Google
Pinoyagribusiness
July 04, 2025, 08:59:43 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: [1]
1  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Proper Feeding on: February 03, 2012, 01:03:23 PM
thanks doc
2  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Sow card on: February 03, 2012, 01:02:19 PM
tanong ko lang sana doc kung yung mga biik na lumabas below 1kilo ay sinasama sa pag record ng pre wean mortality??


mataas kasi ang percentage ng mortality tuwing sinsama ko sa bilang yung mga biik na nasa .5 at .75 lang


salamat muli doc
3  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Proper Feeding on: February 01, 2012, 04:09:11 PM
Dalawang paraan ng Pagpapakain:
1. Restricted= may oras at dami ang ibinibigay kada pakain.
2. Ad libitum: ang baboy ay nakakain ng kahit anong oras at kahit gaano karami ang gusto nito.

Karaniwang gawain sa backyard:

Ang biik na dumedede pa sa inahin ay tinuturuan kumain sa edad na 3 araw.
Kumuha ng feeds na pangkulig at ito ay basain at durugin. Itong nadurog na feeds ay siya naman ipapahid sa dede ng inahin. Ito ay ginagawa upang masanay sa lasa ng feeds ang mga kulig. Gawin ito mga 3 araw.

Maglagay din ng kaunting pagkain sa kanilang pakainan (mga kalahating dakot ng feeds) at kada araw ito ay damihan hanggat kayang ubusin ng kulig. Palagian ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito.

Pag ang mga kulig ay bagong walay ang pagpapakain ay ginagawa 3 beses isang araw. Sa bagong walay mga 0.5-1 kilo kada baboy sa isang araw ang kaya nilang ubusin o kada kainan kailangan ng 333grams na pakain bawat isa. Pero sa umpisa ay maaari hindi nila ito agad maubos kaya mas magandang untian muna ito.

sa starter stage ang kaya nilang ubusin ay 1-1.5 kg per day, grower 1.5-2.5 kg at finisher 2.5 - 3 kgs.

Halimbawa:
 
                      Feed/day          Frequency of feeding         Feed per meal
pre starter           1 kg                           3                            333 grams
starter               1- 1.5                          3                          333- 500  grams
grower               1.5- 2.5                       3                            500-833 grams
finisher               2.5-3                          3                              833-1 kg

Booster feeds from 3 day old up to 30 day old.
prestarter 30-50 day old
starter 51-80 day old
grower 81-120 day old
finisher 120-150 day old.

Ang nabanggit ay halimbawa lang at ang dami ng pakain ay ibatay sa rekomendasyon ng feed company  na inyong ipinapakain. Tandaan na sa baboy hindi na baleng sobra sa pakain wag lang kulang.

****this is the latest ACE FEED FEEDING PROGRAM (January 2011)

uri ng pagkain           edad           dami ng pakain           kabuuang dami ng pakain
ace gerver              6-35               0.10 kg                           3 kg
ACE prestarter         36-60             0.60 kg                           15 kg
Ace starter             61-90             1.20 kg                          36 kg 
ace grower             91-120            2.2 kg                            66 kg
ace finisher            121-150           2.8                                84 kg         
----------------------------------



tanong ko lang doc kung ano yung timbang ng mga baboy pagdating ng 150 days
4  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Alin ang mas effective na pampalandi on: December 09, 2011, 11:20:07 AM
gamit namin yung pg600 at maganda naman ang resulta.
5  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Boar to be used on: December 09, 2011, 11:17:37 AM
Maki tanong din ako doc...



Kakakuha lang namin ng aming pang apat na boar mula nung nag operate. Doon po sa unang tatlo, lagpas 1 year old na sila bago kunin yung semilya for ai.


Ngayong lang po namin sinimulan kunan ng semen ang boar bago mag 1 year, nag start kami nung 8 months na sya. Medyo nagulat kami na doon sa unang kuha namin, 50 ml lang ang puwede ma process at zero (im not jokng po, 0) ang semen count, para pong tubig doon sa microscope. After a week tumaas ng konti, mga 10-20% lang yung present na semen. It went on and on and tumaas po up to 70-80% kumpara sa dating mga boar namin. Nung huliing kinunan namin, bumaba ulit yung numero ng semilya, mga 40-50% lang.


