Google

Author Topic: Kulang sa timbang.  (Read 3486 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Tilus

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Kulang sa timbang.
« on: February 16, 2010, 04:55:27 PM »
Hello Sir Nemo,

Ask sana ako anong problema ng mga laga ko kasi based dun sa mga nabasa kong mga post, ang alaga na nasa 4 month to 5 months should weigh around mga 85 kilos.. Ang sa akin kasi 4 months na sya ay nasa 40-45 kilos lang sya may I know anong problema nya. Sa feeds ba or sa pag aalaga talaga.

Halo halo kasi ang feeds pinapakain ko, may BMEG, PASPAS and MATON. Please advice po para ma correct ko po ang next na fattening ko. If may mai advice po kayo na mixing procedure baka po makahingi to correct ano man ang problema.

Salamat po,

Tilus


nemo

  • Veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7827
    • View Profile
    • swine raising
Re: Kulang sa timbang.
« Reply #1 on: February 16, 2010, 10:43:46 PM »
mas advisable kasi na straight na feeds ang ipapakain especially kung maganda ang lahi ng baboy nyo.
Although mahal ang feeds kahit papaano mas madali matrace kung alin ang problem kung straight commercial feeds ang kanilang pinapakain. At the same time dapat hindi tinitipid sa pagkain ang baboy.

Although, paalala lang kung minsan sa isang area tlagang hindi advisable mag alaga ng baboy especially kung masyadong mababa ang liveweight ng baboy.

Ang pag aalaga kasi ng baboy nakadepende sa lahi, feeds and management kung isa dun ay pangit then magiging bansot ang baboy nyo.
Merry Christmas...
 To order the swine manual email us at piggery@gmail.com. Sales from the manuals covers for the maintenance of this site


Rhean0113

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Kulang sa timbang.
« Reply #2 on: January 03, 2019, 08:39:34 AM »
sir nemo,
bago lang po ako magbaboyan. ngayon po may apat ako na baboy. 2 months na po pero anf weight nung isa is 15kls lang at yung iba nasa 20 plus lang. bakit po ganun. BMEG po ang feeds  pero nag grower po agad ako mga 35 days palang sila kasi yun daw naman ginagawa nung nabilhan ko. anu po ba dapat ko gawin ara lumaki sila kasi yung ibang mga kapatid nMan Nil nasa 30-35 kls na. salamat po

nemo

  • Veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7827
    • View Profile
    • swine raising
Re: Kulang sa timbang.
« Reply #3 on: January 05, 2019, 12:31:06 AM »
Greetings ito po yun lumang feeding guide ng bmeg

                    Age            Bigat    Tagal ng Pagpapakain   Pakain bawat Araw
Booster          5-20       2-5kg           15 days                    0.10kg
Pre starter    21-35       6-8kg           15 days                    0.25kg
                  36-50       9-12kg          15 days                    0.50kg
Starter         51-80      13-25kg         30 days                    1.00kg
Grower         81-120     26-60           40 days                    2.00kg
Finisher       121-145     61-80           25 days                    2.20kg


Yung nabanggit nyong 2 months  ang ibig po ba nilang sabihin 2 months mula pagkapanganak or 2 months mula nung nabili nila ang biik? kasi kung mula pagkapanganak dapat nasa starter pa lang po yun pakain pero kung mula pakabili nila ng  biik ay 2 months na pagrower na po yan talaga. pero sa liit po kasi ng baboy nila kung 15 kilos lang po suggested is mag starter pa ng konti yun mga biik na maliit.

nabanggit nila na malaki naman yun ibang kapatid. baka po naagawan ng pagkain ng ibang kapatid kaya po ito maliit. kung meron pa po silang kulungan mas maganda na pagsamasamahin nila yun maliit para hindi maagawan ng pagkain.

