pinoyagribusiness.com

Author Topic: NANGANGAYAYAT NA BABOY pls pahelp po.  (Read 54 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

jdcompe21

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
NANGANGAYAYAT NA BABOY pls pahelp po.
« on: July 10, 2018, 09:36:53 AM »
pahelp naman po, ung dalawa ko pong inaalagaang baboy for fatteners ay ung isa po maganda ang katawan siksik, mabigat at malaki pero po ung isa niyang kasama sa kulungan is mas maliit ng unti at mapayat pero kapag binuhat mo mabigat naman.

ilang beses ko na po napurga at nabigyan ng vitamins mag3mos. na po sila since birth nextweek. nung una po kala namin dahil lang sa inaaway lagi nung isa kapag kakaen na kasi iisa lang ang kainan nila nung una, pero nung pinaghiwalay na namin ganun pa rin po payat parin.

magana naman po kumaen at masigla naman siya at di naman nagkululang sila sa tubig at magkapatid naman po sila. kapag kumakaen lumalaki po ang tyan pero after kapag lumipas ang ilang oras lumiliit na naman ang tyan. then parang di siya masyado natutulog lagi lang niya kinukulit at dinidilaan ung kapatid niya.

pahelp naman po sa case ko or somebody na makapagadvice kung ano po magandang gawin para po mahabol ko ung laki ng kapatid niya at di po ko malugi sa pagbenta. TIA.


nemo

  • veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7879
    • View Profile
    • pinoyagribusiness.com
Re: NANGANGAYAYAT NA BABOY pls pahelp po.
« Reply #1 on: July 18, 2018, 02:26:02 AM »
Kung maliit lang kumpara dun sa malaking kasama ok lang po yun wag lang na bansot talaga ang animal.

Medyo may edad na yun hayop po nila kaya at 3 months old pag maliit siya mahirap na pong habulin kasi yun growth development nila dapat sa umpisa pa lang maganda na para magtuloy tuloy.

The best na pwede nyong gawin is magvitamins na lang talaga weekly to help yun gana at convertion ng pagkain niya.

Kung feeds po ang pinapakain nila try po nila basain yun pagkain ng animal. Yun parang lugaw ang dating then tingnan po nila kung mas gusto ng animal ito/ mas marami siya makakain. Kung mas marami dagdagan nyo ng dagdagan in the hopes na yun dagdag na pakain is ilalaki pa niya.


 


Privacy Policy