdi dispose ng dumi nila, dapat bang ihiwalay ang tae sa ihi para di bumaho? ano ang dapat ipakain from 1st  to 3rd month,, fatteners po ang aalagan ko ha, and kung meron pa po kau maipapayo pakiadgdag n lang po..

MARAMING MARAMING SALAMT ANG MORE POWER!!! :D


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on October 21, 2011, 08:06:09 PM
yun pintura yun mga bakal lang para di kalawangin...
dpat may posonegro sila para dun mapunta dumi ng animal
about feeding check nyo po yung topic about shifting of feeds / feeding guide dito para malaman po nila yun basic ng feeding


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: bkjotjot0 on October 21, 2011, 10:55:15 PM
salamat po ng marami sir... pag may posonegro po ba, ok na po na diretso na dun yung dumi at ihi? sbi po kc nila pag naghahalo ung dumi at ihi, mas mabaho at mas maamoy?
 

thanks and more power!!


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: bkjotjot0 on October 21, 2011, 10:56:57 PM
sir additional question lang po, magkano na po ang biik ngayun? sa pagrai antipolo po area ko... magkano po per sack ng feeds? anong feeds ang maganda? 3 sack of feeds for 3 months for 1 biik, right?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: retire on October 22, 2011, 08:58:03 AM
 :Dsir gud a.m. pwede po bigyan nio ak every details ng pag aalaga sa piglet up to selling them....salamat po sir


Title: pag aala ng baboy
Post by: retire on October 22, 2011, 09:04:24 AM
Sir,

Pwede po bang mang hingi ng guidlines sa bakyard housing, same time my 45 days sa taas ng kulongan...tapos ano yong mga feeds na pwede pakain. please send to this e-mail.....segundosanchez73@yahoo.com

thanks po


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: fye_yours@yahoo.com on October 22, 2011, 02:45:54 PM
Good day po,gusto ko po sana magsimula ngaun nov. ng small bussiness sa pagaalaga ng chicken kung pwede mo makahingi ng tulong and copy ng guide nyo...ito po email ko fye_yours@yahoo.com..maraming slamat po..

fey


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: robert_sagay on October 22, 2011, 04:54:09 PM
    gusto ko po sana magsimula ng pag aalaga ng baboy ..pwede po ba ko ninyu matulungan kung paano ako mag uumpisa at malaman lahat ng detalye sa pag aalaga nito..ako po ay tubong mindanao (butuan city) Salamat po''...


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on October 23, 2011, 06:46:41 PM
check your mail


Title: tamang pag-aalaga ng baboy
Post by: miggs on October 25, 2011, 07:44:12 PM
magandang umaga/hapon po doc nais ko po sanang humingi ng advice po sa inyo tungkol sa tamang pag-aalaga ng palakihing baboy .Sa ngayon po ay nag-aalaga na po ako may isang taon na po ako kaya lang po parang hindi pa po ako kumikita sa mga inalagaan kong baboy.Baka po may mali sa pagpapakain ko sa mga baboy ay medyo malaki din po ang consumption ng feeds kaya po ako natatalo sa kita.Ano ba ang dapat ko pong gawin para po madagdagan pa ang aking kaalaman para mabilis lumaki at tamang pagpapakain.Maraming salamat po sana po matulungan nyo po ako.


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on October 25, 2011, 08:02:06 PM
good genetics
good feeds
good management


ano po ba average na timbang ng animal nila at gastos sa pagkain. ano din liveweight


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: adonisbuaya on October 26, 2011, 11:01:28 AM
magandang araw sa inyong lahat , new to this site. im planning to start a poultry business, ang plano ko po is to start 100 heads of checken, hingi lang po nang advice kung ano ang tamang paraan sa pag aalaga nang manok. please send me a picture or a structure of a poulrty house, at ang tamang paraan sa pag aalaga, form 1day to 45 days ano ang tamang pagkain.

please send me your guidlines or manual  through my email add. scathz19856@yahoo.com


salamat


ADONIS J. BUAYA





Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: adonisbuaya on October 26, 2011, 11:13:42 AM
pwede po b pasend ng guide sa pag aalaga ng 45 days chicken? including the vaccination and house design.. tnx.. i am new to this site please send me your manual ad advise in my email scathz19856@yahoo.com


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: calvoantonio on October 26, 2011, 06:41:21 PM
doc pwede humingi ng copy kung panu alagaan yung 45 days chicken,,,eto po yung email ko rico.albert82@yahoo.com,,maraming salamat po


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: Joven E. Ayende on October 27, 2011, 01:45:14 PM
good afternoon po sir! gusto po naming mag alaga ng 45 days checken para sa pag business,Sana po makahingi kami ng ilang babasahin ukol sa pag aalaga! slmat po! email: joven_ayende22@yahoo.com


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nasya888 on October 27, 2011, 08:53:42 PM
hello po hingi din po ko ng copy ng FS, tnx hirs my email nasya888@yahoo.com


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on October 28, 2011, 10:01:53 AM
gandang umaga po ;D, ask ko lang po anong dapat gawin sa alaga ko pong inahin pangalawang beses na po sya magbuntis at hindi po sya makatayo at nanginginig po ang mga paa nya binigyan po sya ng vitamins at calcium naawa na po ako skanya di naman po pdeng ibenta kasi two mans po syang buntis tulungan nyo po ako ano po ang gamot para dito? maraming salamat po! email me asap ls!


