Hi! Balak ko pong mag-start ng backyard piggery sa probinsya. Hindi pa po ako sigurado kung magsimula ako sa 3 o 5 na baboy. Gusto ko lamang pong malaman kung tama lang ang diskarte na naiisip ko.
1. Gusto ko po sana mag-alaga ng mga inahin. Ano ang edad ng baboy para maaari na itong i-mate? Do you suggest po ba na ready for mating na ang bilhin ko na baboy? Magkano naman po kaya ang baboy sa ganitong edad?
2. Tuwing manganganak, ibebenta ko ang mga biik. After weaning pa maaring ibenta ang mga biik, tama po ba? Magkano naman po kaya ang bentahan ng biik?
3. Profitable naman po kaya ang ganitong diskarte kahit na hindi ako magpalaki ng mga fatteners?
Ito na lang po muna for now.
Thank you!