Google

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.


Messages - nemo

Pages: [1] 2 3 ... 523
1
BREEDING / Re: Artificial Insemination
« on: July 25, 2019, 02:36:53 PM »
usually po yun boar na pang AI eh kompleto din sa bakuna.

wala pong relationship yun bakuna ng AI or boar sa kaligtasan ng  kanilang inahin.. Kasi po dapat the otherway around po ito , ang inahin ninyo po ang maybakuna dapat para makaligtas ito sa pagkahawa sa ibang may sakit.

Kahit po kasi may bakuna ang boar or AI    pwede po pa rin sila maging carrier ng sakit. ang pinagkaiba lang po is yun mismong boar or AI ay hindi magkakasakit kasi bakunado siya pero pwede siyang carrier ang sakit at mahawa yun inahin na hndi bakunado.

2
POULTRY / Re: 45 days chicken guidelines
« on: April 05, 2019, 11:26:34 PM »
check your mail

3
POULTRY / Re: guide sa pagaalaga ng 45 days na manok
« on: April 05, 2019, 11:26:04 PM »
check your mail

4
SWINE / Re: pag aalaga ng baboy at 45 days n manok
« on: April 05, 2019, 11:23:25 PM »
check your mail

5
SWINE RAISING BOOK / Re: manual book
« on: April 05, 2019, 11:13:36 PM »
sorry po currently kasi not available si manual

6
SWINE RAISING BOOK / Re: SWINE BOOK/MANUAL FOR SALE!!!
« on: April 05, 2019, 11:12:49 PM »
Greetings.

Sorry to say po not availble si manual.

7
SWINE / Re: Ayaw kumain at uminom ng inahing baboy
« on: April 05, 2019, 11:11:52 PM »
sorry for the very late reply.

Usually tetracycline or oxytetracycline po ang una ko nirerecommend kapag may respiratory problem ang isang baboy.
Yun hingal po niya pwedeng related sa init ng panahon. kung minsan kapag sobrang init ayaw din nilang kumain ng maayos.
Try to decrease the temperature ng buong kulungan or  stall ng baboy. Pwede po nilang basabasain ang paligid at bubong encases na sobrang init nito. kung alang kisame ang bubong pwede po silang magsingit ng karton sa bubong para hindi tagos tagos ang init

8
POULTRY / Re: pugo business
« on: February 08, 2019, 06:14:59 PM »
check your mail

9
SWINE / Re: paano ang pag alaga ng gagawing inahing baboy
« on: February 08, 2019, 06:13:02 PM »
check your mail

10
SWINE / Re: walang gatas ang inahin...
« on: January 24, 2019, 12:28:52 AM »
one month po ang walay ng inyong biik.

dapat po from 3 -5 day old nun biik nag start na sila creep feeding or papakain ng booster feeds para sa biik . para po pag dating ng 1 month paghiwalay nyo na malakas na siya kumain.

11
SWINE / Re: How to start piggery business
« on: January 07, 2019, 06:40:28 PM »
Greetings , hindi po siya updated pero you can use it as aguide po. feed cost po saka liveweight price po ang needed to update according sa area nyo.

12
SWINE / Re: Kulang sa timbang.
« on: January 05, 2019, 11:09:13 PM »
sa vitamins kasi generic will do.

usually sa dewormer ang inaadvice ko po ay injectable like ivermectin kaso dalawa lang ang alaga nila so magpowder dewormer na lang po sila yun hinahalo sa tubig like latigo.

yun vitamins pwede din yun hinahalo sa tubig.

kung 3 months na pgrower na nga po yun.

13
SWINE / Re: Starting a swine business.
« on: January 05, 2019, 12:34:03 AM »
pwede naman po magpurga

sabayin na din  nila ng vitamins .

check po nila baka laging naaagawan ng pagkain yun maliit, kung meron silang pwede pang kulungan paglagyan lipat nyo po siya dun para solo sya or lahat ng maliit sa isang kulungan nyo ilagay.

maximum of 10 pigs po per kulungan ang masmagandang style po.