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on October 29, 2011, 12:51:12 AM
gaano katagal naman po sila nagbigay ng vitamins and calcium?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: Larz on November 03, 2011, 04:53:01 PM
Patulong nmn po,,,,  I'm planning to start swine raising this end of november.... suggestions naman po coz I'm new to this kind of business.... Thank you... Here's my email ad.... aral07@yahoo.com


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: babuylaber on November 03, 2011, 10:59:46 PM
suggestion po ba sa housing?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: Larz on November 04, 2011, 04:14:40 PM
Good day,,,

Pasend namn po ng complete guide ng expenses s swine/hog raising business i'm kinda interested...... Thanks.....


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on November 09, 2011, 05:40:46 PM
sir  ano po ang dapat kong gawin sa mga gagawin kong inahin, unang anak po ng inahin ko na namatay dahil po mahina daw ang mga paa nya, nag aalala po ako na baka magmana din sila sa ina nila? ano po ang maari kong ibigay upang magapan ito? 4mans na po sila okey lang po ba na 12 at 15 ang suso ng baboy na magiging inahin sir? sir bago lang poa ako dito at diko pa po alam kung paano magpost at malaman kung may tugun ang mga katanungan ko?...marami pong salamat!


                           


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on November 09, 2011, 07:53:28 PM
alin po ba yun mahina ang paa yun inahin or yung piglet?

saka paano po nilang nasabing mahina ang paa?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on November 10, 2011, 09:03:13 AM
ang inahin po ang mahina ang paa namatay na po sya nung 31, nanginginig po ang mga paa at pinilit nyang tumayo nabali po ang mga buto nya at tuluyan ng namatay, sabi ng vet po na mahina ang mga buto nya pero late na siguro na nabigyan ng vitamins at calcium ito po yong una ko pong post,...mahaba po ang katawan ng dati ko pong inahin malalaki ang pata at ang tenga nya natatakpan ang mukha nya, hindi po ba magmamana ang mga anak nya sir na gagawin kong inahin?...tnx po! 


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: babuylaber on November 10, 2011, 09:49:18 PM
nakitaan na po ba nila ng sinyales ng panginginig before xa nabulogan or after niya nabulogan? a.i po ba? pang ilang anak niya na po?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on November 11, 2011, 09:35:26 AM
gud day po! first palang po...hindi pa po sya nanginginig nong nabulugan po mga pangalawang buan ng pagbubuntis nya nung nagsimula po yun...akala ko po ay mawawala rin hanggang sa nanganak  po at nabulugan ulit dina na  nakaya pinakita ko sa vet at ang sabi po mahina daw ang paa o mga buto nya, binigyan ng vitamin at calcium late na siguro namatay din, may dalawang babaeng anak 4mans na sila gusto ko sanang gawin ulit na inahin ,..sir ilang mans po ang pag deworm sa baboy? sensya na po if marami po akong tanong ,gusto ko lang po matuto sa pagaalaga ...marami pong salamat! :)


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on November 14, 2011, 06:51:18 PM
ang ilang dahilan kasi kung bakit humina/napilay ang paa ng baboy ay:

1. hindi enough ang calcium na nareceive niya while nagbubuntis siya. usually kasi around 86-87 days mula pagbubuntis ang baboy ay pinapakain ng lactation feeds, ang lactation feeds ay mataas sa calcium.

2. Medyo malaki yun barako kaya nung nabreed medyo humina ang paa.

3. Lahi na talaga nila yun mahina ang paa.

4. extreme case neurologic problem kaya siya nanginginig.

To be cautious kasi better na mag hanap na lang sila ng gagawing inahin maliban sa alaga nila. may history na kasi and baka maulit.

usually nagdedeworm after weaning then kung gagawin inahin around 5 to 6 months na idedeworm .


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on December 30, 2011, 01:33:24 PM
salamat po sir nemo...sana po ay di po kayo magsawa sa pagsagot sa aming mga katanungan!


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on January 29, 2012, 09:30:30 AM
gud day po sir nemo!...tanong ko po kung ilang days ulit po maglandi ang isang dumalaga?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on January 29, 2012, 10:24:43 PM
21 days po on average so from 18 days to 25 days mula naglandi siya dapat observe nyo na..


