Castration procedure...
1. linisin po nila yun bayag nun animal...
2. Gamit ang hinlalaki at hintuturo ipitin ang bayag ng biik hanggang ito ay bumukol.
3. kapag medyo bumukol na ito hiwain yun pinaka matambok na parte nito, pwedeng kaliwa muna or kanang testicle bayag.
4. pag nahiwana yun balat dapat mahiwa din nila ng konti yun testicle/bayag.Pigain nila ng konti yun testicle hanggang lumabas ito dun sa hiwa.
5. Paglumabas na yun testicle/bayag. hilahin nila ng konti, meron po itong kasamang parang litid.
6.Mula sa parang litid na ito mag ipit po sila ng 2 forcep, isa malapit sa biik yun isa malapit sa testicle.
7.Yun forcep na malapit sa testicle ay iikot nila ng iikot hanggang matanggal yun bayag.
8. irelease nila yun natitirang forcep at hayaang bumalik yun parang litid sa loob ng balat.
9. Ulitin ang procedure sa kabilang bayag at maglayag po sila ng betadine or any woundspray.
Bale kailangan mo nga pala ng tagahawak. yun posisyon ng hahawak ay dapat yun likod ng biik ay nakaharap sa iyo.
May video example ako na kinabit pero malaki na yung kinapon nila na baboy at hindi sila gumamit ng forcep.....