doc nemo,
mayroon po akong alagang kalabaw, nabili ko po nung Oct 2009. At that time she was around 10 mos. old, after more than a year, noon pong nov 2010, naglandi na daw po according sa tatay ko kaya pina-inseminate po namin sa local vet dito sa amin. after 21 days umulit po ulit kaya pina-inseminate ulit. Kaso po after 21 days or so in-heat siya ulit. Ipina-inseminate na po namin sa 2 magkaibang barakong kalabaw plus another 3rd time thru AI last month pero this week lang po naglandi po sya ulit. bale po 11 times na namin syang pina-inseminate thru natural & artificial ways pero ganun pa din. There were 2 instances wherein umabot po ng 7 weeks in-between sa paglalandi niya kaya akala namin buntis na pero bigla po maglalandi ulit. Ask ko lang po kung dapat na po ba siyang ipakatay na lang? or ano pa po kayang way ang dapat naming gawin para magbuntis yung alaga ko? Tnx po
rollibee(sta.maria, bulacan)