Google
Pinoyagribusiness
September 08, 2024, 07:26:51 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: 1 2 [3] 4 5
31  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: paano ba mag castrate ng mga biik na lalaki? on: December 22, 2010, 06:51:06 PM
Maraming salamat sa nai post po ninyo doc, pero applicable po ba yun sa atin? kasi.. medyo malaki na po yata yung mga biik pag i castrate sa vedio.. eh sa atin 14 days old pa lang po, eh kinakapon na o castrated na.

Castration procedure...

1. linisin po nila yun bayag  nun animal...
2. Gamit ang hinlalaki at hintuturo ipitin ang bayag ng biik hanggang ito ay bumukol.
3. kapag medyo bumukol na ito hiwain yun pinaka matambok na parte nito, pwedeng kaliwa muna or kanang testicle bayag.
4. pag nahiwana yun balat dapat mahiwa din nila ng konti yun testicle/bayag.Pigain nila ng konti yun testicle hanggang lumabas ito dun sa hiwa.
5. Paglumabas na yun testicle/bayag. hilahin nila ng konti, meron po itong kasamang parang litid.
6.Mula sa parang litid na ito mag ipit po sila ng 2 forcep, isa malapit sa biik yun isa malapit sa testicle.
7.Yun forcep na malapit sa testicle ay iikot nila ng iikot hanggang matanggal yun bayag.
8. irelease nila yun natitirang forcep at hayaang bumalik yun parang litid sa loob ng balat.
9. Ulitin ang procedure sa kabilang bayag at maglayag po sila ng betadine or any woundspray.

Bale kailangan mo nga pala ng tagahawak. yun posisyon ng hahawak ay dapat yun likod ng biik ay nakaharap sa iyo.

May video example ako na kinabit pero malaki na yung kinapon nila na baboy at hindi sila gumamit ng forcep.....

<object width="480" height="385"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/HMJmNOeMSsQ?fs=1&hl=en_US"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/HMJmNOeMSsQ?fs=1&hl=en_US" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="480" height="385"></embed></object>
32  LIVESTOCKS / BREEDING / kung may 16 na dede ang sow on: December 18, 2010, 09:10:22 PM
mga manong,

papano po ba mag kakaroon ng 16 na anak ang may 16 na dede na sow?

tanong lang po, baka may idea po kayo.. doc nemo pa help po.. salamat
33  LIVESTOCKS / BREEDING / paano ba mag castrate ng mga biik na lalaki? on: December 18, 2010, 08:59:27 PM
Dok Nemo,
May idea po ba kayo kung papano mag castrate?
kung meron po, makisuyo na po na mai post dito para
mapag experimentohan ko rin yung mga susunod na mga
biik na anak nang alaga ko. salamat po.. pwedi sa tagalog nalang..
34  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: PAGLALANDI NG SOW on: November 12, 2010, 07:03:08 AM
Doc Nemo,
  Good morning po dyan, pasensya na po talaga, na i post ko na po yung topic ko dito din sa breeding kaso
parang wala man tumutulong sa labas, heheh para yatang problemado ang lahat ng mga mag bababoy ngayon.

  Magtatanong lang po sana ako, marami kasing pseudo scientific na pag sasalita dun sa amin na yung pina ka unang anak
ay inahing baboy ko, masama daw kasi nag aagawan daw sila. example, kung minsan daw may maraming mag kakasakit sa anak, tapos
kung minsan yung nanay. totoo po ba ito doc?

  marami pong salamat sa inyong instant na pag sagot.
35  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: PAGLALANDI NG SOW on: November 11, 2010, 09:26:08 AM
mga sir's
bigyan mo nalang po ng vitamins. maglalandi yan.

Doc.
our problem with one of our native sows is this.The sow in question is approx. close to one year old,she comes into heat,gets bred,but fails to get pregnant,returns to heat again.The boar is used with other sows,no problem there.Our manager tells us the sow is not overly fat.Any advice would be helpfull.

Thanks:
mikey


36  LIVESTOCKS / BREEDING / unang anak ng gawing inahin, help on: November 11, 2010, 09:13:37 AM
mga manong dyan! help,

masama bang gawing inahin ang unang anak ng inahing baboy? is there some scientific explanation regarding this matter?
37  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Gilt and Sow Management on: July 22, 2010, 11:40:55 AM
sir pacensya na po.. qoute ko nalang po yong sagot mo. \
 pwedi po kaya para mag landi yong sow, i papalapit lang palagi yung lalaki na baboy?
14 days na kasi now mula pag walay ng mga biik ay di pa nagpapakasta. sinubukan ko na nga yung in advice nyo pero sabi nong nag pakasta, baka bukas pa. ano ba ang ibang alternative pa di pa talaga xa nagpa kasta?

Why not try to stress your animal nalang if you don't want to give hormone. Limit its feed intake for around 2-3 days maybe. Give 1-1.5 kgs per day only. and see if it will heat.

The percentage of the animal that will have few piglets is just small.

If in doubt ka, try to consult your local vet so he/she could assess/ give  the best solution for your animal.

30 days is too long... it will affect the overall performance of your farm.


