Google
Pinoyagribusiness
April 25, 2024, 05:28:32 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home   Forum   Help Search Login Register  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Pagpapalahi ng baboy  (Read 3279 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« on: June 05, 2008, 01:51:39 AM »

Pagpapalahi ng baboy.

Ang pagpapalahi  ng hayop ay may dalawang dahilan una upang  maparami ang alaga, pangalawa ay upang maitaas ang kalidad ng hayop. Hindi lang sapat na ang inyong alagang baboy ay magbuntis at manganak, kailangan din na ang mga anak nito ay maypotensyal na lumaki ng mabilis, malusog at matipid sa pagkain. Ang pagpapalahi ay hindi kasing simple ng karaniwang iniisip ng tao, ito ay kinakailangan ng masusing pagsusuri ng mga datos sa isang babuyan. Ang mga datos na kailangan bigyan pansin ay ang pedigree o pinagmulan ng baboy na nais gawin inahin o barako, ang performance ng individual na baboy na nais gawin inahin at ang pisikal na kaanyuan ng baboy. Ang pedigree nito ang magbibigay sa ating ng idea kung gaano karami ang inaanak ng lahing ito. Gaano kabigat ang ipinapanganak nakulig nito,  kung gaano karami ang naiwawalay at kung ano ang mga timbang nito nang iwinalay. Dapat din natin isaalang- alang kung ilang beses ba ang inahing pinagmulan nito nanganak,naglandi, nakunan, etc

Maaari na napakaganda ng  performance ng inahing pinagmulan ng inyong baboy ngunit hindi nangangahulugan na magiging maganda rin ang magiging resulta kapag ang  kulig na nito ay gagawing inahin. Bigyan pansin din natin ang naging performance ng kulig. Ito ba ay may magandang timbang nun ikalimang buwan nito? Umabot ba naman ito ng 85 kilos. Kung umabot ng 85kgs, naging matipid ba ito sa pagkain? Naging sakitin ba  ito? Isang maling practice  ng mga nag- aalaga ng baboy ay yun kapag maliit ang isa sa  kanilang baboy sa araw ng benta ay kanila itong ipinapaiwan at pinapalaki pa para gawing inahin nalang. Ang mga ganitong baboy ay maaring gawin inahin ngunit ang kakayahan ng paglaki ng mga magiging kulig nito ay maaaring mabagal din.

Kahit na mganda ang pedigree at performance ng baboy ay hindi nangangahulugan na pwede na itong gawin inahin. May mga physical na katangian din tayo na batayan sa pagpili ng inahin. Dapat ito ay walang mga kapintasan, malalakas ang mga paa, at katamtaman ang pangangatawan.

source:"Pag aalaga ng baboy sa Likod bahay" copyrighted.
Please do not copy and post to other site. Thank you!
« Last Edit: June 05, 2008, 01:54:05 AM by nemo » Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #1 on: June 05, 2008, 02:13:15 AM »

Translation
Swine Breeding

There are two reason why we breed animal, one is to increase the population and second is to increase the quality of the animal. It not enough that the animal gets pregnant and farrowed, it is also necessary that the offspring have the potential to grow fast, healthy at the least amount of feeds. Breeding is not that simple, it needs a detailed assessment of data. Data that you need to assess is the pedigree and individual performance of the animal. The pedigree would tell you how prolific is that breed or animal's lineage, average weight at farrowing, weaning average and weaning weight. You need also to consider the parity, heat, abortion etc...

It is possible that the performance of the sow is superb but it does not translate that automatically the offspring would do the same.  You also need to take into consideration the individual performance of the offspring you want to become a gilt. Whether it reach 85 kilos at 5 months of age, is it  efficient in terms of feed conversion, do it show a good health performance throughout the fattening period.  One malpractice in backyard raising is that usually those did not reach market weight are retained and they nurture it more to become a sow. You could do this but the possibility of it's offspring to become runt also is high.

Even if the performance and pedigree is okay, it does not mean you could use the animal as a sow. You need also to consider the physical appearance of the animal. The animal should be free from deformity, have good legs and medium built (not fat).

source:"Pag aalaga ng baboy sa Likod bahay" copyrighted.
Please do not copy and post to other site. Thank you!
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
doncorleone
Full Member
***
Posts: 148



View Profile
« Reply #2 on: June 05, 2008, 06:02:52 PM »

Pagpapalahi ng baboy.