Is this normal po sa mga boar na below 1 year yung edad?? Halos 10 months na kasi siya at matatalo po ako kung tuloy tuloy ito...


Salamat po.
6  LIVESTOCKS / SWINE / Re: ATOVI on: November 16, 2011, 12:50:09 PM
napansin ko kasi na gumanda ang dumi ng baboy mula ginamit yung atovi. tanong ko na rin doc kung epekto ito ng multi vatimins?? yung mga iba rin ay makaapekto rin sa digestive system??



salamat
7  LIVESTOCKS / SWINE / Re: ATOVI on: November 16, 2011, 12:46:36 PM
medyo may kamahalan nga po itong atovi (P450)

doc nemo, 


na mention ninyo po na marami pang mas murang vitamin pre mixes na pwedeng gamitin. pwede po mag bigay kayo ng recomendasyon?? para masubukan ko lang. Salamt po
8  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Proper Feeding on: October 25, 2011, 10:03:01 AM
maraming salamat po dr nemo.
9  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Proper Feeding on: October 23, 2011, 03:41:50 PM
maraming salamat po sa pag reply...


pasensya at i confirm ko lang. ang advantage lang po ng finisher ay para lang makatipid?? wala na pong advantage ang pag gamit nito pag dating sa quality ng karne at sa timbang??

salamat ulit.
10  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Proper Feeding on: October 21, 2011, 02:51:14 PM
nababasa ko sa internet ilang hog raiser ay grower na yung pinapakain hanggang ibenta... hindi na ginagamit yung finisher.


tanong ko lang po kung ano yung advantage at disadvantage ng ganitong systema na pakain??


salamat
11  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Sow-fattening Calculator on: April 05, 2011, 01:36:27 PM
can i also have a copy?? thanks doc
12  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Pig Artificial Insemination on: February 16, 2011, 01:52:45 PM
bili sana ako ng bagong boar at nung humingi po ako ng quotation, napansin ko mas mahal yung boar nila na pang ai dahil mas maganda raw yung semilya...

tanong ko lang sana...

1) possible kaya malaman kung mas maganda yun semen ng hindi pa na test na 5month old boar??
2) big difference po ba kung "for ai" yung boar kumpara sa ordinaryong boar pag dating sa ai??


salamat muli
13  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Wet feeding o Dry feeding on: January 26, 2011, 09:29:17 AM
There are some sows that like to eat their feeds mix with water but commonly dry method is more preferred rather than wet method.

So try to observed your animal if they prefer dry or wet method.

The disadvantage of wet method is that water is a good breeding ground for bacteria so feeds tend to spoil faster compared in dry method.

im thinking of doing this for my fatteners. how long does it usually take for it to spoil?? thanks



paano rin po ang adg at fcr?? would there be changes?? thanks again...
14  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: PAGLALANDI NG SOW on: January 09, 2011, 11:48:14 AM
maraming salamat po sa maagang pag reply. may follow up lang po...


once ma determine namin na nag standing na siya dahil sa gonadin, advisable po ba na saksakan na siya ng semilya o dapat palagpasin at saksan pagkatapos ng 18-21 days kung kailan natural na ang kanyang paglandi??


salamat ullit.

15  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: PAGLALANDI NG SOW on: January 09, 2011, 09:40:25 AM
meron po akong inahin ng pagkatapos dumaan sa ikalawang parity hindi na po nag heat. nasaksakan na namin ng gonadin (naka dalwa na po) at wala pa rin epekto at medyo may katagalan na...


ang iniisip ko po ay ito ay nag silent heat?? tanong ko lang sana kung paano ma determine kung naglalandi na ang aking sow kung ito ay dumadaan sa "silent heat". salamat po
Pages: [1]
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!