Good day po.
Magtatanong lang po. Nagsimula kami mag-business ng NATIVE na baboy.
Bali ang share namin ay:
1. Kami ang nagpagawa ng bahay ng baboy,
2. Kami ang gumastos sa pagbili ng baboy
3. Kami ang gumastos sa pagbili ng feeds
Ang share ng nag-aalaga ay:
1. Pakain
2. Pagbili ng feeds
* Hindi po kailangan paliguan yung mga native na baboy at
* Hindi din naman nililinis ang bahay kasi hindi maamoy ang native na baboy.
* Walang kuryente din na gagastusin. Walang pailaw sa bahay ng baboy. Sa lupa sila natutulog
* Ang tubig na gamit ay deep well at gumagamit lang ng tubig sa pagtimpla ng pagkain. Ibig sabihin wala gastos.
Paano po ang hatian sa kita ng benta kung sa akin halos lahat ng gastos at ang nag-aalaga ay pakain lang at pagbili ng feeds?
50-50 pa din po ba? Hindi po ba lugi sa hatian dito ang nagpapaalaga?
Sana po mabigyan niyo po ako ng payo.
Salamat po.
Umaasa,
Paolo
Paolo