Google

Author Topic: INAHING BABOY NA HINDI MABUNTI-BUNTIS  (Read 462 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

sibal_alvin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
INAHING BABOY NA HINDI MABUNTI-BUNTIS
« on: January 08, 2016, 10:06:59 AM »
Newbie po sa pag-aalaga ng Inahing baboy.
Kasi ung alaga naming inahing baboy unang naglandi nung 8 months tapos pinalagpas namin. After 18-20 days naglandi po ulit, AI po ang ginamit namin sa halip sa Boar. Sabi kasi nung vetirenaryo namin mas ok daw po un para hindi maistress ung inahin. After mga 20+ days (hindi ko maalala exactly) biglang may discharged na parang malapot na puti sa pwerta ng inahin. Ang sabi po ng vetirenaryo baka nagbabawas lang. Hinayaan namin. Ang alam namin buntis po ung inahing baboy hanggang malapit na sana due date nya ng panganganak. Nagulat nalang kami biglang naglandi. Ang ginawa namin pinabulugan na po namin sa Boar nung November 25, 2015. After 18 days ulit naglandi nanaman, so nung December 18, 2015 pinabulugan ulit namin sa Boar, tapos kahapon po napansin namin na may discharged nanaman sa ari ng inahing babor tapos biglang lumaki ung ari nya na namula.

Anu po kaya problema ng inahing baboy namin.

Darak po na may halong Gestating Feeds ang pinapakain namin sa inahing baboy. 1 year and 2 months mahigit na po edad ng inahing baboy mula nung pinanganak. Tyson po breed ng inahing baboy.

Maraming salamat po. God Bless.


nemo

  • Veterinarian
  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 7824
    • View Profile
    • swine raising
Re: INAHING BABOY NA HINDI MABUNTI-BUNTIS
« Reply #1 on: April 04, 2016, 07:39:33 PM »
usually po kasi kung 2-3 times na umuulit ang inahin sa pag lalandi at ayaw magbuntis inaadvice napalitan na.

pero sa case po nila kasi sabi nila naghahalo silang darak. kung gusto panila bigyan ng last chance ang kanilang inahin try po nila purong gestating feeds lang ipakain . minsan kasi kung kulan sa nutrisyon ang animal umuulit ito sapaglalandi
Merry Christmas...
 To order the swine manual email us at piggery@gmail.com. Sales from the manuals covers for the maintenance of this site


 

< >

Privacy Policy