15
« on: January 05, 2019, 12:31:06 AM »
Greetings ito po yun lumang feeding guide ng bmeg
Age Bigat Tagal ng Pagpapakain Pakain bawat Araw
Booster 5-20 2-5kg 15 days 0.10kg
Pre starter 21-35 6-8kg 15 days 0.25kg
36-50 9-12kg 15 days 0.50kg
Starter 51-80 13-25kg 30 days 1.00kg
Grower 81-120 26-60 40 days 2.00kg
Finisher 121-145 61-80 25 days 2.20kg
Yung nabanggit nyong 2 months ang ibig po ba nilang sabihin 2 months mula pagkapanganak or 2 months mula nung nabili nila ang biik? kasi kung mula pagkapanganak dapat nasa starter pa lang po yun pakain pero kung mula pakabili nila ng biik ay 2 months na pagrower na po yan talaga. pero sa liit po kasi ng baboy nila kung 15 kilos lang po suggested is mag starter pa ng konti yun mga biik na maliit.
nabanggit nila na malaki naman yun ibang kapatid. baka po naagawan ng pagkain ng ibang kapatid kaya po ito maliit. kung meron pa po silang kulungan mas maganda na pagsamasamahin nila yun maliit para hindi maagawan ng pagkain.
Pag dating naman sa pagpapakain dapat po bigay sila ng bigay as long as kayang ubusin ng baboy, assuming po na maganda ang genetics ng baboy nila. Halimbawa according sa guide sa taas kapag grower dapat 2 kilos ang makakain ng baboy. kung may 10 baboy sila dapat 20 kilos sa loob ng isang araw ang ipapakain nila. kung 2 beses sila magpakain sa isang araw 1o k ilo sa umaga then 10 kilo sa hapon.
YUng sampung kilo sa umaga bigay muna nila 5 kilos kapag naubos agad nila saka nila dagdagan ng another 5 kilos kapag naubos pa rin agad dagdagan nila uli kahit 1 kilo lang. Sa hapon naman ganun din 5 kilo then 5 kilo uli. kapag naubos magdagdag pa.
Kung sakali po hindi agad maubos yun 5 kilos then wag muna sila mag dagdag pag dating ng hapon kapag nagpakain sila 5 kilos uli kapag gutom pa dagdag lang.
Lagi lang po nila pakikiramdaman kung gutom mag dagdag kapag di agad makaubos tigil lang muna.
Yun iba po natatakot mag pakain ng magpakain sa baboy nila kasi malulugi daw sila dahil mahal ang feeds. Dyan po pumapasok ang genetics kapag maganda ang lahi ng baboy nila lalong bibilis ang laki nyan .
Para hindi nakakalito ang madalas na ipagamit namin dati na style sa pakain is ganito
1/2 prestarter
1 starter
2 grower
1 finisher
anu ibig sabihin nya? mula pagkapanganak up to mabenta yan ang dami ng sako ng feeds na mamakain ng isang baboy bago mabenta.
sa case po nila kung nakuha nila na ang baboy ay kumakain na ng starter halimbawa kung 10 baboy nila kapag nakakain na ng 10 starter ang mga baboy nyo ishift nyo na ito ng grower kapag nakakain na ito ng 20 sacks ng grower ishift na ito ng finisher kung naka 5 sako ng finisher ang mga baboy nila at tantiya nila pwede na ibenta , ibenta na nila pero kung sa tingin nila mabilis pa lumaki baboy nila magpakain pa po sila ng 5 finisher. After that kahit maliit ang baboy nila dapat benta na po nila kasi po more than that malulugi na po sila.
Ang rule lang is dapat 85 kilos above na siya kung 85 kg na siya at nasa grower stage palang kung mabebenta mo na sila at sa computation mo kapag benenta ay tubo ka na benta mo na.
Kapag hindi umabot ng 85 pero napakain yun mga nabanggit na dami ng pakain, benta mo na rin kasi baka malugi ka na kapag nagpakain ka pa ng mas marami.
MEdyo sa umpisa ho mabusisi lang feeding pero kapag naka isang harvest na kayo dadali na po yan