Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Leo22 on December 07, 2011, 07:23:02 PM



Title: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: Leo22 on December 07, 2011, 07:23:02 PM
Doc Nemo, Tanung ko lang kung buntis ba yung  gilt ko kasi pina A.I ko sya tapos after 18 days namaga yung ari hinintay ko ng mga ilang days kung maglalabas ng white substance sa ari pero wala naman Doc. Posible kayang buntis yun doc? tnx in advance!


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: nemo on December 07, 2011, 07:25:08 PM
kung hindi nagpapasampa ang assumption is buntis siya. wait for 42 days for checking again kung magreheat siya.


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: mymelody on December 09, 2011, 01:02:40 PM
doc,


sow ko po kasi nung 19-20 days, hindi namaga ari, kaya di nmin back riding test

pero nung 21 days nya, pina try ko diinan sa likod, di daw tinag, pinasakyan ko, di daw tinag

kaya pa sked ko AI, kaya lng na delay dating technician, nung sampahan na nya, ayaw na ng sow

sabi nya duda daw sya na naglandi daw ito, kasi di nman daw maga ari.

1. alin po mas batayan na naglalandi nga sow, maga ari or nagpapasampa ito?

2. possible po ba na magpasampa ang sow kung buntis pala ito?

3. bawal po ba sampahan sow on its 18-21 days to check nga na naglalandi ito kung hindi nman maga ari?

baka maulit po kasi next time na ganito ulit sow. basis po kasi nmin is namaga ari before sakyan, 






Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: nemo on December 12, 2011, 12:28:28 AM
ang initial sign kasi is mamamaga then subside then papasampa.

meron naman silent heat na tinatawag hindi namamaga pero magpapasampa. at kapag diniinan mo ang likod hindi siya papalag.

ang end po kasi lagi is yun pagpapasampa, basta gustong magpasampa mas malamang in heat talaga ito.


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: Leo22 on December 16, 2011, 07:35:23 PM
Reheat yung gilt ko doc nemo, 1st day of heat nya ngayon baka sunday pede ng A.I. ulit.
Doc tama ba yung calculation ko na sa sunday ko pa A.I. kasi pang 3rd day nya?


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: allen0469 on December 17, 2011, 12:01:16 PM
good am doc,
advance merry christmas po sa iyo at sa lahat ng ka forum.
doc ask ko lang po kasi ang sow ko pang 3rd parity na mgayon naka 10 days na weaning po hindi parin nag pa heat ito po yong sabi ko na silent hearter wala na po bang pang babago sa heat system nya,ang kasabay nya po nag wean last week nag pa AI na po 5 days ago sya wala pa talaga,pina daanan ko po sya sa boar for 15 min,sa umaga at hapon piro walang effect,any advice po.
thanks


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: nemo on December 17, 2011, 08:59:41 PM
leo22 in theory third day to fourth  day   yan magpapasampa. pacheck mo lagi kung magsteady siya sa back pressure.

allen0469 , try nyo kuntian  ang feeds. tipong 1 kg lang for 3 days then check nyo kung magheat siya pag ayaw mag  hormonal treatment sila


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: allen0469 on December 18, 2011, 01:32:54 PM
doc,
last day po 2 kg  lang a day ang bigay namin more water lang po ba para d naman mag wala sa gutom ang sow ko,ok po mag reduce po kami to 1 kg a day,normal po ang budy nasa no.3 po,try ko po start bukas sana mag pa heat na mahal na kasi ang feeds sayang ang long dry period.


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: Leo22 on December 19, 2011, 02:28:36 PM
Doc Nemo Pina A.I. Ko kahapon yung gilt ko pero ayaw pasampa nung gilt ko. Ang problema kasi sa gilt na yun doc Nung unang heat at 2nd heat nung 8 months nya nung nag back press ako ok naman standing heat sya hindi sya gumagalaw sa 3rd day ng heat. Pero dahil nga dun sa nabasa ko dito sa forum sa 3rd heat ko pa sampahan. Ang naging problema naman nung 3rd heat nagkabukol yung paa nya ayaw tumayo. kaya pinalampas kuna naman yung heat.  Pinagaling ko muna yung bukol nya sa paa. Dun sa 4rth heat nya sa 3rd day ayaw ng pasampa, sa twing mag back press ako araw araw pumapalag. Hanggang Nalipasan na naman ng heat. Sabi sakin nung nag A.I. Kung mag heat uli kahit ayaw pasampa A.I. nya na yung gilt ko basta sa 3rd day ng heat nya. Na A.I. Na nga nung Nov. 13 kahit pumapalag sya. Pero nung Nov. 30 nag heat uli sya
18 days nya nun. Pero ang checking date na binigay sakin nung nag A.I. Dec 3 at Dec 24. kaya pinabayaan ko lang. Naghintay uli ako ng pang 42 days nya kung magheat uli. yung na post kunga dito na una Doc nemo.
Pero Nung Dec 16 nagheat na naman uli namaga yung ari nya, nung Dec 17 may white discharge lumalabas
at Nung Dec 18 nga pina A.I. Kuna pero hindi nga na A.I. dahil ayaw pasampa. Sabi sakin ng Nag A.I. baka daw buntis na. kasi meron daw tlaga mga buntis na baboy na nag heat pero wala sa cycle.
    Doc sa tingin nyo tama ba yun na meron mga buntis na baboy na nagheat pero wala sa cycle?
at kung sakaling hindi buntis itong gilt ko doc, ano maipapayo nyo sakin pwede kayang benta ko nalang yung gilt na yun?


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: nemo on December 20, 2011, 06:46:28 PM
mukhang 3 reheat na niya        kaya   usually benta na ang suggestion diyan


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: allen0469 on December 23, 2011, 01:59:35 PM
good pm doc,
hindi parin po nag heat nag sow ko lampas na po 3 days sa sina bi mo doc,ano kaya doc ang ma suggest nyo na pang hormon doc kasi di po kami naka ranas mag gamit lahat normal way ang process?
thanks and advance merry christmas and happy new year sa iyo at sa lahat dito sa forum.


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: nemo on December 23, 2011, 08:55:46 PM
try po nila gonadin, maganda naman feedback here ng gonadin.


Title: Re: GILT BUNTIS O HINDI?
Post by: allen0469 on December 24, 2011, 07:32:30 AM
good day doc at mga kuyan dito sa forum,
meery christmas po sa inyong lahat.
ok doc subokan ko po ang gonadin.
salamat po