Google
Pinoyagribusiness
September 08, 2024, 12:22:28 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home   Forum   Help Search Login Register  
Pages: [1] 2
  Print  
Author Topic: pag-aalaga ng biik mula pagkapanganak  (Read 9531 times)
0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
vincent
FARM MANAGER
Newbie
*
Posts: 12


View Profile
« on: May 25, 2007, 12:05:53 PM »

Gusto ko po malaman kung paano ang pag-aalaga ng biik mula sa pagkapanganak hanggang pagkawalay. Pati po mga vaccines na itinuturok sa mga piglets? kung kelan pwedeng pakainin? kung kelan pwedeng paliguan?

Maraming salamat po...
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #1 on: May 25, 2007, 08:01:52 PM »

Pagkapanganak ng biik:

Una ito ay pinuputulan ng pangil ng  ngipin. Ang pagkaputol nito ay sagad.

Ang iba namn ay pinuputol din ang buntot ngunit hindi sagad. Kalimitan kalahati ang kanilang pinuputol.

Ang pusod ay pinuputol din sa habang hindi dapat sasayad sa lupa ang natirang kaputol. at ito ay nilalagyan ng disinfectant/betadine/ gamot na pula etc.

Pag abot nito ng 3 araw kailangan bigyan mo ito ng iron injection.

ang bakuna ay depende kung anong sakit ang pangkaraniwan sa inyong sa iyong lugar. kalimitan ibinibigay na bakuna ay hog cholera, mycoplasma, FMD.

Ang pagpapakain ng booster feeds ay pwedeng simulan sa ika 3 o 5 araw ng edad nito.

Ang pagpapaligo kalimitan kung ito ay higgit sa 2 linggo ang edad. Pero kung hindi naman sila dumihan kahit 1 linggo pagkatapos wlay nalang.

Sa araw ng walay ay pwede nang magbigay ng dewormer at multivitamins.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
kimpoy
FARM MANAGER
Newbie
*
Posts: 1


View Profile
« Reply #2 on: May 27, 2007, 10:14:48 AM »

hi! im kimbaluyut 20 years old... kumusta po kayo, sana ma bigyan nyo ako ng tips kung papano mag halaga ng biik,,, kasi po gusto kong mag tayo ng small business para sa pag baboy.

gusto ko po mag start ng 10 pcs na biik... gusto ko po malamn un pag uumpisa..
 sana po matulungan nyo ako...
maraming salamat po...

Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #3 on: May 27, 2007, 12:32:58 PM »

Kung nais mong bumili ng kulig dpat ito ay marunong nang kumain o walay na sa inahin ng 1 linggo o mahigit pa. At dapat alamin mo rin kung ito ay nabakunahan na at nadewrom

Kalimitan ang pagpresyo ng biik ay maydalawang paraan.

1. pagpresyo alin sunod sa timbang. Ang 10 kg baboy ay maaring mapresyuhan mula 1500- 1800 at kapag lumagpas dito ang sobrang kilo mula sa 10kg ay iprepresyo mula 50 pesos hanggang 90 pesos dpende din sa prevailing market price ng baboy.

     halimbawa:  ang kulig na bibilin nyo ay nasa 11 kg
     10 kg           =    1, 500
       1 kg excess =         50
     11 kg            =    1,550 presyo ng 11 kg ng biik

2. Meron naman nagbebenta ng bultuhan ito naman ay bibilin mo ang buong akayan ng inahin ninya sa isang specific na presyo. halimbawa 1600 kada biik. Hindi na ito titimbangin.


Kung sakaling nakapili ka na dpat ito ay ibiyahe ng maagang maaga o sa hapon na . Para malamig ang pagbiyahe ng iyong biik.

Pagdating ng biik sa iyo wag mo muna pakainin. papahingahin mo muna. Pagnakapagpahinga na pakainin ito ng konti at masmaganda na bigyan mo na rin sila ng vitamins sa inumin sa loob ng 3-5 days. Ang dapat na ipakain mo dito na feeds ay yun ipinapakain din ng ipinagbilan mo. Magpalit ka nalang ng feeds sa susunod na stage ng pakain. halimabawa kung nasa prestarter pa lang ito sa starter ka na magpalit ng feeds.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
vincent
FARM MANAGER
Newbie
*
Posts: 12


View Profile
« Reply #4 on: June 15, 2007, 01:20:41 PM »

Sir, tanong ko po kung ilang feeds ang mauubos ng tatlong baboy mula pag kawalay hanggang sa pag kabenta ng mga to? kung ilang pre-starter bago ka mag starter tapos grower hanggang finisher?