Ang pagpapalahi  ng hayop ay may dalawang dahilan una upang  maparami ang alaga, pangalawa ay upang maitaas ang kalidad ng hayop. Hindi lang sapat na ang inyong alagang baboy ay magbuntis at manganak, kailangan din na ang mga anak nito ay maypotensyal na lumaki ng mabilis, malusog at matipid sa pagkain. Ang pagpapalahi ay hindi kasing simple ng karaniwang iniisip ng tao, ito ay kinakailangan ng masusing pagsusuri ng mga datos sa isang babuyan. Ang mga datos na kailangan bigyan pansin ay ang pedigree o pinagmulan ng baboy na nais gawin inahin o barako, ang performance ng individual na baboy na nais gawin inahin at ang pisikal na kaanyuan ng baboy. Ang pedigree nito ang magbibigay sa ating ng idea kung gaano karami ang inaanak ng lahing ito. Gaano kabigat ang ipinapanganak nakulig nito,  kung gaano karami ang naiwawalay at kung ano ang mga timbang nito nang iwinalay. Dapat din natin isaalang- alang kung ilang beses ba ang inahing pinagmulan nito nanganak,naglandi, nakunan, etc

Maaari na napakaganda ng  performance ng inahing pinagmulan ng inyong baboy ngunit hindi nangangahulugan na magiging maganda rin ang magiging resulta kapag ang  kulig na nito ay gagawing inahin. Bigyan pansin din natin ang naging performance ng kulig. Ito ba ay may magandang timbang nun ikalimang buwan nito? Umabot ba naman ito ng 85 kilos. Kung umabot ng 85kgs, naging matipid ba ito sa pagkain? Naging sakitin ba  ito? Isang maling practice  ng mga nag- aalaga ng baboy ay yun kapag maliit ang isa sa  kanilang baboy sa araw ng benta ay kanila itong ipinapaiwan at pinapalaki pa para gawing inahin nalang. Ang mga ganitong baboy ay maaring gawin inahin ngunit ang kakayahan ng paglaki ng mga magiging kulig nito ay maaaring mabagal din.

Kahit na mganda ang pedigree at performance ng baboy ay hindi nangangahulugan na pwede na itong gawin inahin. May mga physical na katangian din tayo na batayan sa pagpili ng inahin. Dapat ito ay walang mga kapintasan, malalakas ang mga paa, at katamtaman ang pangangatawan.

source:"Pag aalaga ng baboy sa Likod bahay" copyrighted.
Please do not copy and post to other site. Thank you!

Doc nemo totoo ba na dapat kumuha ng gagawing inahin sa pangatlong panganganak?

Doc nemo, if you want a good sow, is it true that you should get on the 3rd farrowing of the sow?
« Last Edit: June 05, 2008, 06:12:17 PM by doncorleone » Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #3 on: June 05, 2008, 07:24:04 PM »

Ang suggestion ng iba ay sa unang anakan dapat kumuha ng gagawing inahin.

Para sa akin masmaganda kumuha sa 2-3 anakan.

Bakit 2-3 anakan.

Sa unang anakan kasi kung dun ka kukuha at nakita mong maganda ang inilaki ng baboy ay maaaring swerte or tsamba lang ito. Pero kung 2 anakan na at maganda pa rin ang inilaki ng mga baboy, ibig sabihin maganda talaga ang lahi ng baboy.

Pwede ka din kumuha sa first parity kung talagang alam mo ang datos ng iyong mga baboy.

------------------------

Translation:

Some suggest na on the first farrowing group you should get your gilt-to-be.

Personally, i would go for 2-3 farrowing/ panganganak.

Why i go for 2nd and 3rd parity.

In the first farrowing if that group grows excellent the possibility of a fluke/tsamba is there. But if at the 2nd farrowing they still grows excellent then it only means that their genetic makeup is really good.

You could go for  first farrowing if you really know the record of the animal.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
BUDS
Newbie
*
Posts: 34


View Profile
« Reply #4 on: November 22, 2008, 02:38:20 PM »

doc,
  halimbawa po naglandi na ang inahin ko ngayon pero di ko ito pinabreed mga ilang araw po ba ang hihintayin ko pra maglandi agad ito?thank you doc.....
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #5 on: November 23, 2008, 03:10:18 PM »

around 21 days it will reheat again.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!