38  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Maagang Nag heats ang inahin on: July 20, 2010, 06:41:34 PM
doc good day,
  tanong ko lang po, ilang araw po ba maglandi ang isang sow pagkatapos ma walay yong mga biik? salamat po sa inyong advice po

maraming salamat doc
39  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Bakuna on: July 04, 2010, 09:57:15 AM
sir nemo, good day.
 mas maganda kung ang technician nalang ang mag injct compared sa ikaw. kasi pag ikaw mismo yung mag inject di na mag lapit sa iyo yung mga alaga mo. na experience ko yan kaya di na ako nag inject.

Stressful if you will snare them on the snout.

what i do is give the medication during feeding time. THey are so busy feeding that their neck is exposed. Also, when approaching them don't let them see you holding the syringe. Itago nyo sa likod nyo.

Pigs are intelligent animals that when they see you with the syringe they are aware of what you will do and will be alert .

Another thing you can do is use antibiotics with 1ml per 30 kgs concentration, by doing so you will just need smaller volume of antibiotics to inject per animal.


40  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Feeding of Pregnant Gilt or Sow on: July 04, 2010, 09:14:32 AM
magkano po kaya ang bayad nong mag pa inject nang parvo. kasi nanganak itong baboy ng kapit bahay namin,, may mummified daw na anak.. kaya sabi ko natamaan yun ng parvo. kung endemic yon pweding matamaan din ng parvo alaga ko?
ano po ba sa tingin nyo doc
endemic na kasi yun sakit. it means normal nang may ganun sa isang lugar kaya kung hindi vaccinated ang isang animal nagkakaparvo ito
41  LIVESTOCKS / SWINE / Re: paano mag alaga ng biik on: June 30, 2010, 04:15:31 PM
good day doc, gusto ko rin malaman kung ano yung mga steps by steps na gawin sa pag aalaga nang baboy na biik.  kung pwedi email mo din.. fptechzambo@yahoo.com
salamat po doc
gud pm,, mag umpisa lang po sana ako mag alaga ng mga biik,, ano po ang una kong gawin,, ilang buwan po bago ko mabinta.
42  LIVESTOCKS / SWINE / Re: piglets on: June 30, 2010, 04:05:05 PM
doc nemo good day,
    magtatanong lang po sana ako kung ano ang standard litter wieght pag dating sa mga 18 days old?
 
saan po pwede makabili ng piglets sa cagayan.. balak ko kasi pag-uwi eh is to put up a little bussiness on swine.. khit patabain muna... salamat in advance..
43  LIVESTOCKS / SWINE / Re: pagtatae on: June 24, 2010, 09:26:29 AM
doc, good morning,
 napa aga po kasi ng online kasi medyo nag ka emergency don sa amin. nag tae daw ang isa ko pa na maliit. puti daw yung tae nya. ano po bang possibling gamot. email nyo nalang po.. fptechzambo@yahoo.com. salamat. yan lang po pag hindi pweding i post dito
possible din magcause ng pagtatae yun nakakain sila ng feed ng inahin. at this point of time kasi hindi pa ganun  ka well develop ang kanilang mga tiyan for digestion ng feeds.

44  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Gilt and Sow Management on: June 24, 2010, 09:24:34 AM
good morning doc,
  maraming maraming salamat sa suggestions., at least kung meron na naman sa susunod eh, alam na ang mga gawain.

thnks po sa tips.
Usually kasi 3 days ang injection ng iron. Yun 10th day additional iron yun, optional na ito. Kung hindi ka nasaksakan sa 3rd day then important na masaksakan ka sa 10th day.

Ang castration naman is ginawa within 14 days. Meron iba 5 days, 7 or 10th  or 14. Iba ibang farm iba iba din kung kelan . General rule na lang is atleast hindi pa siya malaki para hindi maging madugo. Kung magagawa sana ng masbata sa 14th day mas maganda.
45  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Gilt and Sow Management on: June 23, 2010, 06:40:26 PM
Maraming maraming salamat po doc, at least na wala na po yung pagiging ignorant about sa mga myths about mataba, di naka baba ang ari ay nakaka apekto sa pag gagatas. maraming slamat at nalinawan po.

Additional tanong lang po, 10 days po ba talaga mag inject ulit ng iron? kasi na inject ang mga alaga ko ng iron 2 days pa lang po, eh 11 days na ngayon at sabi ng technician sa linggo na i inject at i castrate. tama po ba ang ganitong suggestion?


possible din po, pero possible din na nung lumabas yun piglet is mahina na or mababa ang timbang etc...
wag na po nila pagalain yun piglet inject na lang po nila ng iron.

Dapat full blast ang kain nito kasi madami siyang pinapadede. give vitamins nalang and try na lagyan ng tubig ang pagkain niya mismo, observed po nila kung mas kakainin niya nag wet feeds.

Yun pagagatas is more on kung pangit ba yun dede ng inahin, patay etc... Or genetically yun lahi nila is mahina mag gatas. Yun sinasabi po nila na ari na di nakababa, mataba ang baboy etc,,, sa ibang aspeto naman ng breeding ito mas associated at hndi sa paggagatas ng inahin.
Pages: 1 2 [3] 4 5
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!