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on January 30, 2012, 03:30:22 PM
tnx po sir nemo !



Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on February 03, 2012, 11:50:32 AM
gud day po sir nemo , ...ano po ang dapat kung ibigay na gamot sa dalawang baboy ko sir nemo kahapon po napansin ko po na walang ganang kumain yong dalawa tapos po ngayong umaga papakainin ko ayaw na pong tumayo at di na rin kumain ...sir ano po kayang dahilan bakit sila nagkaganun pls po pakisagot po agad tanong ko sir!


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: babuylaber on February 03, 2012, 05:57:55 PM
may lagnat po b sila?


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on February 03, 2012, 08:50:20 PM
wala po sir, kahapon ko lang po napansin na wala silang ganang kumain yong isa po nakakatayo na pero wala pa din ganang kumain yong isa po nakahiga nalang po! eh ang hirap pa naman po hagilapin mga vet dito samin sir  iilan lang din po...kaya dito na po ako sumangguni sainyo , kanina po maghapon kmi nagantay sa vet pero gabi na dumating sa bahay nila ,bukas palang daw pupunta. pero diko po alam kung aabot pa hanggang bukas kasi isang araw na di kumain sir!...


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on February 04, 2012, 12:41:16 PM
gud day po sir nemo...kinatay na namin yong isang baboy sir nemo matubig daw po ang loob nya at may namuong dugo po daw sa kanyang puso, yong isa po ay di narin po ulit makatayo wala parin pong vet na tumingin sir nemo ano po ang vaccine na pde kong ibigay sa isa pa pong natitira...


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on February 04, 2012, 08:54:06 PM
yun dugo kasi sa puso possible na during kakatayin kaya nagkaganyan so, hindi ko marerelate agad yan sa condition niya.

fluid in abdomen ang technical term is ascites...

possible causes is imbalance in pressure kidneys, liver , etc...

sa case animal nila ang general sign is nanghihina. wala tayong specific na sakit na mcoconect.

kung ayaw kumain ng animal be sure lang na umiinom ito. sa inumin pwede mag lagay ng electrolytes or kahit asukal.
 
sa antibiotic you can start sa penicillin or tetracycline. kung malamig sa gabi bigyan po nilang dayami na higaan ang animal para mainitan.


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on February 05, 2012, 08:25:16 AM
tnx po sir nemo!...hanggang kilan ko po sila bibigyan ng antibiotic ok lang din po ba na bigyan ko din ng antibiotic yong isang biik ko  at isang dumalaga  kasi po talagang malamig po dito sa isabela sir, ...ano ano po kaya mga dapat kong gawin sa mga alaga ko sa panahong  malamig sir nemo at para di sila kapitan ng ano mang sakit!


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on April 10, 2012, 06:22:26 PM
gud day po sir nemo!...tanong ko po kong anong gamot sa nangangating balat ng inahin ko 1man po sya na buntis, parang kinagat ng lamok pero kalat kalat po sya  sa buong katawan nya tapos nawalan din sya ng ganang kumain sir , halos isang araw di nya ginalaw ang pagkain nya sir nemo?
 


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on April 10, 2012, 07:01:58 PM
try po muna nila pahiran ng pine tar, kung insecto yan kumagat  pwede po yun.


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: delossantosj on April 11, 2012, 03:41:27 PM
Good day Doc & to all my fellow agri-preneur...
Summer time is already approaching, ok lang po ba na daily ang paliligo ng mga alaga nming baboy?
hindi po ba ito magdudulot ng possible na sakit gaya ng sipon? thanks


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: baboypig on April 11, 2012, 09:44:34 PM
ang inaalaala ko doc ngayong summer )taginit) parang start ng 3rd quarter syndrome.
Pwde nga po ba yun doc pagpapaligo? baka lagnatin naman sila.


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: charlotte on April 13, 2012, 02:37:03 PM
sir nemo, wala pong mabiling pine tar dito samin...sir ok lang po ba na bigyan ko sya ng electrolyts buntis po sya ng 1man di po ba masama saknya?
ang init po kz at ayaw narin nyang kainin yong feeds na binibigay ko sir ,try ko yong darak ng mais gusto namn, hindi rin sya masyadong umiinom pakunti kunti lang parang masama po pakiramdam nya, yong kati namn po sa balat nya parang umuumbok po sya na kasing laki ng mais!


Title: Re: pagsisimula sa pagaalaga ng baboy
Post by: nemo on April 19, 2012, 08:27:27 PM
charlotte , ok lang ang vitamins sa inahin buntis.

baboypig,

pagtag init dahan dahan lang ang paligo sa baboy and usually ang binabasa muna is paligid ng kulungan, tulad ng semento, bubong, loob ng kulungan para bumaba angtemperature then saka pa lang papaliguan ang baboy.