Pag dating naman sa pagpapakain dapat po bigay  sila ng bigay as long as kayang  ubusin ng baboy, assuming po na maganda ang genetics ng baboy nila.  Halimbawa according sa guide sa taas kapag grower dapat 2 kilos ang makakain ng baboy. kung may 10 baboy sila dapat 20 kilos sa loob ng isang araw ang ipapakain nila. kung 2 beses sila magpakain sa isang araw 1o k ilo sa umaga then 10 kilo sa hapon.

YUng sampung kilo sa umaga bigay muna nila 5 kilos kapag naubos agad nila saka nila dagdagan ng another 5 kilos kapag naubos pa rin agad dagdagan nila uli kahit 1 kilo lang. Sa hapon naman ganun din 5 kilo then 5 kilo uli. kapag naubos magdagdag pa.

Kung sakali po hindi agad maubos yun 5 kilos then wag muna sila mag dagdag pag dating ng hapon kapag nagpakain sila 5 kilos uli kapag gutom pa dagdag lang.
Lagi lang po nila pakikiramdaman kung gutom mag dagdag kapag di agad makaubos tigil lang muna.

Yun iba po natatakot mag pakain ng magpakain sa baboy nila kasi malulugi daw sila dahil mahal ang feeds. Dyan po pumapasok ang genetics kapag maganda ang lahi ng baboy nila lalong bibilis ang laki nyan .

Para hindi nakakalito ang madalas na ipagamit namin dati na style sa pakain is ganito
 1/2 prestarter
1 starter
2 grower
1 finisher

anu ibig sabihin nya?  mula pagkapanganak up to mabenta yan ang dami ng sako ng feeds na mamakain ng isang baboy bago mabenta.

sa case po nila kung nakuha nila na ang baboy ay kumakain na ng starter halimbawa kung 10 baboy nila kapag nakakain na ng 10 starter ang mga baboy nyo ishift nyo na ito ng grower kapag nakakain na ito ng 20 sacks ng grower ishift na ito ng finisher kung naka 5 sako ng finisher ang mga baboy nila at tantiya nila pwede na ibenta , ibenta na nila pero kung sa tingin nila mabilis pa lumaki baboy nila magpakain pa po sila ng 5 finisher. After that kahit maliit ang baboy nila dapat benta na po nila kasi po more than that malulugi na po sila.

Ang rule lang is dapat 85 kilos above na siya kung 85 kg na siya at nasa grower stage palang kung mabebenta mo na sila at sa computation mo kapag benenta ay tubo ka na  benta mo na.

Kapag hindi umabot ng 85 pero napakain yun mga nabanggit na dami ng pakain, benta mo na rin kasi baka malugi ka na kapag nagpakain ka pa ng mas marami.

MEdyo sa umpisa ho mabusisi lang feeding pero kapag naka isang harvest na kayo dadali na po yan
Merry Christmas...
 To order the swine manual email us at piggery@gmail.com. Sales from the manuals covers for the maintenance of this site

Rhean0113

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Kulang sa timbang.
« Reply #4 on: January 05, 2019, 08:02:01 AM »
Good day..
Sir, anu po ba ang magandang vitamins at panu po ba ang tamang pagpupurga? ihahalo po na sa pagkain? at anu po ba mabisa na pamurga? salamat po

Rhean0113

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Kulang sa timbang.
« Reply #5 on: January 05, 2019, 03:06:29 PM »
sir, bali po 3 months na mula pagkapanganak. dalawa lang po na biik ang nakalagay sa kulungan. yung iba po nakikita ko lang po sa dating may ari n pinagbilhan ko.

nemo

  • Veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7827
    • View Profile
    • swine raising
Re: Kulang sa timbang.
« Reply #6 on: January 05, 2019, 11:09:13 PM »
sa vitamins kasi generic will do.

usually sa dewormer ang inaadvice ko po ay injectable like ivermectin kaso dalawa lang ang alaga nila so magpowder dewormer na lang po sila yun hinahalo sa tubig like latigo.

yun vitamins pwede din yun hinahalo sa tubig.

kung 3 months na pgrower na nga po yun.
Merry Christmas...
 To order the swine manual email us at piggery@gmail.com. Sales from the manuals covers for the maintenance of this site

 

< >

Privacy Policy