hi doc! tanong ko lang po sana, kung 500-700 per bottle ng A.I. anu po ba ang pinagka-iba ng A.I. ng nasa department of agriculture na 150Php lang per bottle? bumisita kasi ako kanina sa provet- provincial veterinarian office... dahil part po kasi ito ng aking pag-aaral tungkol sa pagbababuyan, plano ko po kasi mag start ng ganitong pagkakakitaan...
isasabay ko nalang din itong isa ko pang tanung doc! dahil plano ko maging isang swine backyard raiser at nasa stado pa po ako ng pag-aaral nito ay minabuti ko munang mag alaga ng apat na baboy, 50/50 po ang lahi nila native/large white(ipagpalagay nalang natin di ako sure sa breed eh) balak ko po sanang gawing inahin ang isa sa mga ito at ang 3 kakatayin lang sa kaarawan ng aking anak..(lechon) itong lahi na ito po ang napili kong alagaan ay dahil alam kong hindi gaano natatablan ng sakit ang mga native dahil pinag-aaralan ko pa kasi ang pag-aalaga nito... di kagaya na kung hybrid ang alagaan ko ay madali itong magkasakit at magastos po ang pagpapakain nito gayung wala pa po ako masyadong alam sa pag-aalaga nito..
tama po ba ang naging desisyon ko doc? sensya na po kung mahaba ang tanung ko doc... sana maliwanagan mo ako... salamat po!