pinoyagribusiness.com

Author Topic: Namatay ung baboy 1 day pagkatapos manganak  (Read 67 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Rgonzaga

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Namatay ung baboy 1 day pagkatapos manganak
« on: February 09, 2018, 08:53:15 AM »
Ask ko lng po...bkit po kaya nmatay ung inahing bboy namin 2 days pagkatapos manganak?ang sabi ng vet..heatstroke daw po...pero nglagnat din...pinliguan nmin ung ulo ng malamig  na tubig.pwede po ba mag inject kahit may lagnat? Para sa antibiotic at vitamins?wala pa 2 hours nangisay ung inahin at ung tinurukan sa may pige banda ng violet...tapos ng violet na rin sa may paang unahan at sa may tyan.


nemo

  • veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7847
    • View Profile
    • pinoyagribusiness.com
Re: Namatay ung baboy 1 day pagkatapos manganak
« Reply #1 on: February 11, 2018, 01:56:43 AM »
Pwede po talagang magbigay ng antibiotic at vitamins kapag may sakit or lagnat ang isang hayop. TO be honest ho sa medical ethics mas dapat nyo pong paniwalaan yun sinabi ng vet sa inyo dahil  siya yun nakakita nun animal.

 To further explain lang ho ciguro kung bakit heatstroke ang kanyang diagnosis is dahil sa violet na kulay nito possible indication na hinihingal yun animal...

Kung buhay pa po yun mga piglet na inanak nito kung meron pa silang inahin na kapapanganak lang pwede po nilang itry na ipaampon dun ang mga anak nito.

or kung ala naman po pwede silang bumili ng milk replacer sa mga poultry supply at yun ang pwede nilang ipainom sa mga biik.

Sigurado din po nila na ang kanilang mga inahin ay may bakuna against hog cholera, mycoplasma, e coli, parvo virus at pseudo rabies.

 


Privacy Policy