Maraming salamat po
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #5 on: June 15, 2007, 08:04:23 PM »

Kalimitan po bawat company ay iba iba ang ibinibigay nilang recommendation. at pwede ka pong makahingi ng brochure sa mga kumpanyang ito.

Pero ang isang practical na approach po kalimitan ibinabase nalang sa per sako.
Halimbawa: 
 Prestarter= 12.5 kgs
Starter=      50 kgs.
grower=      100 kgs
finisher=       50 kgs, minsan po kalahating sako o 30 kgs lang napapakain dito dahil pwede nang pangbenta
  ito po yung mas mainam na sundan para mdali din pong matantiya ang presyo ng baboy.

ang iba naman ay base sa araw ginagawa bale ito po ay estimate lang.

0-15 days pagkawalay prestarter
16-45 days= starter
46-99 days= grower
100-120 days= finisher

kung susundan natin ang unang example 212.5 kg x 3 baboy= 637.5 kgs ang kakainin nito.

Safe sabihin na kakain ng 200kgs ang isang baboy.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
vincent
FARM MANAGER
Newbie
*
Posts: 12


View Profile
« Reply #6 on: June 18, 2007, 01:44:34 PM »

Ahhhh Ganoon po ba. Ok maraming salamat sir.  Ang binibili kasi namin na feeds ay sa B-meg po sir.
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #7 on: June 18, 2007, 03:56:58 PM »

ask na langpo ang kanilang dealer ng feed for a brochure ng feeding program ng bmeg
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
bhoeds25
FARM MANAGER
Newbie
*
Posts: 1


View Profile
« Reply #8 on: July 09, 2007, 09:51:03 AM »

dood day po,

ask ko lang po kung ok lang po ipakain sa alagang baboy or biik ang tirang pagkain na nakukuha sa restuarand or sa mga fastfood store (jolibee McDonald and etc..) or known as kanin baboy?

Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #9 on: July 10, 2007, 07:09:11 AM »

Sa mga kulig ho ay hindi magandang ipakain ang mga tira tirang pagkain sa dahilang maseselan pa po ang tiyan nito. Ang pagkain ng tira tirang pagkain ay maaaring maging sanhi ng pagtatae nito. Sa mga grower na baboy naman ay ayos lang na magpakain nito. Dpat lang na iluto ito ng mabuti upang ang  mga mikrobyo nito ay mamatay.

Ang mga baboy na pinapakain ng kanin baboy ay kalimitan matataba at hindi ganon kabilis lumaki. Pag dating kasi sa nutrisyon ay hindi ito balanse.

Pagdating kasi sa pagkain masmainam po kasi ang commercial feeds dahil ito ay masbalanse at akma.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
doncorleone
Full Member
***
Posts: 148



View Profile
« Reply #10 on: April 12, 2008, 04:29:41 PM »

Doc Nemo, para saan po ba ang amoxicillin trihydrate? pwede bang pang preventive ito at iineksyon sa mga biik?
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #11 on: April 13, 2008, 02:46:14 PM »

If you want a preventive antibiotic go with oral antibiotic unless when there is already a case inside or near your farm then you could use injectable.

Amoxicillin trihydrate is an antibiotic and it could be used for preventive. Just check the recomended dose before giving to the animal.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
coachmaclain
Newbie
*
Posts: 19


View Profile
« Reply #12 on: December 04, 2009, 02:56:16 PM »

Doc Nemo ask ko lang po kung ilang hours ba makaramdam ng gutom ang mga bagong panganak na biik?dahil nangyari ito sa inahin ko kung hindi pa namin pinainum ng gin hindi pa sya kumalma at nahiga,doon na at naka suck ng milk ang mga biik.Kaso lang lampas na ng 12 hours ng nakadidi sila. May epekto ba sa kanila ang delayed na ito Doc? o d kayay baka nalipasan sa sila ng gutom at baka kung ano ang mangyari sa kanila..Paki reply naman Doc..
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #13 on: December 04, 2009, 10:56:02 PM »

initial reaction ng piglet is to find the source of food/milk mula sa pagkapanganak.

they need the immediate source of energy para din kasi sa heat production ng kanilang body. HIndi naman detrimental ang hindi nila pagkakasuso agad as long as the succeding days are makadede sila ng maayos.

Provide brooding materials sa kanilang higaan para di sila lamigin.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
coachmaclain
Newbie
*
Posts: 19


View Profile
« Reply #14 on: December 05, 2009, 09:07:12 PM »

Thanks Doc..
Logged
Pages: [1] 2
  Print  
 
Jump to:  

< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!