14
SWINE / Re: Kulang sa timbang.
« on: January 05, 2019, 12:31:06 AM »
Greetings ito po yun lumang feeding guide ng bmeg

                    Age            Bigat    Tagal ng Pagpapakain   Pakain bawat Araw
Booster          5-20       2-5kg           15 days                    0.10kg
Pre starter    21-35       6-8kg           15 days                    0.25kg
                  36-50       9-12kg          15 days                    0.50kg
Starter         51-80      13-25kg         30 days                    1.00kg
Grower         81-120     26-60           40 days                    2.00kg
Finisher       121-145     61-80           25 days                    2.20kg


Yung nabanggit nyong 2 months  ang ibig po ba nilang sabihin 2 months mula pagkapanganak or 2 months mula nung nabili nila ang biik? kasi kung mula pagkapanganak dapat nasa starter pa lang po yun pakain pero kung mula pakabili nila ng  biik ay 2 months na pagrower na po yan talaga. pero sa liit po kasi ng baboy nila kung 15 kilos lang po suggested is mag starter pa ng konti yun mga biik na maliit.

nabanggit nila na malaki naman yun ibang kapatid. baka po naagawan ng pagkain ng ibang kapatid kaya po ito maliit. kung meron pa po silang kulungan mas maganda na pagsamasamahin nila yun maliit para hindi maagawan ng pagkain.

Pag dating naman sa pagpapakain dapat po bigay  sila ng bigay as long as kayang  ubusin ng baboy, assuming po na maganda ang genetics ng baboy nila.  Halimbawa according sa guide sa taas kapag grower dapat 2 kilos ang makakain ng baboy. kung may 10 baboy sila dapat 20 kilos sa loob ng isang araw ang ipapakain nila. kung 2 beses sila magpakain sa isang araw 1o k ilo sa umaga then 10 kilo sa hapon.

YUng sampung kilo sa umaga bigay muna nila 5 kilos kapag naubos agad nila saka nila dagdagan ng another 5 kilos kapag naubos pa rin agad dagdagan nila uli kahit 1 kilo lang. Sa hapon naman ganun din 5 kilo then 5 kilo uli. kapag naubos magdagdag pa.

Kung sakali po hindi agad maubos yun 5 kilos then wag muna sila mag dagdag pag dating ng hapon kapag nagpakain sila 5 kilos uli kapag gutom pa dagdag lang.
Lagi lang po nila pakikiramdaman kung gutom mag dagdag kapag di agad makaubos tigil lang muna.

Yun iba po natatakot mag pakain ng magpakain sa baboy nila kasi malulugi daw sila dahil mahal ang feeds. Dyan po pumapasok ang genetics kapag maganda ang lahi ng baboy nila lalong bibilis ang laki nyan .

Para hindi nakakalito ang madalas na ipagamit namin dati na style sa pakain is ganito
 1/2 prestarter
1 starter
2 grower
1 finisher

anu ibig sabihin nya?  mula pagkapanganak up to mabenta yan ang dami ng sako ng feeds na mamakain ng isang baboy bago mabenta.

sa case po nila kung nakuha nila na ang baboy ay kumakain na ng starter halimbawa kung 10 baboy nila kapag nakakain na ng 10 starter ang mga baboy nyo ishift nyo na ito ng grower kapag nakakain na ito ng 20 sacks ng grower ishift na ito ng finisher kung naka 5 sako ng finisher ang mga baboy nila at tantiya nila pwede na ibenta , ibenta na nila pero kung sa tingin nila mabilis pa lumaki baboy nila magpakain pa po sila ng 5 finisher. After that kahit maliit ang baboy nila dapat benta na po nila kasi po more than that malulugi na po sila.

Ang rule lang is dapat 85 kilos above na siya kung 85 kg na siya at nasa grower stage palang kung mabebenta mo na sila at sa computation mo kapag benenta ay tubo ka na  benta mo na.

Kapag hindi umabot ng 85 pero napakain yun mga nabanggit na dami ng pakain, benta mo na rin kasi baka malugi ka na kapag nagpakain ka pa ng mas marami.

MEdyo sa umpisa ho mabusisi lang feeding pero kapag naka isang harvest na kayo dadali na po yan

15
BREEDING / Re: cost and return
« on: April 04, 2016, 07:48:38 PM »
check your mail

Pages: [1] 2 3 ... 523

< >

Privacy Policy