Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => POULTRY => Topic started by: Leo22 on September 28, 2010, 08:06:40 PM



Title: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: Leo22 on September 28, 2010, 08:06:40 PM
Ano Po Ba ang Standard Na Watts ng Ilaw na Ginagamit para sa 45 days chicken, Bawat Stage Po Ba May
Minimun Requirements na Watts ng Ilaw, At Pwede Bang Flourecent Yung Gamitin na Ilaw? ???


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on October 11, 2010, 06:50:15 PM
1 watt per bird po ang recommended.

1-2 weeks lang ang ilaw as brooder , pero karamihan ngayon nasa 1 week lang. Pero kung nalalamigan sila extend mo nalang.

HIndi po mainit ang flourecent kaya hindi niya maseserve ang purpose nito.

After 1-2 weeks ang ilaw na ginagamit ay for illumination purpose only.



Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: mahal on October 17, 2010, 07:22:49 PM
gd eve doc,
        doc ang mag aalaga ng broiler ko ay wala
silang kurynte pwd po ba walang ilaw ang broiler?
meron bang ibang paraan para maiinitan ang broiler
na d gnagamitan ng ilaw?pwd po ba na dito nlang
sa amin iilawan ang mga sisiw dn pagkatapos ng
1week ibabalik sa kanila?,tulungan nyo kami doc
.......tanx doc


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on October 18, 2010, 06:57:14 PM
meron pong yun tinatawag na lpg heater pero pang malalaking farm lang yun.

sa case acceptable naman yun ibrood nyo muna then after 2 weeks ilipat na nila sa friend nyo.

usually nga kasi 1-2 weeks pinapailawan ang mga sisiw kasi hindi pa ganong kadevelop ang kanilang thermoregulation.


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: mahal on October 20, 2010, 03:56:58 PM
gd pm doc
       doc may itatanong lng po ako tungkol sa
pag encubate ng itlog anong tamang sukat ng
init ng ilaw ng encubator?balibaliktarin ba ang
itlog pag na sa encubator na,pwd pa adviser
kung anong tamang prosiso ng pa eencubate doc
tanx doc


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on October 20, 2010, 11:41:07 PM
i think around 37 degrees celsius siya,

and yes ibinibiling din ang egg. then meron din moisture requirement siya.

IF marami kang itlog na dapat pisain at gagawin mong business talaga  better bumili ka nalang ng incubator.

If you want to experiment , kami dati gumawa lang kami ng box then may bulb sa loob yun sahig ng box is screen and meron maliit na pan underneath para lagayan ng tubig. Then we just adjust the bulb to a certain height na kung saan magiging 37 degrees ang temperature sa loob. Then that's it na nilagay na namin ang itlog then once in a while around 3-4 times a day iniikot namin until mapisa sila.

Meron kaming napisa meron din hindi nag tuloy.. so it is up to you if you want to experiment nalang....


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: mahal on October 21, 2010, 07:43:25 AM
good mrning doc
tanx talaga doc may contact kaba ng nagbibinta
ng sisiw ng broiler?with in visayas region doc?
pasend nman doc,johnrey86@yahoo.com,ok lng
po ba gamitin sa homemade ncubator ang ther-
mometer pang lagnat doc?tanx doc


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on October 21, 2010, 09:32:37 AM
hindi po adviseable yun pang tao na thermometer, yun pang room temperature  thermometer po dapat.

sorry ho ala akong list ng day old chick supplier sa  visaya


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: mahal on October 21, 2010, 10:00:18 PM
ah k dok,pwd contact nlang ng nalalaman mong ngbibinta ng sisiw ng broiler doc kahit d sa visayas doc,san yan mabibili yong room temperature thermometer doc?tanx talaga doc


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on October 23, 2010, 06:38:50 PM
yun thermometer kahit sa mga mall meron nyan.

try po nila ito:

vitarich visayas area. sa feeds ata ito pero you could try po kung meron silang day old chick

      Ilo-Ilo
      Brgy. Maliao, Pavia, Ilo-Ilo   
      Direct Lines : (6333) 329-7658 or 320-6753

      Bacolod
      CL Montelibano, Cor. Kamunsil St.,   
      Bacolod City       
      Direct Line : (6334) 434-8166

      Cebu
      Juez M.O. Echavez St., Sudlon,   
      Maguikay, Mandaue City       
      Direct Lines : (6332) 345-3511 to 12


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: mahal on October 29, 2010, 06:36:19 AM
gd mrning doc
        gumawa na ako ng incubator doc ang gnamit ko ay
digital thermometer pang lagnat,kc la dito yong room
temperature thermometer,dyan doc magkano ang room
temprature thermometer?san kayo naka base doc?


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on October 31, 2010, 11:05:54 AM
Di ko saure kung magkano ang price ng thermometer dito  siguro less than  500 pesos. Metro manila area ako


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: mahal on November 01, 2010, 05:41:59 PM
ah yong gumawa kayo ng incubator doc anong gamit nyo pang sukat ng temperature at magkano ito?k lng po ba lagpas ng 37 degres umabot ng 38 degres sa pg incubate doc?


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: kifid004 on November 08, 2010, 10:12:45 AM
Doc,

Sa may Nueva Ecija area ko po balak tayo ung poultry ko. Gusto ko lng po malaman kung sakaling wala akong makitang mabibilan ng sisiw d2 na gagawing broiler. Pwede po ba akong bumili sa mga kalapit probinsya? Hinde po ba makakasama sa mga sisiw ang pag byahe lalo na kung long distance? Since bibili po ako ng mga sisiw. Meron po bang ideal age ang sisiw na bibilin para gawing broiler?


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on November 08, 2010, 07:14:55 PM
ah yong gumawa kayo ng incubator doc anong gamit nyo pang sukat ng temperature at magkano ito?k lng po ba lagpas ng 37 degres umabot ng 38 degres sa pg incubate doc?

pasensiya na di ko na tanda ang presyo medyo matagal  nang nakakaraan.


kifid, Okay lang naman kung sa kalapit bayan mo bilin basta wag mo ibiyahe ng mainit ito...
Day old ang ideal, kasi mas matanda dun mas mahal na rin.


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: kifid004 on November 10, 2010, 05:48:57 PM
Doc salamat sa response at dun sa manual.

Tanong lng po ung aking potential na pag lalagyan ay malapit sa taniman ng palay at medyo malapit sa ibang bahay. May mga puno po at may mangilanngilan na kawayan ang nakatanim sa lugar. Main concern ko po ay ung kalinisan at amoy. Bukod po sa regular na pag lilinis ng dumi. May mapipapayo pa po ba kayo na magandang gawin para maiwasan ang masamang amoy? May nakita po aq na mga picture sa internet na ung mga kulungan ay layered kung sakaling ganun po ang gawin ko na kulungan. Pag tinanggal po ba ung dumi panu lilinisin pa ung kulungan? Araw araw po din ba ang paglilinis ng kulungan maski may manok pa? kung araw araw kelangan linisin tatangalin po ba ung manok sa kulungan?

Maraming salamat Doc


Title: Re: Help Po! Standard light Para sa 45 Days?
Post by: nemo on November 10, 2010, 10:38:43 PM
Yun layered po na kulungan sa ilalim ng bawat kulungan meron pong salo ng dumi yun. Yun salo po na yun ay natatanggal at pwedeng linisin araw araw.

Linis lang po talaga ang solusyon. Although meron mga ibat ibang product na nagclaclaim na kaya nilang tanggaling ang amoy ng animal pero kaya lang siguro nila pababain ang amoy at hindi totaly matangal.

Mahirap po talaga ang animal raising lalo na malapit sa mga kabahayan.